Biyernes, Mayo 11, 2012
Break the Rules or Not? Chapter 29
CHAPTER 29
(Habang nasa daan ay walang imikan sina Sam at Devon. Namalayan nalang ni Devon na pumasok ang sasakyan sa mansion ni Don Manuel. Nang huminto ito ay may nagbukas ng pinto at ng lumabas si Devon ay nakita niya ang mga katulong na nag-aabang sa kanilang pagdating. Hinawakan ni Sam ang kanyang kamay at dinala siya sa loob)
DEVON: Bakit tayo nandito?
SAM: Grandpa helped me to get you from Ricardo at bilang kapalit ay susundin ko na lahat ng kagustuhan niya…
(Hindi makapaniwala si Devon sa narinig)
DEVON: Sam?...
SAM: I want you to be safe Devz…
(Natouched si Devon sa sinabi ni Sam at bigla niyang naalala ang kapatid at napuno siya ng pangamba)
SAM: May problema?
DEVON: Si Kathryn???... God!!!
(Ayaw mag-isip ni Devon na may ginawang kahayupan si Ricardo sa kanyang kapatid pero sa nakikita niyang takot nito ay di niya maiwasang magduda)
SAM: Pagbalik niya galing field trip ay dito siya titira sa mansion…
DEVON: Thanks Sam…(maluha-luha niyang sabi)
SAM: Stop worrying about Kathryn…pagbalik niya, tanungin mo siya. Kapag may ginawang kahayupan sa kanya si Ricardo ay kakausapin ko si Grandpa…
(Napatango nalang si Devon at hinawakan ni Sam ang kanyang kamay)
SAM: Let’s go to our room…
(Hinila na siya nito at wala siyang nagawa kundi sumunod nalang kay Sam. Nang makarating sa loob ng kwarto ay sobrang namangha si Devon sa nakita)
DEVON: Wow! Ang laki!!
SAM: This is my room and now this would be ours…
(Lumakad si Devon at lumapit sa may bintana. Hinawi niya ang kurtina at nakita niya buhat sa loob ang magandang hardin sa labas. Nagulat pa siya ng maramdaman ang biglang pagyakap ni Sam sa kanyang likuran.)
SAM: I want to chage my number 1 rule…
DEVON: Sam…
SAM: My number one rule now is “We need to break my previous rules!”
DEVON: Pero…(kinalas niya ang pagkakayap ni Sam sa kanya at hinarap ito)
SAM: Devz… I think I’m falling for you…. No! I’m not… I’m not just falling for you but I’m inlove with you…
(Tumitig si Sam sa kanya at alam niyang nagsasabi ito ng totoo kaya naman di niya napigilan ang sarili at napaiyak siya)
SAM: Bakit umiiyak ka?... Kapag malungkot at nasasaktan ka umiiyak ka, kapag galit ka umiiyak ka… pati ba naman sa sinabi ko, umiiyak ka?
DEVON: Umiiyak din kasi ako kapag masaya ako…(ngumiti siya pero hindi pa rin tumigil sa pagluha ang kanyang mga mata. Pinahid ni Sam ang kanyang luha at niyakap siya nito ng mahigpit)
SAM: I promise, poprotektahan kita. (gumanti siya ng yakap kay Sam)
(Naging panatag ang kalooban ni Devon ng mga sumunod na araw. Mas lalo silang naging malapit ni Sam sa isat-isa. Nalaman niya rin na sa mansion nakatira si Enrique pero sadyang iniiwasan siya nito. Sa tatlong araw niyang pananatili sa mansion ay isang beses lang niya itong nakita, hindi niya rin ito nakakasabay sa pagkain. Pati si Don Manuel ay hindi pa niya nakikita at nakakausap simula ng tumira siya sa Mansion dahil busy umano ang matanda. Tinawagan niya rin ang kapatid na si Kathryn at ipinaalam dito ang kagustuhan nila ni Sam na patirahin ito sa Mansion,agad namang pumayag ang kanyang kapatid. Si Sam naman ay nagsimula ng pag-aralan ang tungkol sa kanilang Company. Halos araw-araw silang magkasama ni Enrique or di kaya ng kanyang Grandpa dahil tinuturuan siya ng mga ito but he still find time for Devon. Every morning and night ay nagkukulitan sila ng babae. Nabalitaan niya rin buhat kay JV na si Nel na ang pumalit sa kanya sa Wired Bar. Si Jaco naman ay tumigil na sa pagtugtog sa Bar dahil inaayos nito ang nalalapit na kasal with Kyra. Samantalang si JV ay napagpasya naman na tumulong sa Estate ng family nito. Hindi na rin nangungulit si Rhuvy sa kanya kaya wala siyang naging problema. Mukhang nagiging maayos na ang takbo ng lahat kaya naman kampanti na si Sam. Ngayon nga maaga silang natapos ni Enrique sa discussion at masayang –masaya siyang pumasok ng Mansion. Agad niyang hinanap si Devon at natagpuan niya ito sa garden. Ngumiti ito pagkakita sa kanya at lumapit)
DEVON: Maaga ka yata….
SAM: Enrique dismissed me early…
DEVON: I see…
(Umakbay si Sam kay Devon at)
SAM: How about if we stroll outside?
DEVON: Hmmm… ayaw ko…
SAM: Bakit?
DEVON: I want you to teach me how to drive…
SAM: Sigurado ka??!!
(Tumango siya at nakita niyang ngumiti si Sam. Dahil malaki ang space sa Mansion ay doon na siya mismo tinuruan ni Sam.)
SAM: Sige..dahan-dahan lang… that’s the brake…
(Sinunod niya ang sinabi ni Sam at dahil fast learner ay agad niya nakuha ang mga tinuro nito sa kanya. Nakailang ikot sila kahit mahina lang ang pagpapatakbo niya. Dahil sobra siyang nag-enjoy ay binilisan niya ang pagpapatakbo ng sasakyan at nagulat siya ng biglang tumawid ang canine na aso nina Sam. Kung hindi lang maagap si Sam ay baka nasagasaan niya ang aso. Muntikan pa silang mauntog)
SAM: Whoah! That’s close!
DEVON: Sorry…
SAM: Ok ka lang???... wala bang masakit sayo?
DEVON: Ok lang ako…
(Pero chineck parin ni Sam ang kanyang noo)
SAM: Sigurado ka???
DEVON: O.o naman… teka baka nagasgasan ang sasakyan!!
(Hindi na niya hinintay na sumagot si Sam, lumabas siya ng sasakyan at tiningnan ito)
Hay!! Mabuti nalang at walang gasgas dahil kapag nagkataon baka malagot ako sa Grandpa ni Sam!! (naramdaman niyang biglang bumulong si Sam sa kanyang tenga)
SAM: My Grandpa is now your Grandpa…
(namula siya sa sinabi ni Sam at nagulat ng bigla siyang buhatin nito at iupo sa unahan ng sasakyan at siniil ng halik. Nadala siya at gumanti dito, napaungol siya ng maramdaman na humaplos ang kamay nito sa kanyang likuran. Pero pareho silang napatigil ng marinig nila ang boses ni Kathryn at)
KATHRYN: Ate!!!
(Tumingin siya sa direksyon kung saan nagmula ang boses ni Kathryn, and she saw her right next to Sam’s back…at hindi lang si Kathryn ang andoon pati na rin si Enrique. Hiyang-hiya siya dahil nakita sila ng mga ito sa ganoong tagpo. Nakita niya nalang na biglang nag walk-out si Enrique)
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento