Biyernes, Mayo 11, 2012

Break the Rules or Not? Chapter 33

CHAPTER 33 RHUVY: Ano ba ito?!! Ang pangit ng lasa! (Tinapon ni Rhuvy ang pagkain at nataranta ang katulong) KATULONG: Maam pasensiya na po kayo… RHUVY: Sasabihin ko ito kay Don Manuel… KATULONG: Huwag po… baka mawalan ako ng trabaho…(mangiyak-ngiyak na sabi nito) RHUVY: Well hindi ko sasabihin kay Don Manuel sa isang kondisyon… KATULONG: Ano po?? (Tiningnan ni Rhuvy si Devon na nasa gilid ng pool. Naalala niya dati sa birthday party ni Coleen na nalaglag ito sa pool at hindi marunong lumangoy) RHUVY: Itulak mo si Devon sa pool! KATULONG: Ano po? RHUVY: Bingi ka ba?! or gusto mong isumbong kita kay Don Manuel?! KATULONG: Pero si Maam Devon po iyan… RHUVY: Gusto mo na talaga mag empake ngayon?! Kilala mo si Don Manuel, he’s perfectionist! Kunting katangahan lang ng mga katulong dito, alam ko kung saan ang bagsak nila! KATULONG: Maawa po kayo… gagawin ko na po ang gusto niyo… RHUVY: Good! Ano pang hinihintay mo?! Lapitan mo na siya! (Nataranta ang katulong at dali-daling lumakad papunta sa kinaroonan ni Devon. Dahil nakatalikod di Devon ay hindi nito namalayan ang katulong sa likod nito. Naitulak ito ng katulong at agad ito tumakbo sa loob ng Mansion. Nakita ni Rhuvy na humihingi ng saklolo si Devon. Alam niyang malaki ang Mansion so hindi agad ito maririnig. Tawa ng tawa si Rhuvy habang pinagmamasdan si Devon sa pool) RHUVY: Mamatay ka na! hahaha! (Pero nagulat naman siya ng biglang dumating si Enrique at agad nag dive sa pool. Nakita niyang agad nito naiahon si Devon) ENRIQUE: Anong nangyari?! (Ubo pa rin ng ubo si Devon, akala niya ay katapusan na niya. Pagkalipas ng ilang segundo ay nagbalik na sa normal ang kanyang pakiramdam) DEVON: May biglang tumulak sa akin kaya nalaglag ako sa pool! ENRIQUE: Ano?! DEVON: May tumulak sa akin!! (napaiyak na siya at niyakap siya ni Enrique) ENRIQUE: It’s ok!! You’re safe now! (Sinabi ni Enrique kay Don Manuel ang nangyari at agad pinatawag ng Don lahat ng kawaksi) DON MANUEL: Kung sino man ang tumulak kay Devon sa pool, umamin na ngayon! (Tahimik ang lahat. Nang tingnan ni Rhuvy ang katulong na inutusan niya ay namumutla ito at pinandilatan niya ng mata. Kitang-kita niya ang takot sa mukha nito. Wala ni isa ang nagsalita kaya nagsalita ulit ang Don) DON MANUEL: Quen ang CCTV! (Binuksan ni Enrique ang CCTV at kitang-kita ng lahat ang nangyari. Devon was sitting beside the pool at bigla itong tinulak ng isang katulong and then the video was paused at agad napako ang paningin ng lahat sa salarin. Namutla ang katulong at agad itong lumuhod sa harapan ni Devon na umiiyak) KATULONG: Patawarin niyo po ako… hindi ko po sinasadya ang nangyari… (Ang kanina na kalmado lang na si Sam ay biglang nag-init at sinugod ang katulong at sinunggaban) SAM: Patawad?! Di sinasadya?! Alam mo bang muntik mo ng mapatay ang asawa ko sa ginawa mo?! KATULONG: Pat…pata..patawarin niyo…po…ako…(iyak na ito ng iyak at nilapitan ni Devon si Sam at tinanggal ang kamay nito na nakasunggab sa katulong) DEVON: Sam tama na..please… (Nagpaawat naman si Sam) DON MANUEL: Sabihin mo aksidente lang ba talaga ang pagtulak mo kay Devon or may nag-utos sayo?!! KATULONG: An…ano..po… aksidente lang..po… SAM: Sinungaling!! Sinong niloloko mo ha?! (muling nag-init si Sam at pinipigilan ito ni Devon) Matapos mo siyang itulak ay tumakbo ka sa loob, gusto mong maniwala kami?!!!.... KATULONG: Pa..patawarin niyo po ako… natakot lang po akong mawalan ng trabaho kaya sinunud ko po ang utos…. SAM: Sinong nag-utos sayo?! Sabihin mo?!!! (Kitang-kita ang takot at iyak ng iyak ang katulong sa kanilang harapan at nakaramdam ng habag si Devon dito) DON MANUEL: Bibigyan kita ng isang oras para mag-isip! At pagkatapos ay puntahan mo ako sa Mini-Library,doon mo sabihin sa akin kung sino ang nag-utos sa iyo! (umalis na ang Don at pumasok sa Mini-Library) (Isa-isa namang nag-alisan ang mga katulong at bumalik sa mga trabaho. Ang salarin ay nanatili lang sa harapan nina Sam, Devon, Enrique at Rhuvy) ENRIQUE: Doon ka muna sa kwarto mo. Kapag ready ka nang magsalita, alam mo kung saan dapat pumunta… (Tumango ang katulong at umalis. Naiwan silang apat) SAM: Sa oras na malaman ko kung sino ang nag-utos sa katulong na yun, malalagot sa akin ang taong yun! (namutla si Rhuvy sa narinig dahil kitang-kita niya ang galit sa mga mata ni Sam samantalang sumulyap si Enrique kay Rhuvy) RHUVY: Anong tiningin-tingin mo?!! ENRIQUE: Nothing! RHUVY: Kung makatingin ka parang may ibig kang ipahiwatig!!! ENRIQUE: Manahimik ka nalang Rhuvy. RHUVY: Enrique bakit hindi mo nalang kasi ako diritsahin na ako ang pinaghihinalaan mo na nag-utos sa katulong na yun! ENRIQUE: Honestly, I’m suspecting you! (nairitang pahayag ni Enrique. Nakita niyang akmang susugurin siya ni Rhuvy pero napigilan ito ni Sam) RHUVY: Bitiwan mo ako Sam! Gusto kong sampalin ang lalaking yan! Narinig mo naman yun diba?! Ako ang pinagbibintangan niya na nag-utos sa katulong!! ENRIQUE: Please lang Rhuvy tigilan mo ang kaplastikan mo. (Si Devon ay tahimik lang na nakikinig sa kanila) RHUVY: Plastic?! Kung may plastic man dito, ikaw yun Enrique! Ikaw yun! A stupid workaholic, pretentious guy inlove with his brother’s wife! (Nabigla si Devon sa narinig.Nakita niyang natigilan sina Sam at Enrique at nagpatuloy sa pagsasalita si Rhuvy) Tama ako diba?! You’re inlove with your brother’s wife!! DEVON: Tama na!!!! (napasigaw si Devon at nabaling ang atensyon ng tatlo sa kanya) RHUVY: Narinig mo naman siguro yun, inlove si Enrique sayo pero di niya masabi dahil asawa ka ng half-brother niya! And he’s afraid that history might repeat itself! Alam mo naman siguro that Sam’s father cheated his Mom with another woman! And that woman was Enrique’s mother who happened to be the half-sister of Sam’s mom! (Hindi makapagsalita si Devon sa natuklasan, nagulat nalang siya ng biglang sampalin ni Sam si Rhuvy at kitang-kita niya namula ito sa galit) SAM: Stop it! (Nahaplos ni Rhuvy ang pisngi na sinampal ni Sam at di niya mapigilang mapaiyak. Nang makita ni Sam na tumulo ang luha ni Rhuvy ay wala siyang pakialam. Lumabas siya ng Mansion. Sinundan ni Devon si Sam ngunit mabilis itong nakasakay sa kotse nito at pinasibad ng takbo. Narinig nalang ni Devon na nagsalita si Enrique sa kanyang likuran) ENRIQUE: Just let him be alone…

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento