Biyernes, Mayo 11, 2012
Break the Rules or Not? Chapter 36
CHAPTER 36
(Hinawakan ni Enrique ang kamay ni Devon. She thought na dadalhin siya nito palayo kina Sam at Rhuvy but she’s wrong. Hinila siya ni Enrique palapit sa dalawa. Nakita tuloy ng mga ito na kagagaling lang niya sa pag-iyak. Agad lumapit si Sam sa kanya at)
SAM: What’s wrong?!
(Hindi sumagot si Devon, sa halip ay nagwalk-out siya at agad naman sumunod si Sam sa kanya. Nakapasok sila ng kwarto at)
SAM: Ano bang problema?
DEVON: Nagtanong ka pa?! eh alam mo naman kung ano!!
SAM: Devz I don’t get it
DEVON: Kanina ang lapad ng ngiti mo ng halikan ka ni Rhuvy!!!
SAM: God Devz!! Alam mo naman na ikaw ang mahal ko at hindi si Rhuvy!
DEVON: Pero bakit nagpahalik ka sa kanya?!
SAM: I didn’t expect that he’d kiss me! It’s nothing!! Rhuvy and I settle our differences and decided to become friends for the sake of the baby.
DEVON: Pero hindi ko pa rin nagustuhan ang nakita ko kanina.
SAM: Huwag ka ng magselos. You have my heart…(lumapit si Sam sa kanya at hinawakan ang kanyang mukha at kinurot ang kanyang ilong)
DEVON: Huwag ka ngang ngumiti!
SAM: Alam mo bang mas cute ka pala kapag nagseselos!
(Hinampas niya si Sam)
SAM: Ouch!! Nanghahampas ka na naman!!! (Lumapit siya kay Devon at niyakap ito. Naglahong parang bula ang inis ni Devon at gumanti siya ng yakap kay Sam)
(Si Rhuvy ay naging friendly at mabait sa lahat. Hindi na niya sinisigawan ang mga katulong, hindi na rin siya nagdedemand ng time kay Sam at hindi na niya inaaway si Devon. Marami ang nanibago sa changes ni Rhuvy pati na rin ang kanyang bestfriend na si Coleen)
COLEEN: Am I really talking to my BFF Rhuvy?
RHUVY: Of course! You’re talking to me!
COLEEN: I can’t believe this! Hindi mo na talaga hahabulin si Sam?!
RHUVY: I would still stay here but I won’t demand for his time and attention dahil kahit ano pa ang gawin ko. He only has eyes and heart for Devon.
COLEEN: Wow ha?!! This is really unbelievable!
RHUVY: Ang mahalaga nalang sa akin ngayon ay matanggap ni Sam ang anak namin.
COLEEN: Well nakakapagod na rin maging B.I.
RHUVY: Ikaw chika ka naman dyan sa lovelife mo! Musta na kayo ni Gab?
COLEEN: Getting stronger…
RHUVY: Good to hear that…. Sana tuluy-tuloy na yan.
(Ngumiti si Coleen sa halip na sumagot. Ang pagbabago ni Rhuvy naging tuluy-tuloy. Isang araw bumisita ang kanyang ina na si Greta at nag-usap sila sa kanyang kwarto)
GRETA: Ano?!! Pagkatapos mong manganak ay iiwan mo ang bata sa Mansion?!!
RHUVY: You heard me Mom…
GRETA: Hindi ako makakapayag sa gusto mo Rhuvy!!! After you give birth ay mananatili ka sa Mansion nang sa ganoon ay ikaw ang hahawak sa allowance na ibibigay ng mga Lopez!!
RHUVY: Mom?!! Alam niyo na ang bata lang ang may karapatan sa mga ari-arian nila, ako ay wala!!!
GRETA: No Rhuvy!!! Sa ayaw at sa gusto mo dito ka lang sa Mansion!!!! Naiintindihan mo ba ako?!
RHUVY: Bakit ba mas mahalaga pa sa inyo ang pera kesa sa sarili niyong anak?! Anong klaseng ina kayo?! Mukha kayong pera Mom!!!!
(At sinampal ni Greta si Rhuvy. Agad tumulo ang luha ni Rhuvy at yun ang narinig at nakita ni Sam. Hindi niya napigilan ang sarili at lumapit siya sa dalawa)
SAM: Tama na!! umalis na kayo!!! (bumaling si Sam kay Greta at tumingin ito kay Rhuvy)
GRETA: Magmula ngayon kalimutan mo na anak kita!!!!
(Umalis na si Greta at naiwan si Rhuvy na napahagulhol ng iyak. Nakaramdam ng awa si Sam kay Rhuvy. Lumapit siya dito at yumakap ang babae sa kanya at nagpatuloy sa pag-iyak)
RHUVY: Hindi..hindi..ko..na..alam..ang gagawin ko….
SAM: Tama na…
(Simula ng magkasagutan sina Rhuvy at ang kanyang ina ay naging malungkutin na siya at hindi kumakain kaya naman naging worried si Sam sa kanya. Gaya nalang ngayon nasa hapagkainan sila pero tinitingnan lang ni Rhuvy ang pagkain)
DON MANUEL: Why don’t you eat hija? Hindi ba masarap ang pagkain.
RHUVY: Wala po akong gana…Excuse me po…(akmang tatayo na siya pero biglang napigilan ni Sam ang kanyang braso)
SAM: Sit down and eat!!! (mariin nitong sabi kaya napatingin sina Devon at Enrique dito)
RHUVY: Sam please..gusto ko nang magpahinga…
SAM: Hindi ako papayag na matutulog ka na walang laman yang sikmura mo!
RHUVY: Pero???...
SAM: Eat!!!
(Walang nagawa si Rhuvy kundi sundin ang utos ni Sam. Si Devon naman ay lihim na nasaktan sa pinapakitang concern ni Sam kay Rhuvy. Pagkatapos nilang kumain ay napagpasyahan ni Devon na magpunta sa garden para mabawasan ang sakit na nararamdaman. These past few days kasi napapansin niya na nagiging concern na si Sam kay Rhuvy though yun ang gusto niya di niya pa rin maiwasan na magselos at masaktan. Napabuntunghininga siya at nagulat pa siya ng magsalita sa kanyang likuran si Enrique)
ENRIQUE: Free your mind.
DEVON: Ano bang pinagsasabi mo!
ENRIQUE: Kanina, I know you got hurt and jealous…
DEVON: Inaantok na ako… I need to have a rest…(Nilagpasan niya si Enrique ngunit nahawakan nito ang kanyang kamay kaya napalingon siya dito)
ENRIQUE: Your eyes don’t lie. Ang lungkot ng mga mata mo…
(Pinigilan ni Devon ang sarili at baka bumigay siya sa harapan ni Enrique. Nagulat siya ng lagyan ng bulaklak ni Enrique ang kanyang tainga. She got the flower and saw it’s a red rose)
DEVON: Para saan ito?
ENRIQUE: Most people say that red rose signifies love. For me, it doesn’t only signify love but also bravery.
DEVON: So you want me to be brave, right?!
(Enrique smiled at her at nagpatuloy siya sa pagsasalita)
Be brave and love??? Are you trying to say that???... (Natutop ni Devon ang bibig at nagsalita si Enrique)
ENRIQUE: My feelings don’t matter now… Masaya na akong nakikita kang ngumingiti kapag kasama si Sam…
DEVON: Gosshhh! So tama talaga si Rhuvy… you have feelings for me…
ENRIQUE: Now that you know, nawalan na ang bigat sa dibdib ko. Telling you my feelings is enough.
DEVON: Quen?
ENRIQUE: I know that you can’t love me back the way that I love you. I won’t ask you for anything but allow me to take care of you.
(Devon smiled at Enrique at hinawakan niya ang mukha nito. Enrique has always been good on her simula ng magkakilala sila. Infact, she used to have a huge crush on him. Hinalikan ni Enrique ang noo ni Devon at yun ang nakita na eksena ni Sam. Hindi niya nakontrol ang sarili, agad siyang lumapit sa dalawa at sinuntok si Enrique.Agad napasigaw si Devon at nahawakan ni Enrique ang mukha na tinamaan ng suntok ni Sam. Susugurin pa ulit sana ni Sam si Enrique ngunit pumagitna si Devon)
DEVON: Ano ba?!! tama na!!! ano bang problema Sam?!
SAM: Tinatanong mo ang problema?! Anong klaseng babae ang nagpapahalik sa ibang lalaki?!! Sa ibang lalaki na kapatid mismo ng asawa niya?!
(Hindi napigilan ni Devon ang sarili at nasampal niya si Sam, pero di siya umiyak)
DEVON: Ang hirap sa iyo Sam?! You keep on digging the past! You trust nobody!
SAM: Because the people around me are not worthy of my trust even my own family!!!
(Nag-init na rin si Enrique kaya nasugod niya si Sam at nasuntok niya rin ito.Nagulat si Devon at hindi makagalaw sa kinatatayuan)
ENRIQUE: Maybe me and Grandpa are not worthy of your trust, but how about your wife? Don’t you trust her?! (Tumingin si Enrique kay Devon at pinigil niya ang sarili na umiyak) Sam what you saw, is nothing!
SAM: You call it nothing?!! You kissed her Quen and it’s nothing?!!
ENRIQUE: It’s nothing against what you did to Rhuvy!!!
(Nag-init ulit si Sam at sinugod niya ulit si Enrique pero biglang pumagitna si Devon, hindi na niya napigilan ang sarili at umiyak na siya)
DEVON: Tama na!!!!! (Hindi makagalaw si Sam nang makita niya na umiiyak si Devon. Narinig nalang niya na nagsalita si Enrique)
ENRIQUE: Falling inlove with her is not part of your rules!! Oras na saktan mo ulit siya at hindi pagkatiwalaan, hindi ako magdadalawang isip na agawin siya sayo! Even if it means repeating the history and destroying our relationship bilang magkapatid!!
(Yun lang at inawan na sila ni Enrique. After few seconds ay lumapit si Sam kay Devon)
SAM: Devz?? (tumingin si Devon sa kanya na may luha sa mga mata)
DEVON: You don’t trust me Sam…
SAM: Devz…it just that…(hindi na naipagpatuloy ni Sam ang sasabihin dahil nagsalita ulit si Devon)
DEVON: I guess we need space…(yun lang at iniwan niya si Sam na hindi nakapagsalita)
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento