Biyernes, Mayo 11, 2012

Break the Rules or Not? Chapter 34

CHAPTER 34 ENRIQUE: Anak ang Mommy ko sa labas ni Grandpa. She lived here in the Mansion ng mag College siya dahil nag-iisa nalang siya sa buhay. She met my Dad who happened to be bestfriend ng Mommy ni Sam. They fell inlove but broke up because my Mom felt na may kulang… Then she realized na hindi siya ang mahal ni Dad kundi yung Mom ni Sam. Dad without realizing na ang tunay niyang mahal ay ang Mom ni Sam became depressed at ginawa niyang rebound relationship ang kanyang bestfriend. Nabuntis ang Mom ni Sam and they got married, ok na sana ang lahat but Mom discovered na buntis siya and then she realized na hindi niya kayang i-let go ang feelings niya for Dad. But then Grandpa’s there, he let my Mom went to the States at doon ako ipinanganak. 7 years later, Mom decided to come back and then narealized niya na may feelings pa siya kay Dad. She did everything makuha lang niya ulit si Dad at naging successful naman siya. They secretly rekindle but Sam’s Mom discovered the truth pero di niya nagawang iconfront ang kanyang husband at kapatid for she knew na una naging sila. Pero during those times naramdaman ni Mommy na kahit magkasama nga sila ni Dad pero she felt coldness in him. Then one day, he told her that everything was wrong that all along he’s too blind without realizing his true feelings, that he’s inlove with his bestfriend, his wife noon pa, before he met my Mom. He ended up his affair with my Mom but then it was too late because Sam’s Mom was having an affair with Ricardo which Sam discovered. Dahil sa sobrang galit ni Sam hindi na niya kinausap ang kanyang Mom. His Mom’s health went down and he blamed himself for it but nobody has to be blamed. His Mom was diagnosed with brain cancer at yun ang ikinamatay niya. Nang mamatay ang Mom niya his Dad told him everything at naging cold na siya. Few months after namatay ang Dad niya sa car accident dahil sa drunk driving, hindi natanggap ng Dad niya ang sinapit ng kanyang Mom. Dahil sa bilis ng mga pangyayari Sam became so depressed na naging dahilan para magpanic si Grandpa at pinasok siya sa mental institution sa States. He hated my Grandpa for doing it and he doesn’t easily trust the people around him dahil sa nakaraan. He was so mad dahil ayaw niyang maalala ang nakaraan lalong lalo na ang tungkol sa mga parents namin… (Hindi nakapagsalita si Devon matapos sabihin ni Enrique sa kanya ang lahat.) ENRIQUE: May gusto ka pa bang malaman? (Gusto niyang itanong dito ang sinabi ni Rhuvy na inlove ito sa kanya pero hindi niya kayang gawin at ayaw din niyang maging dahilan pa ito ng di nila pagkakaunawaan, sa halip iba nalang ang itinanong niya) DEVON: Nasaan na pala ang Mom mo? ENRIQUE: She’s in the States happily married with an American army. DEVON: I see. (Naputol ang pag-uusap nila ng biglang may isang katulong ang lumapit at sinabihan sila na magpunta ng Mini-Library. Agad silang nagpunta ni Enrique at nakita nila ang katulong na tumulak kay Devon sa pool at si Don Manuel. Hindi na umiiyak ang katulong at kalmado naman ang Don) DON MANUEL: She told me that Rhuvy was the one who told her to push you Devon. ENRIQUE: Sinasabi na nga ba… KATULONG: Patawad Maam Devon, binantaan niya kasi ako na tatanggalin sa trabaho kapag hindi ko sinunod ang kagustuhan niya… (Natahimik si Devon sandali bago sumagot) DEVON: Pinapatawad na kita. Sana lang hindi na mauulit ang ginawa mo… KATULONG: Makakaasa po kayo… DON MANUEL: So hija anong gusto mong gawin ko sa kanya? (tiningnan ni Devon ang katulong at nakaramdam siya ng awa dito) DEVON: Huwag niyo nalang po siyang sisantihin… (tumingin sa kanya ang Don bago nagsalita) DON MANUEL: Yan ba talaga ang gusto mo? (tumango siya sa halip na sumagot) Sige, makakabalik ka na sa trabaho mo… (Nagpasalamat ang katulong kay Devon bago ito dali-daling umalis.) (Pagbalik ni Sam sa Mansion ay agad niyang nalaman na si Rhuvy ang nag-utos sa katulong para itulak si Devon kaya naman agad niyang sinugod ang babae sa kwarto nito at sinakal) SAM: Papatayin kita!!! (Pilit na nilalabanan ni Rhuvy si Sam at si Devon naman ay patakbong pumasok sa kwarto dahil nalaman niya ang pagbalik ni Sam. Pagkapasok niya ay nakita niyang sinasakal ni Sam si Rhuvy. Agad siyang lumapit at inawat si Sam) DEVON: Sam please…tama na! baka mapatay mo si Rhuvy… RHUVY: S…saa….Sam..hin..hin..di…ako..ma..ka..hi…nga… SAM: I’ll kill you Rhuvy!!!!!!!!!!!!! (Niyakap ni Devon ng mahigpit ang likod ni Sam at napaiyak siya dahil hindi niya ito kayang awatin. Nang maramdaman ni Sam na humihikbi si Devon ay bigla siyang natauhan. Pinakawalan niya si Rhuvy at nilingon si Devon at niyakap ito) SAM: I’m sorry…hindi ko napigilan ang sarili ko… DEVON: Huwag mo siyang patayin..please… (Hinalikan ni Sam ang noo ni Devon at bumaling siya kay Rhuvy na sa mga oras na iyon ay naghihirap sa paghinga) SAM: Kapag nagtangka ka pa ulit na saktan si Devon, papatayin na talaga kita! (Nakita ni Rhuvy na seryoso si Sam kaya naman natakot siya. Pero hindi siya isinilang para magpaapi. Agad siyang nagdrama) RHUVY: A…a..aray!! suma…sakit…ang…tiyan ko!...!!!!! (Sumigaw siya at nakita niya na nataranta sina Sam at Devon agad lumapit ang mga ito sa kanya) DEVON: Sam tumawag ka ng Doctor!!! (Nakita niyang lumabas si Sam at naiwan sila ni Devon. Nang silang dalawa nalang ay agad siyang nagsalita) RHUVY: Don’t touch me!!! (itinulak niya si Devon dahilan para ma out of balance ito at bumagsak sa sahig) DEVON: Ano ..ano bang problema mo? RHUVY: Tandaan mo ito Devon, gagawin ko ang lahat maghiwalay lang kayo ni Sam!! DEVON: Bakit ba ganyan nalang kalaki ang galit mo sa akin?! Wala naman akong ginagawang masama sayo! RHUVY: Being Sam’s wife is a big mistake Devon!! Hanggat nasa sinapupunan ko ang batang ito, may pag-asa akong makuha ulit si Sam!! DEVON: You’re hopeless Rhuvy…kung iniisip mong susuko ako agad, you’re wrong!! What Sam and I have is real love, what you have with him is just lust!!! (At sinampal siya ni Rhuvy. Gumanti si Devon at yun ang eksena na naabutan ni Sam at Enrique. Agad nag-iyak-iyakan si Rhuvy) RHUVY: Nakita mo Sam… ang sama ng ugali ng asawa mo… sinabihan akong nagdradrama lang… (Hindi nalang sumagot si Sam at hinawakan niya ang kamay ni Devon) ENRIQUE: Nandito na ang Doctor mamaya para tingnan ka Rhuvy… RHUVY: Salamat…Sam? SAM: Devz let’s go! (Hinila niya si Devon at lumabas na sila ng kwarto. Naiwan naman sina Enrique at Rhuvy) ENRIQUE: Hanggang kailan ka magdadrama?! RHUVY: Get out Enrique!!! (Tumalikod na si Enrique at bago tuluyang makalabas ay may sinabi pa siya kay Rhuvy) ENRIQUE: Stop fooling yourself Rhuvy dahil ikaw lang din ang magsisisi sa huli! (Sina Sam at Devon naman sa kwarto ay) DEVON: Tungkol sa nakita mo kanina…(dinampi ni Sam ang kanyang daliri sa labi ni Devon) SAM: I believe you… You don’t have to explain… DEVON: Sam?? SAM: Kahit ano pang gawin ni Rhuvy hinding-hindi siya makakapasok dito… (pointing his heart) You’re the first and definitely will be my last love Devon. (di napigilan ni Devon ang sarili at napaiyak siya) DEVON: Nakakainis ka!! Palagi mo nalang akong pinapaiyak!! (sabay hampas kay Sam) SAM: Ouch! Nakakarami ka na ng hampas… (Kiniliti niya si Devon at gumanti naman ito sa kanya. Nagkilitian silang dalawa at maya-maya pa ay naghalikan sila at ang kontrabidang Rhuvy ay nakita ang eksena dahil bukas ang pinto) RHUVY’S POV: Sige magsaya lang kayo SamVon!! (at ngumiti siya)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento