Biyernes, Mayo 11, 2012
Break the Rules or Not? Chapter 26
CHAPTER 26
(Nag check-in sina Sam at Devon sa Benin Hotel. Ayaw ni Devon na magpunta sa apartment ni Sam dahil takot siya. Medyo kalmado na siya ng magsalita si Sam)
SAM: Don’t worry magiging maayos din ang lahat…
DEVON: Sam…anong mangyayari sa akin?... ayaw kong makulong… (may luhang ulit namuo sa kanyang mga mata. Hinawakan ni Sam ang kanyang mukha)
SAM: I won’t let it happen…
DEVON: Pero??... I’m a criminal… nakapatay ako…
SAM: You’re not….
(Nakita niyang tuluyan na namang umiyak si Devon. Niyakap niya ito at)
Hindi ko hahayaang makulong ka…I promise…
(Devon felt relieved dahil nasa tabi niya si Sam. Makalipas ang ilang oras ay nakatulog siya sa sobrang pagod. Si Sam naman ay nakamasid lang kay Devon. Somehow he blamed himself dahil wala siya ng mangyari ang kahayupan ni Ricardo. How he hated him for destroying his parent’s life and now Devon’s. Hinding-hindi niya hahayaan na makulong si Devon. He called Kazel para ipaalam dito ang nangyari)
KAZEL: Gosshhh! Samuel kanina pa ako tawag ng tawag sayo! Bakit ba out of reach ka?!!
SAM: I just turned my phone on…I have a very important thing to tell you…
KAZEL: Ako rin!! Alam mo bang tumawag dito ang Inay ni Devon?!! Gossshhh!!! Nasa hospital ang step dad niya!!!
SAM: Anong nasa hospital??! Akala ko…(hindi na naituloy ni Sam ang sasabihin dahil nagsalita ulit si Kazel)
KAZEL: Nasa hospital… What have you done ha???
SAM: Anong???!!!
KAZEL: Sabi ng Inay ni Devon… nadatnan daw niya si Ricardo sa bahay na puno ng dugo. Isinugod nila sa hospital at ng magkamalay ayun sinabi niya na nagkasagutan kayo tungkol sa past niya at ng Mom mo…humantong sa paghampas mo ng lampshade sa kanya!.... ano bang nangyayari sayo Sam??! Akala ko…
(Hindi na niya pinatapos si Kazel at nagpress siya ng end button. Kumulo ang dugo niya sa narinig na kasinungalin ni Ricardo. Ang gusto lang niya gawin sa mga oras na ito ay puntahan si Ricardo sa hospital at patayin. Tiningnan niya si Devon na mahimbing na natutulog, hinaplos niya ang mukha nito at)
SAM: I promise! Magbabayad ang Ricardong yun!!!
(Aalis na sana siya ngunit muling nag ring ang kanyang phone at si Kazel ulit ang tumatawag. Sinagot niya ito at)
SAM: Ano na naman?!!
KAZEL: Asan ka ba?!!
SAM: Bakit mo ba tinatanong?
KAZEL: Magpafile ng case si Ricardo against you, attempted murder… you need to talk to him bago pa lumala ang sitwasyon….
SAM: What?!! Screw him Kazel!!!
(Tinapos na ni Sam ang tawag at muli siyang napaupo sa kama. Hindi na niya alam ang gagawin. Dahil sa sobrang pagkalito ay nakatulog siya. Nang magising si Devon nakita niyang mahimbing na nakatulog si Sam. She stared at him at hindi niya napigilan ang sarili at hinaplos niya ang mukha nito at napangiti. Napagdesisyunan niya na lumabas at maglakad sa labas ng Benin Hotel para mabawasan ang bigat na nararamdaman. When she passed by the lobby ay nagtaka siya kung bakit maraming tao ang nakatutok sa tv screen. Nang lumapit siya ay laking gulat niya ng makita sa flash report si Ricardo. Buhay ito! At napanayam ng isang reporter. Nagsinungaling ito at si Sam ang pinagbintangan sa nangyari dito. Nanginig si Devon sa sobrang takot at napatakbo siya pabalik sa kwarto na inuokupan nila ni Sam. )
DEVON: Sam!! Sam!!
(niyugyog niya si Sam at agad naman gumising pagkakita sa kanya)
SAM: Bakit?? (nakita niya ang takot sa mga mata ni Devon)
DEVON: Buhay siya! Buhay ang hayop na si Ricardo!!!
(Hindi napigilan ni Devon na umiyak)
SAM: It’s ok… walang mangyayaring masama sayo. I’m here…
DEVON: Pero…ikaw?? Ikaw yung pinagbintangan niya…
SAM: We can file a case against him…
DEVON: Pero natatakot ako…ayaw kong mapahiya at… paano si Inay??
SAM: Huwag kang mag-alala ako ang bahala…
(Niyakap niya si Devon para maging panatag ito.)
(Napagdesisyunan nina Sam at Devon na puntahan ang hospital na kinaroroonan ni Ricardo at pagkarating nila doon ay agad silang sinalubong ng kanyang inay)
MYLENE: Devon..bakit ba ngayon ka lang nagpakita? Kanina pa kita kinokontak… at anong ginagawa ng lalaking yan dito?!! (galit na baling ng kanyang inay kay Sam)
DEVON: Inay walang kasalanan si Sam…
MYLENE: At ano gusto mong maniwala ako sa kanya?!! Devon muntik na niyang mapatay ang Tito Ricardo mo!!! Paalisin mo ang lalaking yan dito kung ayaw mong ako ang magpalayas sa kanya!!!
DEVON: Hindi Inay!! Kapag pinaalis niyo si Sam, aalis din ako!!
(Nagkasukatan ng tingin ang mag-ina at nagsalita si Sam)
SAM: Aalis po ako pagkatapos ko makita at makausap si Ricardo…
(Pinagbigyan naman ni Mylene si Sam at pumasok silang dalawa sa kwartong kinaroroonan ni Ricardo. Nang makita sila ni Ricardo ay agad itong ngumiti kay Devon at masamang tumitig kay Sam. Lumabas naman si Mylene at)
RICARDO: Hindi ko aakalain na makikita ko kayo dito!!
SAM: Hayop ka!!!
(Sinugod ni Sam si Ricardo at sinunggaban niya ito at pagkatapos ay sinakal. Dahil nakadextrose at mahina pa ang huli ay wala itong nagawa. Nang makita ni Devon na hindi na halos makahinga si Ricardo at humihingi ng tulong sa kanya ay tumitig lang siya dito)
DEVON: Mamatay ka na!!
(Nakita ni Sam na kinakapos na ng hangin si Ricardo at halos lumuwa na ang mata nito. Tsaka naman muling pumasok si Mylene at pinigilan si Sam at)
MYLENE: Bitiwan mo siya!!! (pero parang walang narinig si Sam) Devon ano ba?! pigilan mo ang asawa mo!!
DEVON: Patayin mo siya!! Patayin mo siya!!
(Nakita ni Mylene na walang balak ang anak na pigilan si Sam kaya sumigaw siya para humingi ng tulong. Agad naman pumasok ang ibang hospital staff at pinigilan si Sam. Natauhan naman si Sam ng pagtulungan siyang ilayo ng ibang staff kay Ricardo at nakita niya itong naghahabol ng hininga at pagkalipas ng ilang segundo ay nagsalita ito)
RICARDO: Pag..si..si..han mo ang gin..nawa mong..ito…
MYLENE: Huwag ka ng magsalita. Magpahinga ka muna…
SAM: Devon let’s go! (Hinila niya si Devon at nagsalita si Mylene)
MYLENE: Hindi siya sasama sayo!!
DEVON: Sasama ako sa kanya Inay! Sa ayaw at sa gusto niyo!!
Tayo na Sam!!
(Walang nagawa si Mylene ng lumabas ng pinto ang dalawa)
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento