CHAPTER 15
RHUVY: What??!! That bitch was chosen in the stage play?!!
COLEEN: The two of us ang napili para sa lead casts.
RHUVY: This is impossible! How come she was casted?
COLEEN: I think Enrique has something to do with it.
RHUVY: That guy?!!...teka…
(nakita ni Coleen na ngumiti si Rhuvy ng makahulugan)
COLEEN: Ano ang iniisip mo?
RHUVY: That girl must fall for Enrique!
COLEEN: What?!!
RHUVY: Don’t tell me that until now you still have thing for Enrique?!!
COLEEN: Rhuvy??!!
RHUVY: Enrique will be my instrument para maghiwalay ang SamVon!!
(At ngumiti si Rhuvy)
(Meanwhile Devon is with Enrique. He asked her out for a snack. Ayaw sana ni Devon dahil naiilang siya pero she has no choice, hindi naman habambuhay kaya niyang iwasan si Enrique lalo na nasa iisang University sila. Muntikan pa siyang mabilaukan ng magsalita si Enrique)
ENRIQUE: Do you like me??!!
(Hindi alam ni Devon ang isasagot kay Enrique, it took her few seconds bago nakasagot)
DEVON: Ano ba yang pinagsasabi mo? (uneasy na siya sa sitwasyon nila)
ENRIQUE: Sam told me that you like me!
(At gusto nang lumubog ni Devon sa sobrang kahihiyan)
DEVON’S POV: Samuel kahit kailan talaga pahamak ka!!!
ENRIQUE: I don’t know kung pinagtritripan lang ako ni Sam or whatsoever…
DEVON: Ha???,,, wag mo nalang pansinin si Sam…alam mo kasi…
ENRIQUE: I know I shouldn’t think about it…but when he told me that, I felt different.
DEVON: Quen??
ENRIQUE: What if gusto din pala kita?!! Sounds funny, right?!!
(Kailangan ng umiwas ni Devon bago pa ano ang masabi niya. She’s scared na baka ipagkanulo siya ng sariling damdamin. Yeah! She likes Enrique, she likes him a lot.)
DEVON: Kailangan ko nang umalis..baka hinahanap na ako ni Sam…
ENRIQUE: I know you’re avoiding the topic Devz. Don’t worry, nothing will change in our friendship. I’m still thinking kung ano ba talaga ang feelings ko para sayo until now.
DEVON: Quen??
ENRIQUE: You can go.. he must have been waiting for you…
(At iniwan nga niya si Enrique. Nang makalayo siya sa lalaki ay nakahinga siya ng maluwag. And now, she wants to confront Sam sa sinabi nito kay Enrique. She decided to go back in the apartment first bago puntahan si Sam sa Wired Bar. Pagdating niya sa apartment ay nakita niya si Kazel na inaayos ang sarili. The woman looks stunning and beautiful kahit naka light make up lang ito. Napansin naman ni Kazel ang pagdating ni Devon kaya agad siyang tumingin sa may pintuan)
KAZEL: Why are you staring at me?!! (mataray nitong tanong)
DEVON: Wala….
KAZEL: I look pretty,right?! (tumango si Devon sa sinabi ni Kazel)
While you look so plain and simple. Hay naku! Ano nga ba ang nagustuhan ni Samuel sayo?!! Ay mali!! Wala pala siyang nagustuhan sayo dahil isang agreement lang ang kasal niyo… (gusto nang sabunutan ni Devon si Kazel sa pinagsasabi nito)
DEVON: Ngayong alam mo na ang totoo, gagawa ka ng paraan para paghiwalayin kami,diba?!
KAZEL: Let’s just say na nagbalik ako for a reason…
DEVON: At yun ay manggulo?!
KAZEL: Whatever you think about it!!
(Aalis na sana si Devon papunta sa kanyang kwarto pero nagsalita ulit si Kazel)
I’m going to Wired Bar tonight baka gusto mong sumama?! (hindi siya nagsalita at tiningnan lang si Kazel at nagpatuloy ito sa pagsasalita) Ikaw din! I heard from Nel pupunta rin daw sina Rhuvy.. Hahayaan mo bang landiin ng bitch na yun ang Samuel mo?!
DEVON: Bakit mo ba ginagawa ito?!
KAZEL: Sabihin nalang natin na hindi ko gusto si Rhuvy for Sam…So are you going with me or what?!!
(Kailangan din naman niya kausapin si Sam para komprontahin ito sa sinabi nito kay Enrique kaya naman nag O.o siya kay Kazel. Pagkalipas ng ilang minuto ay lumabas na siya and she saw Kazel in full make up at nakapostura pa talaga. Hindi nakaligtas kay Devon ang pagtaas ng kilay nito)
KAZEL: Are you going with me na ganyan ang ayos mo?! Gossh!! Ayaw kong may kasamang mukhang nanny…
(Pinigilan ni Devon ang sarili sa pag-aasar ni Kazel kaya hindi nalang siya sumagot)
Common! You change!!!
(hinila siya nito at dinala sa kwarto na inuukupahan nito sa apartment ni Sam. Nanlaki ang mata ni Devon ng makita ang closet ni Kazel. She saw lots of beautiful dresses. Kumuha si Kazel ng isang damit sa closet nito at inihagis sa kanya)
Wear that!! Hurry!!!
(Walang nagawa si Devon kundi sundin ang kagustuhan ni Kazel. She felt conscious dahil masyadong hapit ang dress sa kanyang katawan at below the knee pa ang tabas and it’s a bit revealing din)
DEVON: Pwede bang huwag nalang ito ang isuot ko?!
(But Kazel didn’t listen, hinila siya nito at hinarap sa salamin. Maya-maya pa ay pinaupo siya nito and before she could react ay inaaplayan na siya nito ng make-up. Kazel has strong personality kaya naging sunud-sunuran si Devon dito. After 15 minutes ay natapos na rin sila. Devon couldn’t believe what she’s seeing in the mirror. It’s a different her. Narinig nalang niya na nagsalita si Kazel)
KAZEL: Perfect!!! Let’s go!!
(It’s Nel’s birthday at sa Wired Bar ang party. Maraming malalapit nilang mga kaibigan ang dumalo. Of course, mawawala ba naman sa eksena ang magBFF na Rhuvy at Coleen. Pagkarating palang ng mga ito ay agad hinanap ng mga mata ni Rhuvy si Sam. She found him sitting and sipping wine. Mukhang seryoso ang lolo niyo. Agad yumakap na parang sawa si Rhuvy kay Sam na hindi naman sinaway ng huli)
RHUVY: Why so serious here?
SAM: Rhuvy I’m not in the mood.
RHUVY: Alam mo na ba ang balita?
SAM: Anong balita?
RHUVY: Your wife was one of the lead casts in the University play… (Sam felt proud for Devon at napangiti siya pero dinugtungan ni Rhuvy ang sinabi nito) And the mean reason she was chosen was because of Enrique… (nag-init agad ang ulo ni Sam sa narinig) She looks so innocent and pure pero nasa loob lang pala ang kulo! How could she flirt with Enrique? Hindi man lang niya iniisip na may asawa siya.
SAM: Rhuvy please….
RHUVY: Anyway you don’t care naman diba? You don’t love her, I know that…
(hinawakan nito ang mukha ni Sam) and I know na kahit anong mangyari, maraming mang babae na nauugnay sayo…sa akin ka pa rin bandang huli…
(Akmang hahalikan ni Rhuvy si Sam nang may narinig silang tumawag sa pangalan ng huli. Nang lumingon si Sam, he was surprised to see Devon wearing dress and light make-up. Huminto yata ang mundo niya sa nakitang kagandahan ni Devon. Nagbalik ang isip niya ng makita ang namumuong luha sa mga mata ni Devon. Before he could speak ay nakita niya itong tumakbo palabas ng Bar)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento