Biyernes, Mayo 11, 2012

Break the Rules or Not? Chapter 37

CHAPTER 37 KATHRYN: Ate segurado ka bang pupunta ka ng Japan? DEVON: Tinawagan ko na si Kazel, pagkatapos ko makuha ang passport ko pupunta ako doon. KATHRYN: Gusto mo lang naman iwasan si Kuya Sam ehh… DEVON: Kath, hanggat nandito ako wala rin namang mangyayari…Mag-aaway lang kami ni Sam, he doesn’t know how to trust. KATHRYN: Ate hindi naman masosolve ang problema niyo kapag umalis ka. DEVON: Kath, intindihin mo nalang ako… Once you fall inlove, maiintindihan mo rin ako… KATHRYN: Ate??? I’m inlove at alam ko ang nararamdaman mo. DEVON: What?! (nagulat si Devon sa narinig) KATHRYN: May boyfriend na ako ate and we gone through a lot of things already… Kung alam mo lang… DEVON: Teka anong hindi ko alam???.... KATHRYN: Ate huwag mo nalang akong intindihin, pagtuonan mo ng pansin ang sa inyo ni Kuya Sam. My boyfriend Daniel is super kind, balang araw makikilala mo rin siya…. (Napabuntunghininga nalang si Devon sa halip na sumagot. She already decided, pupunta siya ng Japan at tatanggapin niya ang offer ni Kazel na magmodel sa mga designs nito doon. Sam is against her plan at may cold war din sila. Kapag nakuha na niya ang kanyang passport ay pupunta na siya ng Japan. Buo na ang kanyang desisyon at hindi na iyon magbabago. Habang pinaghahandaan ni Devon ang kanyang pagpuntang Japan ay nagulat pa siya isang araw napandaan si Kyra sa Mansion) KYRA: Wow! Bongga ang tirahan mo Devz!!! DEVON: Bongga nga pero boring naman… KYRA: I’ve heard from Jaco, may LQ daw kayo ni Sam. Anong nangyari ha? (At hindi na napigilan ni Devon ang sarili, ipinagtapat niya kay Kyra ang buong katotohanan. She told her, how she met Sam at kung paano humantong sa kasalan ang lahat. Kung paano nila na settle ang kanilang rules at kung paano sila nagkagalit sa kasalukuyan) KYRA: Wow ha!!! Ikaw na ang naglihim sa iyong bestfriend!! Kainis ka!!! DEVON: Ano ang dapat kong gawin? KYRA: Buo na ba talaga ang desisyon mo na magpuntang Japan? How about Sam, hahayaan mo nalang ba na makuha ni Rhuvy ang atensyon niya? DEVON: Ky may magiging anak sila… KYRA: So you’re trying to say na hindi mo ipaglalaban ang iyong karapatan bilang legal wife? DEVON: Ky, I’m just a wife while Rhuvy will be the mother of his child! KYRA: God Devz!! Kahit pa nag-umpisa kayo sa isang kasunduan, both of you admitted na mahal niyo ang isat-isa. Why not fight for it? DEVON: I don’t know Ky… KYRA: You and Sam will have your own children in the future at panigurado kapag nangyari iyon, you won’t feel any insecurity against Rhuvy… DEVON: Ky! I’m not insecure against Rhuvy! KYRA: Devz I know you, aminin mo man o hindi alam kong nakakaramdam ka ng insecurity kay Rhuvy dahil dinadala niya ang anak ni Sam. Ewan ko ba, ang tagal niyo na nagsasama ni Sam. Don’t tell me hindi ka ginagalaw ng lalaking iyon?! Naturingan iyong playboy at matinik sa mga babae!! (Tumango si Devon sa halip na sumagot kaya naman nanlaki ang mga mata ni Kyra) Oh My God!! As in??? As in wala pang nangyayari sa inyo ni Sam?!!! (Tumango ulit si Devon) At kailan pa naging gentleman si Sam?! Goshhh!!! I couldn’t believe this!!! Ahhh!!! Alam ko na, iseduce mo kaya si Sam… panigurado bibigay yon!! DEVON: Ky, ano ba yang pinagsasabi mo?!! KYRA: Ang sarap kaya ng piling na makulong sa bisig ng taong iyong minamahal! DEVON: Kung wala kang matinong sasabihin, umuwi ka nalang! KYRA: Ikaw naman masyado kang Maria Clara, ikaw din baka pagkaanak ni Rhuvy ay masundan ulit… (alam niyang binibiro lang siya ni Kyra pero di niya maiwasang mainis sa mga sinasabi nito. Napansin naman ni Kyra na inis na si Devon kaya naman tumayo na ito at) Aalis na nga lang ako at baka next time ay hindi na ako makapasok dito… (At iniwan na siya ni Kyra.) (Around 9 pm na nakauwi si Sam dahil may tinapos pa siyang papeles sa opisina. Sinadya niya talaga na gabi na umuwi dahil kibuin dili siya ni Devon sa Mansion. He admitted na may kasalanan naman siya dahil nagselos agad siya sa nakitang paghalik ni Enrique dito. Pagkapasok niya ng kwarto ay agad niyang nakita si Devon na nagsusuklay ng buhok. Hindi man lang ito lumingon sa kanya. One thing that attracts him of her is her long straight black hair. Hindi napigilan ni Sam ang sarili at lumapit siya kay Devon. Umupo siya sa tabi nito pero balewala lang dito ang kanyang presensiya) SAM: Hanggang kailan ba tayo magiging ganito? (napatigil si Devon sa pagsusuklay) Hindi ko na kaya Devz, mag-usap na tayo… (Akmang tatayo si Devon pero mabilis niyang nahawakan ang braso nito) DEVON: Sam??... SAM: I’m sorry kung nasaktan kita. I promise, magmula ngayon magtitiwala na ako sa iyo. Hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko. I got so jealous,the next thing I knew nasuntok ko na si Enrique… DEVON: Sam alam mo naman na ikaw lang ang mahal ko… SAM: I know and I love you too. Kaya peace na tayo please… (She smiled at him at hinawakan ni Sam ang kanyang mukha) Huwag ka nang magpuntang Japan, ok? DEVON: Pero? Don’t you think na chance ko na rin ito para may mapatunayan ako sa sarili ko at sa family mo? SAM: You don’t have to prove something to my family Devz, tanggap ka namin, ang buong pagkatao mo… DEVON: But I want to prove something to myself Sam na…(hindi na natapos ni Devon ang sasabihin dahil dinampi ni Sam ang daliri nito sa kanyang labi) SAM: Sssshhh… all I want to do know is this… (At bigla siyang siniil ng halik ni Sam. Gumanti si Devon hanggang naging mas mapusok sila sa isat-isa. Naging malikot na rin ang mga kamay ni Sam at napapaungol si Devon everytime he carresses her. Kung kailan handa ng isuko ni Devon ang sarili ay tumigil naman si Sam. She looked at him questioning) SAM: I’m sorry this isn’t the right time... (At nakita niya nalang si Devon na biglang umalis at napahilamos siya ng mukha. Devon felt so disappointed dahil pakiramdam niya ayaw talaga ni Sam na may mangyari sa kanila. Maraming beses na itong ginawa nang lalaki sa kanya. Kung kailan handa na siyang isuko ang sarili ay tumitigil ito) (Hindi nakatulog si Sam kaya naman haggard siya kinabukasan sa opisina at nagkataon pa na napadaan ang kanyang mga kaibigan na sina Jaco at JV at nag-usisa ang mga ito kaya naman hindi na napigilan ni Sam ang sarili at pinagtapat na niya sa mga ito ang katotohanan. Nanlaki ang mga mata ng dalawa sa narinig at sabay pa itong nagsalita) JACO and JV: What??!! Wala pang nangyayari sa inyo ni Devon?!!! SAM: Anong gagawin ko? (hopeless niyang sabi at tumawa ang dalawa kaya binatukan niya ang mga ito) JACO: Paanong nangyari na ang playboy na si Sam ay naging bakla pagdating kay Devon?! SAM: Hindi ka nakakatawa Jaco! JV: Di nga pare?! Nasaan na ang pagiging matinik mo?! SAM: Afraid to touch her, I’m afraid that I won’t satisfy her…(napahilamos siya ng mukha at binatukan siya ng dalawa) JACO at JV: Gago!!! SAM: Sakit noon! Bakit niyo yun ginawa?! JV: Prove to her your expertise pare!!! JACO: Tama!!! (Si Devon naman ay inabala ang sarili sa pagdidilig ng mga bulaklak. She felt so upset sa ginawa ni Sam sa kanya. Natulog siya sa kwarto ng kanyang kapatid at hindi niya nakita si Sam na umalis kanina. Paglingon niya ay nakita niya si Rhuvy na palapit sa kanya at) RHUVY: Sinasabi ko na nga at dito lang kita makikita… DEVON: Rhuvy wala ako sa mood makipag-usap… RHUVY: Dahil ba hanggang ngayon ay wala pang nangyayari sa inyo ni Sam? DEVON: Paano mo nalaman na?.... RHUVY: Sam told me everything!! DEVON: Nagsisinungaling ka lang!!! RHUVY: Why would I do it? I know everything from the agreement, the rules at pati na rin ang pagtutulog niyo sa isang kwarto at pagtatabi sa isang kama na wala man lang nangyayari!! (Hindi na pinatapos ni Devon si Rhuvy at nagwalk-out na siya. She’s so mad na sinabi ni Sam dito ang katotohanan. Now buo na talaga ang desisyon niya na pumunta ng Japan at tanggapin ang offer ni Kazel even if it means letting Rhuvy win at letting go of her feelings for Sam)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento