Martes, Mayo 17, 2011

My Ambitious Girl (Chapter 13)


CHAPTER 13


(Humingi ng one day leave si Emman dahil pupunta ito sa kanilang probinsya, agad naman itong pinayagan ng Network dahil sa magandang performance nito. Mag-isa tuloy na papasok si Devon. Kahapon pa masakit ang kanyang ulo, may sinat na nga sya. Everytime she feels sick, si Emman ang nag-aalaga sa kanya. Ngayong wala ang kanyang pinsan ay kailangan nyang labanan ang nararamdaman. Hindi naman sya pwedeng mag-absent kasi bilang kapalit ng pag-absent ni Emman kailangan nyang mag over time ng apat na oras. Nahihiya naman syang makiusap sa ibang empleyado dahil baguhan pa sya. Gusto nya sanang kausapin si James ngunit may kaunting kahihiyan naman sya. Khit lumalabas sila minsan hindi ibig sabihin nun ay aabusuhin na nya ang kabaitan nito. Matapos ang 12 hours na trabaho ay napagpasyahan na nyang umuwi. Umuulan pa sa labas at mahirap makakuha ng taxi. Wala na namang pumapasok sa Star Network Building. Napagpasyahan nalang nyang maglakad patungo sa taxi stand sa labas, hindi naman sya mababasa dahil may dala syang umbrella. Kalahating oras na ang lumipas pero lahat ng taxi ay occupied na naman. Namalayan nalang nya na may humintong purple sporsts car sa kanyang harapan. Akala nya si Tippy iyon pero ng buksan na ang bintana ng kotse ay nakita nya si Sam.)
DEVON'S POV: Nananaginip ba ako? Ehh..nasa Italy pa sya.
(Hindi sya makapagsalita habang tumititig kay Sam)
SAM: Don't give me that look..I'm real...
(She realized na si Sam talaga ito kasi he crack that jokes again. She saw him smiling at her. He then opens the door of his car.)
SAM: Sakay na.
(Wala syang nagawa kundi pumasok sa loob ng kotse. Nang nasa loob na sya, She just stares at him, mas naging gwapo ito sa kanyang paningin. Napansin naman nito na kanina pa nya ito tinititigan)
SAM: Devon ha...matutunaw na ako nyan...
(Napahiya naman sya sa sinabi nito)
DEVON: Kailan ka pa dumating?
SAM: Just few hours ago. May jetlag pa nga ako.
DEVON: Bakit kaw ang nagdrive ng car may jetlag ka pa pala. Asan si Tippy?
SAM: Oyyy! concern...(namula sya sa sinabi nito)
Tippy called me earlier, she departed to Italy this morning and just left this car in the airport.
DEVON: Ganun ba? Ano gagawin nya sa Italy?
SAM: She replaced me for awhile. I have something to settle here.
(Gusto nya sanang tanungin si Sam kung ano ang gustong isettle nito pero hindi nya kayang gawin iyon sa halip ay iba nalang ang itiananong nya dito)
DEVON: Magaling din ba si Tippy sa photography?
SAM: Yeah! She's good...Common interest namin ang singing and photography. (Naramdaman ni Devon na may amusement si Sam habang sinasabi ang common interest nito at ni Tippy. May kirot na naman syang naramdaman)
DEVON: Mabuti at pumayag syang pumalit sayo...I mean you're doing it for free.
(She saw Sam stares at him for awhile)
SAM: Tippy isn't after the payment or shall I say she isn't after the money she would get. She's doing it for our friend Inno.
(And it hurts! Pinatamaan na naman sya nito, which infact totoo.Naramdaman nya rin na Tippy isn't materialistic. Simple lang itong manamit at masayahin tulad ni Sam. Everytime na naiisip nya na Tippy and Sam do have same viewpoints ay di nya maiwasang masaktan. Nanahimik nalang sya at hindi na rin sya kinausap ni Sam nagconcentrate nalang ito sa pagdadrive. Nabingi sya sa katahimikan at sumakit na naman ang kanyang ulo hanggang makarating sila sa Apartment. Sam is really a gentleman, hiningi nito ang payong sa kanya at nauna itong lumabas para alalayan syang makababa. Nang pababa na sya ng kotse ay nakaramdam sya ng pagkahilo kaya napakapit sya sa braso nito)
SAM: Are you ok? (nakita nya ang pag-alala sa mukha nito)
DEVON: Masama ang pakiramdam ko at medyo nahihilo rin ako...(mahina nyang tugon dito. He put his hand on her forehead)
SAM: God! You're sick!!! Let's go to the doctor.
DEVON: No.it's ok..just let me go inside...
SAM: But...
DEVON: Please....
(Inalalayan na sya nitong makapasok sa luob ng bahay, dahil nanghihina hindi nya makayang kunin ang susi sa kanyang bag. Si Sam na ang kumuha nito at nagbukas ng pinto. Nang makapasok sila sa loob ay hindi na nya talaga kaya napakapit na sya ng husto dito. Namalayan nalang nya na binuhat na sya nito papunta sa kanyang kwarto.Inilapag sya nito sa kama at umalis ito sandali pagbalik ay madala na itong tubig at tuwalya. Pinunasan sya nito at chinicheck kung mababa na ba ang kanyang lagnat. Dahil sa sobrang sakit ng ulo ay nakatulog na si Devon ng tuluyan. Si Sam naman ay hindi magawang ialis ang tingin sa natutulog na si Devon. He touched her face and smiled)
SAM: I wanted to get over you but I can't. I know you are dating with James and it hurts me so badly upon seeing you enjoying his company. I maybe a happy-go-lucky one but being with you makes my day more exciting. Though we can't be together, seeing you happy with other man is enough for me.
(He then kissed her forehead)
(Dahil sa sinag ng araw na nagmumula sa labas ay nagising si Devon. She feels better now, when she looks at her side. She saw Sam sitting on the bedside at ang ulo nito ay nakadapa sa kanyang kama. She stares at him and she saw his irresistible charm again. She can't control herself kaya dahan-dahan nyang hinawakan ang mukha nito. All she wanna do ng mga oras na iyon ay titigan ang napakaamong mukha nito. Nang maramdaman nyang nagising na ito ay dali-dali nyang binawi ang tingin)
SAM: Gising ka na pala. (Idinampi nito ang kamay sa kanyang noo at natouched naman sya sa ginawa nito)
DEVON: Kagigising ko lang.
SAM: Wala ka ng lagnat. (tumayo ito)
DEVON: Saan ka pupunta?
SAM: I'll make a soup for you. (tuluyan na itong lumabas bago pa sya makapagprotesta. Makalipas ang isang oras, tinawag na sya nito para kumain. Inalalayan pa sya nitong tumayo hanggang makarating sila sa kitchen. Nang makarating sila sa table ay binigay nito sa kanya ang bowl ng soup)
SAM: Kainin muna yan habang mainit pa.
(Hindi nya ginagalaw ang pagkain at mataman lang nya itong tinitigan)
Huwag mo sabihing gusto mong subuan pa kita?
(Nang marinig nya ang sinabi nito ay dali-dali nyang kinuha ang kutsara para kumain. Kahit nakayuko alam ni Devon na tinititigan sya ni Sam. Nang maubos nya ang laman ay tiningnan nya ito at)
DEVON: Why are you doing this to me? (Nakita nyang nag-iba ang ekspresyon ni Sam at it takes him a couple of seconds bago sumagot)
SAM: Because I want to. (maikli nitong tugon)
DEVON: Sam hindi mo naman kailangang gawin ang mga bagay na ito.
SAM: So, gusto mong iwanan nalang kita kagabi habang ang taas ng lagnat mo? (nairita nitong sagot at naguilty naman sya)
DEVON: Sam it's not what I mean...I mean taking care of me is too much..
SAM: Kung iniisip mong hihingi ako ng kapalit, forget it!
DEVON: Sam, ayaw ko lang na inaalagaan mo ako..kasi,...natatakot akong....(hindi nya maituloy ang sasabihin dahil inunahan na sya nito)
SAM: You don't want to fall for me diba??? (he clarified) I'm opposite to your ideal man at ayaw mong masira ang iyong ambisyon lalo pa ngayong pinapahalagahan ka ni James.
DEVON: Tama ka! (She has to be honest with him kahit masaktan pa ito. Nakita nyang natahimik si Sam at maya-maya pay lumapit ito sa kanya)
SAM: I don't want to fight with you. If you really like James, then you can go on...I won't interfere but just allow me to take care of you.
(He looks at her and hold her face. She just looks at him too. They were just looking at each other for a couple of seconds. She then realized that he already kissed her. At first it was just light kisses, she likes what Sam is doing kaya she responded. Nang maramdaman ni Sam iyon ay mas lalong lumalim ang halik nito. It was her first kiss but he teaches her how to do it well. They were kissing slowly but passionately. Medyo na disappoint sya ng tumigil si Sam sa paghalik sa kanya and then he looked at her)
SAM: I'm sorry...I shouldn't do that. (Tumayo na ito)
I guess I have to leave now may mga bagay pa akong dapat ayusin.
(Hindi sya makapagsalita, he left her speechless. Ang tangi lang nyang nagawa ay hawakan ang kanyang mga labi)
DEVON: My first kiss to guy whom is not even my boyfriend.

1 komento: