Biyernes, Mayo 11, 2012

Break the Rules or Not? Chapter 38

CHAPTER 38 SAM: Akala ko ba ok na tayo? Bakit hindi mo na naman ako pinapansin? DEVON: Asking why? Bakit mo sinabi kay Rhuvy ang katotohanan?! SAM: Anong??!!! DEVON: Pwede ba Sam!! Hindi pa ba sapat na nabuntis mo siya?! SAM: Devz please pag-usapin natin ito… DEVON: Tsaka na kapag alam mo na kung ano ang dapat mong gawin sa sitwasyon niyo ni Rhuvy! Ako nga ang legal wife but it seems that ako ang kerida!! SAM: You’re exaggerating things! Wala akong sinabi kay Rhuvy. DEVON: At ako pa ngayon ang nagsisinungaling?! Sinasabi ko na nga ba at nagbait-baitan lang ang babaing yun! All along nakatago pa rin ang sungay niya! (Biglang sumingit sa kanilang usapan si Rhuvy na nakikinig lang pala) RHUVY: Sam huwag kang maniwala sa kanya… wala akong alam sa sinasabi niya… DEVON: Sinungaling!!! (lumapit siya kay Rhuvy) RHUVY: Bakit ko naman panghihimasukan ang problema niyo ni Sam, mas malaki pa nga ang problema ko sayo… my Mom is not talking to me at nandito pa ito (itinuro nito ang tiyan) DEVON: Pwede ba Rhuvy! Tigilan mo na ang kaplastikan mo!!! (Nakita ni Devon na may namumuong luha sa mga mata ni Rhuvy kaya mas lalo siyang nainis) RHUVY: Narinig mo yun Sam, ang sakit magsalita ng asawa mo. At balak pa kayong paglaruang magkapatid! DEVON: Aba?! Gumagawa ka pa ng storya!!! RHUVY: Bakit Devon huwag mong sabihin na hindi ka attracted kay Enrique?! SAM: Stop it Rhuvy!!!! RHUVY: Bakit hindi ka makasagot Devon?! Bakit hindi mo sabihin sa harapan mismo ni Sam na attracted ka sa brother niya?!! Natatakot ka diba?!! For I know, gustung-gusto mo na hinahabol ka ng magkapatid, diba?!! (Hindi na napigilan ni Devon ang sarili at nasampal niya si Rhuvy. Agad nasapo ng babae ang pisngi nito at umiyak) Bakit mo ako sinampal?.... DEVON: You deserve it Rhuvy!!! RHUVY: Akala mo ba magpapatalo ako?!! (At sinampal siya ni Rhuvy, nasapo ni Devon ang pisngi. Sasampalin sana ulit ni Devon si Rhuvy ngunit nahawakan ni Sam ang kanyang kamay) SAM: Devz stop it!!!! (It’s the first time na sinigawan siya ni Sam at nakita niya ang galit sa mga mata nito) DEVON: I see it… kinakampihan mo siya… (Bago pa makapagsalita si Sam ay nawala na si Devon sa kanyang harapan. Hahabulin niya sana ang babae ngunit biglang napasigaw si Rhuvy at sinaklolohan niya ito. ) (Umalis si Devon ng Mansion, sumakay siya ng taxi at hindi niya alam kung saan siya patungo. Sobra siyang nasaktan sa mga nangyari. Gabi na at hindi niya alintana ang kumakalam na sikmura. She heard her phone ringing at nakita niya na si Enrique iyon, she expected Sam to call but ni isang miscall ay wala siyang natanggap buhat sa lalaki. Nakailang tawag si Enrique ngunit hindi niya pa rin ito sinasagot. Biglang umihip ang hangin at maya-maya pa ay bumuhos ang malakas na ulan. Sumilong siya sa isang waiting shed, dahil malakas ang hangin ay gininaw siya at napayakap sa sarili. Yumuko si Devon at nakakita siya ng sapatos sa kanyang harapan. Nang tumingala siya ay nakita niya si Enrique. Hindi na niya napigilan ang sarili at tumulo ang kanyang mga luha. Enrique seeing Devon shedding tears ay nakaramdam siya ng awa sa babae. Umupo siya sa tabi nito, then he felt she lean on his shoulder at nagpatuloy ito sa pag-iyak.) (Dinala ni Enrique si Devon sa tabing dagat. He looked at her at hindi pa rin ito nagsasalita) ENRIQUE: Sumigaw ka! Ilabas mo ang nararamdaman mo! DEVON: Hindi ko kaya…. ENRIQUE: Kayanin mo… (Nakita niya si Enrique na humakbang palayo sa kanya) DEVON: Saan ka pupunta? ENRIQUE: Hihintayin nalang kita sa sasakyan… ilabas mo ang nararamdaman mo… (Tuluyan ng iniwan ni Enrique si Devon. Pumunta siya sa kanyang kotse, pinagmasdan niya si Devon sa may dalampasigan. Pagkalipas ng ilang minuto ay narinig na niya itong nagsisigaw. Kung sana nauna siya sa buhay ng babae, kung sana hindi ito asawa ng kanyang kapatid at kung sana kaya niyang alisin ang sakit na nararamdaman nito. Maya-maya pa ay lumapit na si Devon sa kinaroroonan ni Enrique) ENRIQUE: Uwi na tayo? (Devon stared at him bago sumagot at) DEVON: Ayaw kong umuwi, pwedeng samahan mo muna ako… kahit saan basta malayo kay Sam… ENRIQUE: Devz??? DEVON: Please Quen??... (Walang nagawa si Enrique kundi pagbigyan si Devon. Nag-ikot-ikot lang naman sila. Tahimik na nagmamaneho si Enrique samantalang nakatanaw naman si Devon sa labas ng kotse. She saw street lights at naalala niya ang sinabi dati ni Sam na para siyang ilaw na nagbibigay liwanag dito. Napabulong siya at narinig pala ito ni Enrique) ENRIQUE: Memories… bad or good, still they are memories… DEVON: Magmaneho ka na nga lang..(nainis niyang sabi) ENRIQUE: Alam mo kanina pa tayo paikot-ikot, hindi ko alam kung saan ito patungo. Baka mamaya nito may dead end at wala na tayong mapuntahan. DEVON: Eh di maglakad tayo kapag may dead end… ENRIQUE: Alam mo ba usually sa mga dead end may mga masasamang tao or mga multo na umaaligid. DEVON: Are those jokes? Hindi ka nakakatawa! ENRIQUE: I’m just trying to cheer you up…pero I wasn’t born to be a joker…(napakamot si Enrique sa batok at napangiti si Devon sa ginawa nito) Why are you smiling? DEVON: Para ka kasing bata tingnan sa gesture mo! (Somehow Devon felt a little ok dahil na rin sa company ni Enrique. Nang lumingon si Enrique ay nakita niya si Devon na mahimbing na nakatulog. He stopped the car and stared at her. Hinaplos niya ang mukha nito, he was tempted to kiss her pero bago pa dumampi ang kanyang labi sa labi nito ay nagvibrate ang kanyang phone at nakita niya na ang tumatawag ay si Sam. It took him few seconds bago napagpasyahang sagutin ang tawag) SAM: Where is she? (Enrique looked at Devon bago sumagot) ENRIQUE: Sam? SAM: Alam kong magkasama kayo. Ibalik mo na siya sa Mansion. ENRIQUE: Inuutusan mo ba ako?! SAM: She’s my wife Quen! Alam mo yan! Ako lang ang may karapatan sa kanya! ENRIQUE: Sana noon mo pa naisip yan!! (Enrique cancelled the call at napasigaw si Sam sa kabilang linya) SAM: Quen! Quen!!! Quen!!! (Nasuntok niya ang mesa at nalaglag ang mga pagkain ni Rhuvy. Isinugod si Rhuvy sa hospital dahil sumakit ang tiyan nito pagkatapos nitong mag-away at ni Devon. Kaya naman hindi magawa ni Sam na kausapin ang asawa, nagising si Rhuvy sa pagkabasag ng pinggan at) RHUVY: Sam, anong??!!! (nakita ni Rhuvy ang nag-aapoy na mga mata ni Sam) SAM: It’s all your fault!!!! RHUVY: Ano bang pinagsasabi mo?!! SAM: Kapag hindi bumalik sa akin si Devon, huwag na huwag ka na ring magpakita sa akin!!! RHUVY: Pero paano ang magiging anak mo? SAM: I don’t care!! Mawala na kayo ng pinagbubuntis mo, huwag lang si Devon! Naintindihan mo?!! (At iniwan ni Sam si Rhuvy, binagsakan pa niya ito ng pinto) RHUVY: Pagsisisihan mo ito Sam! (At dinampot ni Rhuvy ang kanyang cellphone) (Pagkagising ni Devon ay mataas na ang sikat ng araw. Nang lumingon siya ay nakita niya si Enrique na mahimbing na natutulog, natulog lang sila sa kotse. Napangiti siya ng makita na parang sanggol kung matulog ang lalaki, humihilik pa kasi ito at may laway sa mga labi. She couldn’t imagine that a hunk like him would salivate while sleeping. Naramdaman ni Enrique na may nagmamasid sa kanya kaya naman nagdilat siya ng mga mata. Nakita niya ang nakakalokong ngiti ni Devon at nahulaan na niya kung bakit ganoon nalang kung ngumiti ang babae. Bigla niyang pinahid ang laway sa kanyang labi, napahiya siya ng sobra) DEVON: How cute!!! ENRIQUE: Is that a compliment or pinagtritripan mo lang ako? DEVON: Basta cute!!! ENRIQUE: Ang sama mo!! (Ngumiti si Devon at iniba ang usapan) DEVON: Nagugutom na ako, magpakain ka naman… ENRIQUE: Sige maghanap tayo ng drive-thru. (Nakakita sila ng malapit na Jolibee. Si Devon ang nagpresinta na mag-order ng pagkain at naiwan lang si Enrique sa kotse. Pagkalipas ng ilang minuto ay bumalik na rin si Devon. Lumabas si Enrique ng kotse para salubungin si Devon pero bago pa siya tuluyang makalapit sa babae ay may itim na v-hire ang humarang sa harapan. May mga lalaking nakapiring ang lumapit kay Devon at hinawakan siya ng mga ito. Sumigaw si Devon, akmang susuntukin ni Enrique ang isa sa mga lalaki ngunit naunahan siya ng isa sa kanyang likuran, sinuntok nito ang kanyang batok. Bago pa magdilim ang paningin ni Enrique ay narinig niya ang pagtawag ni Devon sa kanya) DEVON: Quen???!!! (nakita niyang bumagsak si Enrique at sapilitan siyang isinakay ng mga lalaki sa sasakyan)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento