Biyernes, Mayo 11, 2012

Break the Rules or Not? Chapter 31

CHAPTER 31 SAM: What???!!! You’re pregnant?!!!! (nanlaki ang mata ni Sam sa narinig na sinabi ni Rhuvy) RHUVY: Yes! Magkakababy na tayo!! (masayang-masaya niyang sabi) SAM: No! hindi ito maaari! (napahilamos si Sam sa kanyang mukha at lumapit si Rhuvy) RHUVY: Aren’t you happy??? (sabay yakap kay Sam) SAM: No!!!! (sabay kalas sa pagkakayakap ni Rhuvy sa kanya) RHUVY: Sam?! SAM: Ni minsan hindi ko pinangarap na maging ina ka ng mga anak ko! (Sinampal ni Rhuvy si Sam) RHUVY: How dare you saying that?! Matapos mo akong pagsawaan!! At anong gusto mong gawin ko?! Ipalaglag itong dinadala ko?!! SAM: That’s bullshit Rhuvy!!! RHUVY: Sa ayaw at sa gusto mo Sam, dugo’t- laman mo ang nasa sinapupunan ko! SAM: And what do you want me to do? Panagutan ka?!! RHUVY: Yun ang nararapat!!! SAM: Crazy!! Alam mong may asawa ako! RHUVY: Then annulled your marriage, hinding-hindi gugustuhin ng Grandpa mo na maging bastardo ang una niyang apo! SAM: Never Rhuvy! Hinding-hindi ko ipagpapalit si Devon sayo! RHUVY: Bakit ba ganyan nalang ang pagpapahalaga mo sa kanya?! SAM: Because I’m inlove with her! (Parang sinampal si Rhuvy sa narinig ngunit hindi siya nagpatinag) RHUVY: Wala akong pakialam kung siya ang mahal mo ang mahalaga sa akin ngayon ay ang kinabukasan ng magiging anak natin! (Sabay alis at iniwan niya si Sam na hindi nakapagsalita) (Gulung-gulo si Sam. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Ngayong ok na sila ni Devon tsaka naman nabuntis si Rhuvy. Ang alam lang niya ay hindi niya kayang igive-up si Devon. Matapos ang ilang oras na pag-iisip ay napagpasyahan niyang puntahan si Devon sa University. Hinintay niya ito sa may gate. Nagulat naman si Devon pagkakita kay Sam na nakasandal sa sasakyan nito. Agad siyang ngumiti at lumapit sa lalaki.) DEVON: Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba may mga papers ka pang dapat pag-aralan sa Company? SAM: I just want to see you… (Napansin ni Devon na parang matamlay si Sam) DEVON: May problema ba? SAM: Devz??? (tiningnan niya sa mga mata si Devon at parang gusto na niyang panghinaan ng loob, ang sakit-sakit ng kanyang damdamin) DEVON: Sam are you allright? SAM: Gusto mo magstroll tayo? Nakakabagot kasi sa office! (Tiningnan niya si Sam bago sumagot) DEVON: O sige… (Naglibot lang sila ni Sam sa city at pagkatapos ay napagpasyahan nilang magpunta ng shopping mall. Binili siya nito ng maraming damit, hindi sana papayag si Devon ngunit mapilit si Sam) DEVON: Hindi ko naman kailangan ang mga ito! SAM: Ano ka ba?! a month from now magiging CEO na ako ng Company, nararapat lang na maging handa ka na rin. DEVON: Pero ang mahal kasi ng pinamili mo. SAM: Mura na nga yan, kung si Kazel ang pinasama ko sayo baka mamulubi ako! (Napatawa si Devon sa sinabi ni Sam, tama nga naman ito! Sobrang shopaholic ni Kazel at mamahalin at branded lang ang binibili ng babae) DEVON: Lagot ka pag sinumbong kita kay Kazel!! SAM: Hindi mo ako maisusumbong, busy siya masyado sa fashion show, sa mansion nga siya nakatira pero hindi pa nagkrus ang landas namin simula ng lumipat siya doon! (Ngumiti nalang si Devon sa halip na sumagot. Pagkatapos nila magshopping ay niyaya siya ni Sam na kumain muna sa labas. Habang kumakain sila ay napapansin ni Devon na parang may tinatago talaga si Sam kaya hindi niya napigilan ang sarili at nagtanong dito) DEVON: Sam?! May gusto ka bang sabihin? SAM: Ha?!! DEVON: Nakakapanibago ka kasi… SAM: Devz??!! I don’t know how to start…. (Agad kinabahan si Devon sa narinig) I never expect it to happen… I’m always careful and then… (Hindi na naipagpatuloy ni Sam ang sasabihin dahil bigla niyang narinig ang boses ni JV kasama si Nel) JV: Sabi ko na nga ba! kayo ni Devon ang nakita namin sa labas ng resto! (Sabay upo sa vacant chair at naupo na rin si Nel na tahimik, hindi pa kasi sila nagkakausap ni Sam pagkatapos ng huli nilang tagpo sa Wired Bar…sabay pa silang nagSORRY ni Sam) SAM and NEL: Sorry…(nagkatawanan silang dalawa at si Devon naman ay napangiti na rin, alam niya kasi ang naging engkwentro ng dalawa) JV: Oh yan ha! Peace na kayo! (nagkamay sina Sam at Nel) SAM: Teka bakit nga ba napadpad kayo dito? NEL: Wala kasing magawa ni JV, tinawagan namin si Jaco pero may date daw sila ni Kyra. SAM: Si Jaco talaga… JV: Nakakaiinggit nga! Inlove na talaga siya, ako nalang siguro itong single sa ating magbabarkada… SAM: Bakit may sineseryoso na si Nel? NEL: Huwag kang magpaniwala diyan kay JV! JV: Ewan ko lang ha! palagi nalang kasing nakabantay yang si Nel sa cellphone niya para bang may hinihintay na text… (binatukan ni Nel si JV at sabay na napangiti ang SamVon) JV: SamVon pareho talaga kayo ng smile, wagas na wagas lang! NEL: Sinabi mo pa! JV: No wonder!! Tumatatak ang bawat eksena! (Nagkatawanan ulit sila dahil sa pagiging kwela ni JV. Nalimutan ni Sam ang mga bagay na kanina nagpapabigat ng kanyang damdamin ngunit natigilan siya sa sunod na sinabi ni JV) JV: Guys, have you heard the news? Buntis daw si Rhuvy!! (Natigilan sina Sam, Devon at pati na rin si Nel. Si Nel ang unang nakabawi sa pagkabigla at) NEL: Hay naku JV!! Ano ba yang pinagsasabi mo!! Mauna na tayo kina Sam at Devon dahil malayo-layo pa ang biyahe natin! (Hinila na nito si JV at walang nagawa ang una. Nang makaalis ang dalawa ay tsaka lang nagsalita si Devon) DEVON: Tayo na!! malakas ang ulan sa labas at baka bumaha pa, mahirapan tayong makauwi… (Hindi na niya hinintay na makasagot si Sam, tuluyan siyang lumabas ng resto at tahimik naman na sumunod sa kanya si Sam. Habang pauwi ng mansion ay tahimik lang na nagmamaneho si Sam sa kotse nito at si Devon naman ay nakatanaw sa labas ng bintana ng sasakyan, pinagmamasdan niya ang pagpatak ng ulan. She knows kahit hindi pa sabihin ni Sam, alam na niya ang totoo… ang pagiging weird nito kanina at ang sinabi ni JV…it hurts her so much. Nang sulyapan ni Sam si Devon ay nasasaktan siya, alam niyang alam na nito ang totoo at ang pagiging tahimik ni Devon ay mas lalong nakasakit sa kanya. Nang makarating sila sa loob ng Mansion ay hindi hinintay ni Devon na pagbuksan siya ni Sam ng pintuan, agad siyang bumaba ng kotse at hindi alintana ang malakas na ulan, she got wet at agad naman nahawakan ni Sam ang kanyang braso dahil agad din itong lumabas ng sasakyan) SAM: Please talk to me…(Nakatalikod sa kanya si Devon at pareho na silang nabasa ng ulan, lumingon sa kanya ang babae at ngumiti) DEVON: Congratulations!! SAM: Devzzz??? Please don’t say like that… (ngumiti pa rin si Devon sa kanya) DEVON: Sam pumasok na tayo sa loob… basang-basa na tayo, we need to change.. and sleep early… alam mo yun… bukas pag gising natin… panaginip lang pala ang lahat…(Nagulat siya ng bigla siyang kabigin ni Sam at yakapin ng mahigpit) SAM: I’m so sorry…I’m really sorry… I’m really am… (Hindi na napigilan ni Sam ang sarili at napagiyak siya. Naramdaman niyang kumalas si Devon buhat sa kanyang pagkakayakap at hinawakan nito ang kanyang mukha at ngumiti and he didn’t see her shedding tears sa halip ay nakangiting mukha nito ang kanyang nakikita) DEVON: You don’t have to say sorry… tayo na sa loob! (Hindi na niya hinintay na magsalita si Sam, nauna na siyang pumasok… Kasabay ng pagbuhos ng ulan ay pinakawalan ni Devon ang luha na kanina pa niya pinipigalan para hindi siya makita ni Sam na nasasaktan)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento