Martes, Mayo 17, 2011

My Ambitious Girl (Chapter 15)


CHAPTER 15

(Simula ng halikan sya sa ni James ay hindi na mapakali si Devon. Naguguluhan sya kung ano ba talaga ang nararamdaman ni James sa kanya. Wala man lang itong sinabi pagkatapos nun, gusto nya itong komprontahin pero hindi nya magawa. Pati trabaho ay naapektuhan na tuloy. Gusto nyang magshare kina Emman at Ryan pero di nya rin magawa. Hanggang isang araw nagpunta sya sa shopping mall. Ang pagkakataon nga naman nakita nya sina Sam at Tippy. It seems na pumipili ng damit si Tippy para kay Sam. Simula ng makita nya si Sam sa restaurant ay hindi na ito dumalaw sa kanila. Siguro rumaraket na naman ito. While looking at them, she feels some insecurities with Tippy. She knows Sam more than her.)
DEVON'S POV: Paano ba naman you didn't give him a chance..puro James kasi nasa isip mo. Ayan tuloy nagseselos ka!
(She admitted na nagseselos talaga sya kay Tippy. Kung tutuusin Tippy is totally opposite to her. She's simple at happy go lucky tulad ni Sam while sya naman ay mataas ang ambisyon at palaban sa lahat ng bagay. She then saw Sam na umakbay kay Tippy at sobra syang nainis sa nakita..)
DEVON'S POV: Ayan kasi binastid mo..tingnan mo tuloy ang ganda ng ipinalit sayo. Simple at hindi ambisyosa kagaya mo.
(She decided to leave the mall bago pa sya makita ng mga ito
.Samantalang sina Sam at Tippy)
TIPPY: I think I saw Devon.
SAM: Ha? namamalikmata ka na naman...
TIPPY: Parang nakita ko talaga sya.
SAM: Hay naku! Ewan ko sayo..tara na nga marami pa tayong gagawin baka magalit pa si Inno.
TIPPY: Ok.sinabi mo ehhh...
(Nang makarating si Devon sa bahay ay nagdabog sya at napansin naman ito ni Emman)
EMMAN: Sino na naman bang kinaiinisan mo? Si Sam na naman?!
DEVON: Oo siya!!!
EMMAN: Ha? Ano naman bang ginawa nya sayo? Hindi na nga yun pumupunta dito kasi sinusungitan mo palagi tapos ngayon naiinis ka sa kanya...Naguguluhan na ako sayo Cuz!!!
DEVON: Basta naiinis ako sa kanya!!
EMMAN: Kawawa naman yung tao hindi alam kung saan lulugar sayo.
DEVON: Basta I don't want to see his face again!! Ever!!!

(At tuluyan na syang pumasok sa kanyang silid. Sadyang mapagbiro naman talaga ang tadhana. Yung taong pilit mong iniiwasan ay pilit namang nilalapit sayo.Matapos magsimba ni Devon bandang alas 7 ng gabi ay napagpasyahan nyang pumunta ng flowershop para bumili ng bulaklak para sa kanilang altar sa bahay. Nagulat sya ng makita si Sam sa loob ng shop)
DEVON'S POV: Na naman?!!! Hindi naman siguro sya nagtratrabaho dito?!!
(Pero sa nakita nyang suot ng binata ay parang nagtratrabaho nga ito sa flowershop, nakita naman sya nito at agad nilapitan. Nanibago sya sa ekpresyon nito..ni hindi man lang sya ningitian)
SAM: What flower do you want? We'll be closing 5 minutes later.
DEVON: Nagtatrabaho ka dito?
SAM: Obvious ba?
DEVON'S POV: Aba! Suplado!
DEVON: Hey! I'm the customer here! So don't be so rude! (nainis nyang tugon. Nakita nyang tumaas ang kilay nito)
SAM: Ok...tell me what you want
(Dahil first time nyang makita si Sam na nainis sa kanya ay balak nyang inisin ito ng husto)
DEVON: Mamimili muna ako.
(Mga kalahating oras syang pabalik-balik na tumitingin sa mga bulaklak at napapansin nyang panay ang sulyap nito sa relo. Natatawa naman sya ng palihim sa ginagawa)
DEVON: Pilya ka tlaga Devon! Kawawa naman yung tao...
(Narinig nyang nag ring ang phone nito. Nang marinig nya ang pangalan ni Tippy ay agad nyang hinablot ang phone at kinancel ang end button)
SAM: What do you think you're doing??!! (halatang nagpipigil lang ito sa inis)
DEVON: Oras ng trabaho at makikipagtelebabad ka. Isumbong kaya kita sa may-ari ng shop na ito.
SAM: Wow! Alam mo bang 25 minutes na akong na extend sa work dahil sayo. I need to meet Tippy at 7:30 at ito 7:35 na at nandito pa ako!!
(Nag-init naman ang dugo nya ng marinig ang pangalan ni Tippy)
DEVON: So what's with Tippy ha??!!!
SAM: Nagseselos ka?!!!
(Para namang nasira ang depensa nya sa tanong nito)
DEVON: Of course not! Di hamak na mas maganda naman ako sa kanya!
(Nakita nyang ngumiti ito at nainis talaga sya. Para kasing sinasabi nito kung sure ba sya na mas maganda sya compared kay Tippy)
SAM: Well, I admit you look prettier than her but she's nicer than you!
(What a slap on her face naman yung sinabi ni Sam kaya ang inis nya ay naging galit na talaga)
DEVON: Whatever! I guess, it's nonsense talking to you.
(Tinalikuran na nya ito pero bago pa sya makaalis ay nahablot nito ang kanyang braso at napaharap sya dito. He looks at her angrily, para bang ang laki ng galit nito sa kanya)
DEVON: What??!!!!!
(Pero bago pa nya matapos ang sasabihin ay nahalikan na sya nito. His kisses seems like punishing her. She tried to push him, but he's strong enough to be stopped.Pilit syang kumkawala dito at hindi nagtagal ay pinakawalan rin naman sya)
SAM: I'm sorry I didn't mean to do it.
DEVON: What?! You abused me!(galit nyang tugon)
SAM: Because you provoked me! (nakita nyang galit na rin ito)
DEVON:  Because you can't understand me!
SAM: What can't I understand Devon? Na kahit anong gawin ko ay hindi mo ako magugustuhan dahil I'm totally opposite to your dream guy? to your dreams? (He said it with bitterness and pain in his eyes at para namang piniga ang puso nya sa nakitang paghihirap nito)
DEVON: Tama ka!! I can't accept you because...because...(putol putol nyang sabi dahil parang naiiyak na sya)
SAM: You don't have to tell me those words...because I'll be more hurt. But sana lang kunting respeto Devz...when I saw you with James that night at the restaurant..it felt like Iike I've been fooling and hurting myself much.
DEVON: Hindi ko naman alam na nagtatrabaho ka dun..kung alam ko lang ay hindi nalang sana kami pumunta dun.
SAM: Tama ka...Siguro I've been stupid telling to myself that somehow you like me too after we kissed.
(At naalala nya ang namagitan sa kanila)
I thought because of that you're going to give me a chance but I was totally wrong.
DEVON: Sam, I'm sorry if you misunderstood me. I was too weak at that time.I didn't know how to react. (Nagsinungaling nalang sya para panindigan ang kanyang sarili. Hurting him is better than giving up her dreams)
SAM: I guess, I'm just trying too hard to win your heart. (he smiled at her)
Don't worry, starting from now I won't interfere you and James though I'm hurt. What matters to me now is seeing you happy with another man.(he smiled again and touched her face. Then pagkatapos syang titigan nito ay niyakap sya. She feels that this would be the last time Sam is going to take care of her at bukas paggising nya ay mawawala na itong tuluyan sa kanya. Nang kumalas ito ng yakap  ay tinitigan sya na para bang last time na nitong gagawin iyon. He moved his head closer to hers and just staring at her intently, he then kissed her forehead and turned his back away from her. He left her standing and speechless while she was watching him getting farther and farther away.

2 komento:

  1. sis hanika...so touchy nmn nitong last chap mo...nakakaiyak...waaaaaaaa....ang sakit sa dibdib...pwede bang akin na lang si sam....lol...next chapter pls>>>

    TumugonBurahin
  2. pati ako nasasaktan para kay Sam........

    TumugonBurahin