Biyernes, Mayo 11, 2012
Break the Rules or Not? Chapter 32
CHAPTER 32
(It’s Sunday morning at nagulantang lahat ng tao sa Mansion sa pagdating ng mag-inang Greta at Rhuvy Bello. May dalang maleta si Rhuvy, agad pinaalis ni Don Manuel lahat ng kawaksi at nag-usap sila sa Mini-Library kasama sina Sam, Devon, Enrique at Kazel. Muntik ng mabitawan ng Don ang hawak nitong tasa ng kape sa sinabi ni Greta)
GRETA: Don Manuel nabuntis ni Sam itong si Rhuvy!!
DON MANUEL: Anong sinabi mo??!!
GRETA: Hindi naman po siguro kayo bingi para ulitin ko ang sinabi ko.
(Bumaling si Don Manuel kay Sam)
DON MANUEL: Sam???
SAM: Grandpa…
DON MANUEL: How could you do this to your wife?! (namula sa galit ang Don)
GRETA: Don Manuel walang saysay kung pagalitan niyo ang apo niyo. Ang dapat nating problemahin ngayon ay ang magiging kinabukasan ng una niyong apo sa tuhod.
DON MANUEL: I can’t decide on this matter Greta…
GRETA: Don Manuel hindi niyo naman siguro hahayaang maging bastardo ang isang Lopez?!
DON MANUEL: I won’t allow it Greta!
GRETA: Mabuti naman kung ganoon… Habang buntis si Rhuvy ay napagdesisyunan namin na dito muna siya sa Mansion!
(Nasurpresa silang lahat sa narinig)
SAM: What?!! No! ayaw ko!!
DON MANUEL: Tama ang apo ko! Hindi pwedeng tumira si Rhuvy dito. Devon is my grandson’s legal wife!
GRETA: Don Manuel hindi niyo naman siguro hahayaang lumabas sa media ang sitwasyon na ito.
DON MANUEL: Are you threatening me Greta?!
GRETA: Don Manuel alam ko kung gaano kaimportante sa inyo ang pangalan niyo sa lipunan kaya pag nalaman ito ng media ay pasensiyahan nalang tayo…
(Nagngitngit sa galit si Don Manuel pero kinontrol niya ang sarili. Hindi na nakatiis si Devon kaya sumabat siya sa usapan)
DEVON: Patirahin niyo nalang po dito si Rhuvy…(mahina niyang sabi at silang lahat ay napatingin kay Devon)
SAM: Devz???
DEVON: Sam…ok lang sa akin…
GRETA: Oh! Narinig niyo naman siguro yun kaya wala ng magiging problema!
DON MANUEL: Hija! Sigurado ka ba talaga dito?
DEVON: Opo…(she smiled at the Don)
DON MANUEL: Kung ganoon… I let Rhuvy stay here!
(Napangiti ang mag-inang Bello at nagsalita si Kazel)
KAZEL: But we still need to prove kung totoong Lopez ba talaga ang pinagbubuntis ni Rhuvy…
RHUVY: Anong gusto mong palabasin na nagsisinungaling ako?!!
KAZEL: I didn’t say it… Grandpa, (nasurpresa si Devon ng sambitin ni Kazel na Grandpa ang Don, it’s the first time she heard her saying the name)
Kahit hindi niyo sabihin, I know that right after Rhuvy give birth, you’ll have DNA test, right?!
DON MANUEL: Tama ka Kazel…
GRETA: Well Don Manuel kahit ilang beses niyo pa ipa DNA ang bata paglabas niya ay mapapatunayan namin na isa siyang Lopez.
KAZEL: Mrs. Bello we just want to make sure na hindi mahahaluan ng gold-digger ang mga Lopez.
RHUVY: How dare you saying that?! (akmang susugurin nito si Kazel pero napigilan ito ni Greta)
DON MANUEL: Tama na! Tapos na ang usapang ito.
(Natapos ang pag-uusap nila at nagpunta na si Rhuvy sa isa sa mga guest room sa Mansion. Si Greta naman ay umuwi na sa kanilang bahay. Habang abala si Rhuvy sa pag-aarrange ng kanyang gamit ay bigla namang pumasok si Enrique sa kwarto)
ENRIQUE: I couldn’t believe this!
RHUVY: Believe it or not, andito na ito! Sooner may isang Lopez na isisilang!
ENRIQUE: Maaaring isang Lopez nga ang nasa sinapupunan mo pero kahit kailan hindi mo makukuha ang pag-ibig ni Sam.
RHUVY: Why don’t you be happy for me? Sa halip na pinagsasabihan mo ako, why don’t do the move for yourself para makuha mo si Devon. Ngayong buntis ako kay Sam panigurado, sobra siyang nasaktan… why not use the opportunity to get her?!
ENRIQUE: I’m not that selfish Rhuvy!!
(Tumayo na siya at lumabas ng pinto. Habang sina Sam at Devon naman)
SAM: Bakit ka pumayag na dito tumira si Rhuvy?
DEVON: Sam anak mo ang dinadala niya…
SAM: Devz wala akong pakialam!
DEVON: Sam anak mo yun?! Dugo mo at laman!!
SAM: Mas mahalaga ka sa akin kesa sa magiging anak ko kay Rhuvy!
DEVON: Sam, naririnig mo ba ang sarili mo?! Anak mo Sam! Anak mo!! (sinigawan niya si Sam hanggang tuluyan na siyang napaiyak at niyakap siya nito)
SAM: Devz I convinced myself many times na tanggapin ang pinagbubuntis ni Rhuvy but I failed. Hindi ko maramdaman na anak ko ang dinadala niya.
(Kumalas si Devon sa pagkakayakap ni Sam at)
DEVON: Siguro kapag nakita mo na ang bata mararamdaman mo na yun.
SAM: I hope so Devz… (sabay hawak sa mukha ni Devon) alam mo bang I’m so thankful ‘cuz you’re still here despite what I’ve done.
DEVON: Sam… nang kailangan kita hindi mo ako iniwan. Ngayong kailangan mo ako, makakaasa ka na andito lang ako…
SAM: Thanks a lot Devz!! (Niyakap niya si Devon at nagulat pa sila ng may biglang tumikhim at nakita nila si Kazel)
KAZEL: Tama na yan SamVon! Sobrang chessy niyo!
SAM: Panira!
KAZEL: Pinatatawag ka ni Grandpa!!
SAM: Para saan daw?
KAZEL: Malay ko!
SAM: Devz pupuntahan ko muna si Grandpa!
DEVON: Sige… (hinalikan siya ni Sam sa pisngi at umalis na ito pagkatapos)
KAZEL: Inlove na talaga si Sam. Kaya mo na bang ihandle si Rhuvy?
DEVON: Ha?!
KAZEL: You know… I was not supposed to go back here in the Philippines pero gusto kong patinuin si Sam. When I discovered that he got married, I thought that it’s Rhuvy but when I knew it’s you. I was so curious kung bakit ikaw? I went back and discovered the truth behind the marriage and the most important thing that I have learned is that hindi pala ako ang nakapagpatino kay Sam kundi ikaw!
DEVON: Kazel?
KAZEL: Alam mo kung ano ang pinagdaanan ni Sam. I hope that you’re strong enough at hinding-hindi mo isusuko ang pag-ibig niyo!
DEVON: Why do you care so much?
KAZEL: Cause I was there when Sam was devastated and I was there when he was admitted in the States. I’m afraid na baka mangyari ulit ang nakaraan, when he lost the people he love. Kapag nangyari ulit iyon hindi ko alam kung kakayanin ba niya. Devz please take care of my cousin…
(Nabigla si Devon sa narinig)
DEVON: Cousin mo si Sam?!
KAZEL: O.o naman! sa tingin mo I would care for him so much kung hindi kami related?!
DEVON: Akala ko kasi…ex ka niya! (tumawa si Kazel sa narinig)
KAZEL: Funny of you! (Nagkatawanan sila ni Kazel at nagsalita ulit ito)
I’ll be back in Japan, I don’t know kung makakabalik pa ba ako dito.
DEVON: Ha?? (Bigla siyang nalungkot sa narinig)
KAZEL: I really don’t want to go back pero may trabaho ako doon na dapat balikan. I’m worried kung anong mangyayari ngayong andito si Rhuvy sa Mansion.
DEVON: Huwag kang mag-alala…
KAZEL: Are you sure?! (Tumango siya sa halip na sumagot at nagpatuloy sa pagsasalita si Kazel) Don’t worry kung may gawin man si Rhuvy na hindi maganda at makasira sa inyo ni Sam, Enrique will surely be there for you.
DEVON: Kazel?
KAZEL: You need to be strong Devz! Marami pang gagawin si Rhuvy para sirain kayo ni Sam. Kilala ko siya at ang ina niya. I know they are after our family’s wealth.
DEVON: Don’t worry Kazel hindi ko sila hahayaan sa binabalak nila!
(Narinig pala ni Rhuvy ang kanilang pag-uusap at)
RHUVY’S POV: Habang nasa sinapupunan ko ang batang ito, may karapatan ako sa kayamanan ng mga Lopez! (at ngumiti si Rhuvy)
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento