Biyernes, Mayo 11, 2012
Break the Rules or Not? Chapter 27
CHAPTER 27
(Dahil sa nangyari ay nagfile ng case si Ricardo laban kay Sam and his witnesses are the hospital staff. As a result naging wanted si Sam sa mga police. He and Devon are hiding from the police officers. He called JV’s help at ngayon nga nasa sa isa sa mga rest house sila nito)
JV: Sam nahirapan akong makapunta dito. May mga police na nagmamasid sa amin. I’m afraind that sooner, malalaman nila kung nasaan kayo.
SAM: Thanks pare. Don’t worry, this will be over soon.
JV: I hope so. Isang linggo na kayong nagtatago. Why don’t you show yourself to the police?
SAM: Malakas ang case ni Ricardo, may video sa hospital room na yun plus the witnesses!
JV: But what she did to Devon, you can file a case against him.
SAM: I really want to but I’m afraid na hindi kakayanin ni Devon ang sasabihin ng mga tao.
JV: Tama ka.. kapag nagfile kayo ng case panigurado ma eexpose sa public kasi maimpluwensiya si Ricardo but hindi habambuhay pwede mong pagtaguan ang mga police!
SAM: I know…
JV: Basta kapag kailangan mo ng tulong tawagan mo lang ako…
SAM: Salamat pare…
(Nang umalis si JV ay pinuntahan ni Sam si Devon sa cottage. Nakita niya si Devon na tahimik na nakaupo at may malalim na iniisip, tumabi siya dito)
SAM: Anong iniisip mo?
DEVON: Sam??... nahihirapan na ako…
SAM: Devz??
DEVON: Natatakot akong magdemanda… natatakot ako sa sasabihin ng mga tao…. Natatakot akong masaktan si Inay… simula kasi ng mamatay ang Itay ngayon ko lang siya nakitang maligaya ulit…
SAM: Don’t worry… I’m not forcing you to file a case against him…
DEVON: Pero paano ka??... ayaw kong makulong ka…
SAM: Hindi mangyayari yun…
DEVON: Ang mga police..hinahanap ka nila…
SAM: As long as you are here with me…I’ll be fine… (Hinawakan niya ang mukha ni Devon)
DEVON: Kung sana hindi ako nagpakasal sayo..hindi ka madadamay sa gulong ito…
SAM: Ano ka ba?... the whole marriage thing was my idea… Kung ano man ang nangyayari ngayon, let’s face this together…
DEVON: Tama… pero dapat pa rin ako sumunod sa mga rules mo diba?
(Sasagot sana si Sam ngunit nag ring ang kanyang phone at si JV ang tumawag)
JV: Pare stay away from the rest house right now, nasundan ako ng mga police! I’m afraid papunta na sila dyan…
SAM: Sige..sige..(he ended the call and)
DEVON: Bakit?
SAM: Kailangan na nating umalis dito, nasundan si JV ng mga police…
DEVON: Ha?!!
(Wala ng nagawa si Devon dahil hinila na siya ni Sam. Agad silang sumakay sa motor nito. Pero sadyang malupit talaga ang tadhana dahil ilang metro palang ang layo nila sa rest house ng makita sila ng mga police. Binilisan ni Sam ang pagpapatakbo ng motor hinabol sila ng mga police. Masyado ng mabilis ang takbo ng motor ni Sam at hindi na nakikita ni Devon ang paligid. Kumapit siya ng mahigpit at puno ng pangamba. Hindi niya alam kung ilang minuto sila hinabol ng mga police hanggang tuluyang mailigaw ni Sam ang mga ito. Nang ihinto ni Sam ang motor ay dumilat si Devon at nakita niyang nasa kagubatan na sila)
DEVON: Nasaan na tayo?
SAM: I don’t know exactly… Wala na akong maisip na pwedeng daanan ng motor bukod dito…
DEVON: Sam…hindi ko alam ang gagawin ko… (umiyak na siya)
SAM: Be strong… (Niyakap niya si Devon. )
(Naglakad-lakad sila at nakakita sila ng maliit na kubo. Pumasok sila sa loob at napagpasyahan na magpahinga.)
SAM: Matulog ka muna, gigisingin kita mamaya…
(Tumango si Devon at sumandal siya para makaidlip. Makalipas ang ilang minuto ay nakatulog si Devon. Si Sam naman ay iniisip kung ano ang gagawin sa sitwasyon nila ni Devon. Alam niyang nahihirapan na ang babae at hindi niya kayang nakikita itong araw-araw na umiiyak. So he made up his mind, he’s going to surrender himself to the police.)
(Nang magising si Devon ay agad hinanap ng kanyang mga mata si Sam ngunit hindi niya ito makita. Kinabahan siya at tinawag ang pangalan nito. Lumabas siya ng kubo at nakita niya na madilim ang kalangitan. Tinawag niya ulit ang pangalan ni Sam ngunit walang sumagot sa kanya kaya tuluyan na siyang napaiyak. Bumuhos ang malakas na ulan at hindi niya iyon alintana, umiyak siya ng umiyak at wala siyang pakialam kahit basang-basa na siya.)
DEVON: Sam…asan ka na ba? bakit mo ako iniwan dito?...
(Naramdaman nalang niya na may yumakap sa kanyang likuran and she knew it’s Sam)
SAM: Crazy…bakit ka ba lumabas at nagpabasa ng ulan?
(Kinalas niya ang kamay ni Sam, hinarap ito at hinampas)
DEVON: Ang sama-sama mo!! Akala ko iniwan mo na ako!!
(Nagulat siya ng bigla siyang kabigin ni Sam at yakapin)
SAM: I was about to pero hindi ko pala kaya…
DEVON: Sam??
(Naramdaman ni Devon na inilayo ni Sam ang katawan nito sa kanya only to realized that he would stare at her. Agad niyang tinakpan ang katawan dahil basang-basa siya at alam niya kung bakit ganun nalang makatitig si Sam)
SAM: Allow me to stare at you…
(Hinawakan nito ang kanyang dalawang kamay at hinalikan. And then she saw his face slowly moves closer to hers. Pinikit niya ang kanyang mga mata and then his lips touch hers. Masuyo siya nitong hinalikan at hindi niya napigilan ang sarili at tinugon ito. Naramdaman nalang ni Devon na nakapasok na sila sa loob ng kubo. Nang makapasok sila sa loob ay nakikita niya sa mga mata ni Sam ang desire nito sa kanya. Muli silang nagkatitigan at hinawakan nito ang butones ng kanyang blouse. Kinabahan siya sa maaring mangyari pero handa na niyang isuko ang sarili dito. Nabuksan ni Sam ang isang butones at muli silang nagkatitigan, muli nitong sinakop ang kanyang labi at bumalik ang kamay nito sa kanyang blouse para ibutones ulit ito)
SAM: Let’s take it slow. This is not the right time…
(She didn’t feel disappointed sa halip ay nag-iba ang pagtingin niya kay Sam. Now, she admits to herself, she’s inlove with him, yes she does! At mas lalo pa yatang nadagdagan dahil sa respetong binibigay nito sa kanya. Kapwa nakatulog sina Sam at Devon na may ngiti sa mga labi.)
Nang magising si Sam ay wala na si Devon sa kanyang tabi. Tiningnan niya ang kanyang cellphone at nabasa niya ang text message nito)
DEVON: Sam, thanks for everything! Sorry but I need to do this. Ayaw kong habambuhay kang nahihirapan at nagtatago sa mga police. If going back to Ricardo is the only way para iurong niya ang demanda laban sayo ay gagawin ko maibalik lang ang kalayaan mo…
(naihampas ni Sam ang cellphone at)
SAM: Damn it Devon!!!
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento