Biyernes, Mayo 11, 2012
Break the Rules or Not? Chapter 28
CHAPTER 28
(Umuwi nga si Devon at kinausap ang kanyang step dad na si Ricardo kahit labag sa kanyang kalooban)
DEVON: Nakikiusap po ako,iurong niyo po ang demanda laban kay Sam.
RICARDO: Madali naman akong kausap…basta ba at hinding-hindi mo sasabihin sa iyong Inay ang totoo at dito ka titira sa bahay!
DEVON: Makakaasa po kayo.. pero titira dito?
RICARDO: Mamili ka ang kalayaan ng iyong asawa o ipagpatuloy ko ang kaso against him?
DEVON: Sige..payag na ako…
RICARDO: Good!
(Hinawakan nito ang kanyang mukha na mabilis pa sa alas kwatro na naiwaksi niya ang kamay nito.)
(Nakipagkita naman si Sam kay Enrique at sinabi dito ang totoo)
ENRIQUE: It’s very hard to file a case against Ricardo Ruiz… His background para siyang santo sa kabaitan… charities,volunteer works at iba pang kawang-gawa…
SAM: Hindi ako makakapayag na magdiwang ang hayop na yun!!!
ENRIQUE: There is still a case against you Sam kapag may nakakita sayong mga police dito ay panigurado na huhulihin ka…
(Tumingin si Sam sa paligid. Nasa isang tagong restaurant sila ni Enrique at nakasuot siya ng shades para di siya agad makilala ng mga tao.)
SAM: Pero si Devon… she left a message. She returned to her Mother para iurong ni Ricardo ang kaso against me which I disagreed. Paano kung maulit ang kahayupan ni Ricardo?!! Hinding-hindi ko ako makakapayag!!
(Tumayo na si Sam)
ENRIQUE: Saan ka pupunta?!
SAM: Pupuntahan ko si Devon at kukunin ko siya sa hayop na Ricardong iyon!!!
ENRIQUE: Paano kung makita ka ng mga police…?
SAM: Wala akong pakialam! Ang importante mailayo ko si Devon sa hayop na yun! even if it means killing that guy!!!
(Pinuntahan nga ni Sam si Devon sa bahay ni Ricardo. Pagdating niya doon ay agad siyang sinalubong ng Inay ni Devon)
MYLENE: Anong ginagawa mo dito?!
SAM: Si Devon… kailangan ko siyang makausap…
MYLENE: Nagpapahinga na ang anak ko…
SAM: Kukunin ko na siya at ibabalik sa bahay…
MYLENE: At sa tingin mo papayag ako pagkatapos ng ginawa mo kay Ricardo?!!
SAM: Wala akong pakialam sa hayop na yun!!!
MYLENE: Magdahan-dahan ka sa pananalita mo!!!
SAM: Hindi niyo po alam kung anong klaseng lalaki ang kinakasama niyo! Alam niyo po bang muntikan na niyang gahasin ang anak niyo!!!
(Nakita ni Sam na natigilan si Mylene sandali at)
MYLENE: Nagsisinungaling ka lang… alam kong malaki ang galit mo kay Ricardo dahil sa nangyari sa mga magulang mo…
SAM: Bakit po ayaw niyong maniwala???... kung hindi lang lumaban si Devon ay baka may masama ng nangyari sa kanya…
MYLENE: Hinding-hindi ako maniniwala sa pinagsasabi mo… alam ko ang history mo…
SAM: Wala na akong magagawa kong ayaw niyong maniwala! Basta kukunin ko ang asawa ko!!!
MYLENE: Sige kapag nagpumilit ka, tatawag ako ng mga police!!!
(Magsasalita sana si Sam ngunit biglang sumulpot si Ricardo)
RICARDO: Huwag ka ng tumawag ng police… inurong ko na ang kaso laban kay Sam…
MYLENE: Ano?! Pero?!!
RICARDO: Iisang pamilya lang tayo…dapat nagkakasundo tayo kesa mag-away!
SAM: Puno ka ng kasinungalin! Nasaan si Devon, kukunin ko siya!!
RICARDO: Kung gusto mo talagang kunin si Devon, nasa kanya ang desisyon… Devon lumabas ka dyan!
(Lumabas si Devon at nagkatitigan sila ni Sam. Agad lumapit si Sam sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay)
SAM: Let’s go!! (hinila niya si Devon ngunit hindi ito gumalaw)
DEVON: Sam I’m not going with you…(mahina niyang sabi)
SAM: Ano?!! Nakalimutan mo na ba ang ginawang kahayupan ng lalaking yan sa iyo?!!
DEVON: Please Sam..umalis ka na!! (At tumakbo siya papasok sa loob. Nang tingnan ni Sam si Ricardo ay nakita niya ang mala-demonyong ngiti nito)
RICARDO: Narinig mo naman yun,diba?! Makakaalis ka na!
SAM: Babalik ako at kukunin ko siya dito!!
(Tuluyan ng nilisan ni Sam ang lugar. He’s determined to get Devon at isang tao lang ang naisip niya na pwedeng tumulong sa kanya ito ay walang iba kundi ang kanyang Grandpa. Kahit labag sa kalooban ay pumunta siya sa Company nila. Muntik pa siyang hindi pinapasok ng guards kasi hindi siya kilala ng mga ito. Kung hindi pa dumaan ang Secretary ng kanyang Lolo ay hindi siya makakapasok. Pagkapasok niya sa opisina ay nakita niya ang kanyang Grandpa na may binabasang mga papeles)
SAM: We need to talk!!!
(Nag-angat ng mukha ang kanyang Grandpa)
DON MANUEL: I didn’t expect to see you here.
SAM: I need your help…
DON MANUEL: Help?? I thought you don’t need anything from me…
SAM: Tutulungan mo ba ako o hindi?!
(Nagkasukatan sila ng tingin ng kanyang Grandpa at)
DON MANUEL: In one condition…
SAM: Anong kondisyon?
DON MANUEL: Be the CEO of the Travel Shipping and Airline Company!
SAM: Ano?! Pero?!
DON MANUEL: The help you’ll ask me has something to do with your wife, am I right?
SAM: I bet sinabi ni Enrique sa inyo…
DON MANUEL: Ricardo Ruiz… with a snap of my finger, solve ang problema mo…
(Sam has no choice, kung gusto niya mailigtas si Devon ay tatanggapin niya ang kondisyon na hihingin ng kanyang Grandpa. He knows it means giving up his singing career)
SAM: Then I’ll take the condition then…
(Nakita ni Sam na dinampot ng kanyang Grandpa ang telephone at may kinausap ito sa kabilang linya, pagkalipas ng ilang minuto ay tapos na ito makipag-usap at)
DON MANUEL: You can get her now!
(Tumalikod na siya ngunit nagsalita ulit ang kanyang Grandpa) you forgot to give your motor key… Being the CEO means not using motors…
(Kinuha niya ang key sa kanyang bulsa at inabot sa kanyang Grandpa.)
(Samantalang nakatanggap naman ng tawag si Ricardo buhat sa isang abogado at)
RICARDO: Ano naman ngayon kung attorney ka ng Travel Shipping and Airline Company?!
(Narinig ni Devon na tumaas ang boses ni Ricardo at ang kanyang Inay ay natigil din sa paghahain ng pagkain. Si Kathryn ay wala sa bahay dahil may two week field trip ito. Nagpatuloy sa pagsasalita si Ricardo sa telepono)
RICARDO: Sa pagkakaalam ko wala akong utang sa Company niyo…
ABOGADO: Wala ka ngang utang sa Company namin pero sa apo ng CEO may utang ka!
RICARDO: Anong pinagsasabi mo? Hindi ko kilala ang apo ng CEO niyo…
ABOGADO: Sam Lopez… your step-daughter’s husband.. siguro naman kilala mo na siya…
RICARDO: Apo siya ng….
ABOGADO: We knew the whole truth… hindi nagustuhan ng CEO namin ang pagpapahamak mo sa apo niya and now we want to get his Grandson’s wife.
RICARDO: At sa tingin niyo papayag ako?!
ABOGADO: Madali naman kaming kausap Mr. Ruiz… dahil ang linis-linis ng pangalan mo sa mga tao. We can’t file any case against you that easily but instead will be forced to do something para matigil ang operation ng Zuir Buses.
RICARDO: What?!!
ABOGADO: Your Zuir Buses is nothing against ours!
(Walang nagawa si Ricardo kundi sundin ang kagustuhan ng Abogado. Tama nga naman ito, maimluwensiya ang kliyente nito at anytime ay pwedeng matigil ang operation ng kanyang negosyo. Nang ibaba niya ang telepono ay agad niyang nilapitan si Devon)
RICARDO: Bakit hindi mo sinabi sa akin na apo siya ng CEO ng Travel Shipping and Airline Company?
DEVON: Ha??...ano po…
RICARDO: Kukunin ka ng asawa mo dito at gusto kong sumama ka sa kanya!
(Yun lang ang sinabi ni Ricardo at iniwan na sila nito ng kanyang Inay. Pagkalipas nga ng 30 minutes dumating na si Sam. Agad tumakbo palabas si Devon at yumakap dito)
SAM: Let’s go!!
(Lumingon si Devon at nakita niya ang kanyang Inay)
DEVON: Inay…patawad pero…(hindi na niya natapos ang sasabihin dahil nagsalita ang kanyang ina)
MYLENE: Naintindihan kita anak…patawad…pero mahal ko ang Tito Ricardo mo…
DEVON: Inay…
(Niyakap niya ang ina at pagkatapos ay tuluyan na siyang nagpaalam dito. Pagkalabas nila ng gate ni Sam ay nagulat pa siya ng makita ang isang limousine)
DEVON: Kaninong…?
SAM: Pasok na…
(Hindi nalang nagsalita si Devon at pumasok nalang siya sa loob ng sasakyan)
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento