CHAPTER 12
KAZEL: Ewww!!! What kind of food are these?
(nainis si Devon sa kaartihan ni Kazel. Noong isang araw pa ito nakalipat sa apartment ni Sam at wala na itong ibang ginawa kundi punain siya at ang Sam naman ay walang ginagawa para ipagtanggol siya)
DEVON: Pasensiya na…
KAZEL: I want to eat beef steak but you only know how to cook fried egg! Duh!!! Sam, I’m wondering kung bakit siya pa ang pinakasalan mo! She knows nothing!
(Gusto ng hagisan ni Devon ng mainit na tubig si Kazel, kumapit ba naman sa braso ni Sam habang nasa mesa sila)
SAM: Kazel kainin mo nalang yan.
KAZEL: I don’t wanna eat these! Let’s eat out Sam..please???
(Nagpapacute ito kay Sam at mas lalo siyang nainis kaya naman tumayo na siya)
DEVON: Excuse me!
SAM: Saan ka pupunta? Hindi ka pa tapos kumain.
DEVON: Baka ma late pa ako sa klase ko.
KAZEL: Are you going to University na ganyan lang ang suot mo? Gossshhh naman!!! naturingan ka pa namang asawa ni Sam eh ganyan ka simple!
(mas lalo pang nainis si Devon sa banat ni Kazel)
DEVON: Wala namang masama sa suot ko.
KAZEL: Well wala ngang masama sa suot mo. I’m just warning you na baka magising ka isang araw na wala ka ng asawa.
(Hindi nalang niya pinansin si Kazel at dali-dali siyang lumabas ng apartment)
SAM: Kazel bakit mo naman yun sinabi?
KAZEL: I’m just telling her the truth Sam. I know you hindi ka kontento sa isang babae lang.
SAM: Pero hindi mo na dapat pinupuna ang ginagawa at ang kasimplehan niya.
KAZEL: I do whatever I want to do Sam!
(Tumayo na si Kazel at iniwan si Sam)
(Samantalang nagpa-audition nga si Devon sa stage play ng University para inisin si Coleen. Enrique was there to watched and chose the deserving students na masasali sa naturang play. They did acting,singing and dancing. For Devon, hindi siya nahirapan kumanta at sumayaw dahil may talent naman talaga siya. Sa acting lang siya kinabahan dahil to her surprise ang ex na si Patrick pala ay ang handpicked sa male lead role at ito ang naging ka eksena ng lahat ng mga babae. Ngayon lang rin niya nalaman na sa iisang University lang sila nag-aaral. Pagkatapos ng audition ay lumapit agad si Patrick sa kanya)
PATRICK: It’s really a great surprise! Sabi ko na nga ba, ikaw yung nakita ko last week sa canteen.
DEVON: Ano naman ngayon?
PATRICK: Galit ka pa rin ba sa akin dahil sa nangyari?
DEVON: Pwede ba Patrick wag na natin yang pag-usapan!
PATRICK: Pero kung paano kung sabihin ko sayo na hindi ko talaga mahal si Hana at ikaw talaga ang gusto ko?!
(Hindi nakapagreact si Devon sa sinabi ni Patrick at nagpatuloy ito sa pagsasalita)
That guy, when he kissed you in the Bar. Alam mo bang sobrang nasaktan ako noon sa nakita ko!
DEVON: That guy na sinasabi mo ay asawa ko na ngayon!
(Halatang nagulat si Patrick sa sinabi niya and it took him few seconds bago nakasagot)
PATRICK: I heard a lot of things about that guy from Hanah. Sasaktan ka lang niya sa huli Devon kaya mas mabuti pang…(binara niya si Patrick)
DEVON: Mas mabuti pang hiwalayan ko siya at bumalik ako sayo,ganoon ba?
PATRICK: Devz???
DEVON: Kung magkahiwalay man kami, hinding-hindi ako babalik sayo! Mas nanaisin ko pang magkagusto sa iba… (hindi na naituloy ni Devon ang susunod na sasabihin dahil nagsalita si Patrick)
PATRICK: Magkagusto sa iba gaya nalang ni Director Gil??
(Nakita ni Devon na palabas ng studio si Enrique at doon nakatuon ang mata ni Patrick. Hindi siya makapagsalita sa sinabi nito)
PATRICK: The way he stares at you kanina sa Audition, it shows something Devz!
DEVON: Ano ba yang pinagsasabi mo?!
PATRICK: And I know you like him, too.
(Hindi na siya binigyan ng pagkakataon ni Patrick na depensahan ang sarili dahil iniwan siya nito na nakatulala at hindi niya tuloy namalayan na nasa harapan na niya si Enrique. Kung hindi pa ito tukhim ay hindi siya magigising mula sa ibang deminsyon)
ENRIQUE: Malalim yata ang iniisip mo.
DEVON: Ha? Ano…kasi…
ENRIQUE: Ang galing mo pala kanina. The result of the audition will be posted soon.
DEVON: Aalis na ako!! (Kailangan niyang umiwas kay Enrique dahil naguguluhan na siya sa sariling damdamin)
ENRIQUE: Ganoon ba?
DEVON: Pinapapunta kasi ako ni Sam sa…sa… Wired Bar..tama sa Bar.. (pagsisinungaling niya)
ENRIQUE: Ha?.. O sige.. mag-ingat ka.
(Tumakbo na siya at iniwan si Enrique. Napagpasyahan naman ni Enrique na umalis na rin at magpunta ng Company. Nang makarating siya sa parking area ay nagulat pa siya ng makita si Coleen)
COLEEN: She’ll be surely part of the stage play,right?
ENRIQUE: Wala naman sigurong masama kung masali man siya sa play.
COLEEN: Walang masama pwera nalang kung hindi mo siya personal choice.
ENRIQUE: What are you talking?
COLEEN: You like her, don’t you??
ENRIQUE: So inabangan mo ako dito sa parking area para lang itanong yan?
COLEEN: Quen baka nakakalimutan mo na asawa siya ni Sam??!
ENRIQUE: At baka nakalimutan mo na you cheated me with Sam??!
(Hindi agad nakapagsalita si Coleen)
COLEEN: Sam is right after all, He can’t trust the people around him.
(Umalis na si Coleen pero bago pa ito tuluyang makalayo ay nagsalita si Enrique)
ENRIQUE: Sam might tell everybody that he doesn’t trust the people around him but I know he trusts me!
(Napahinto si Coleen sandali at pagkalipas ng ilang segundo ay tuluyan na rin itong umalis)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento