Linggo, Marso 4, 2012

Break the Rules or Not? (Chapter 4)

CHAPTER 4

BACK TO PRESENT!!

SAM: Have you seen my Grandpa’s reaction ng malaman niya na asawa kita? (tawa ng tawa si Sam. Nasa apartment na sila nito at hindi nalang siya umimik. Napansin naman ni Sam na tahimik si Devon kaya tumigil siya pagtawa)
Hey! Is there something wrong?
DEVON: Mukha namang mabait ang Grandpa mo. Bakit hindi mo nalang sundin ang gusto niya? Magtrabaho ka sa Company niyo.
SAM: Forget it! Andun naman si Enrique. He can handle the Company better than me. Anyway, thanks for showing up earlier. I thought hindi ka na darating.
DEVON: Ginagawa ko lang ang part ko sa laro mo.
SAM: Whatever you call it! You’re free naman to do whatever you want.
DEVON: Alam ko…kaya lang natatakot ako kapag natuklasan ni Inay ang totoo.
SAM: Tsaka mo na problemahin yan kapag nagkabukingan na. For now, just play your part and I’ll play mine! (hinawakan niya ang mukha ni Devon) You have nothing to worry ang pagiging mag-asawa natin ay hanggang sa papel lang. I won’t touch unless you want me to. (kinindatan niya si Devon)
DEVON: Ang kapal mo talaga kahit kelan!
SAM: Wala ba talaga dating sayo ang mukhang ito?! (hinawakan nito ang mukha sabay lapit kay Devon)
DEVON: Kahit gaano ka pa ka gwapo hindi ako tatablan sayo! (tumayo na siya) Asan ang magiging kwarto ko? Inaantok na ako.
SAM: We can share room if you want.
DEVON: Hindi yan part ng usapan!
SAM: Binibiro lang kita, naniwala ka naman agad. (Tumayo na rin siya at kinuha ang maletang dala ni Devon at dinala iyon sa magiging kwarto ng babae)
This is the only extra room that I have in this apartment.
DEVON: Mas malaki pa rin ito sa bahay namin. Iwan mo nalang diyan ang gamit ko at inaantok na talaga ako.
SAM: Masusunod kamahalan! Sige good night and thanks ulit!
(Umalis na si Sam at naiwan si Devon na napabuntunghininga. Pumayag siya sa kasunduan nila ni Sam at dapat lang na galingan niya ang gagampanang papel sa laro nito)

(Meanwhile si Rhuvy naman at ang ina nito sa kanilang bahay ay)
GRETA: How come you didn’t know na nag-asawa si Sam?
RHUVY: Mom the last time I talked to him was 6 months ago and now that girl showed up claiming that she’s Sam’s wife!
GRETA: And it’s true!! Rhuvy, alam mong palugi ang negosyo natin and our only option is for you to get married with Sam!
RHUVY: Don’t worry Mom, I know Sam. Once he’s done with her, babalik siya sa akin!
GRETA: Siguraduhin mo lang ng di tayo maghirap na parang daga!
RHUVY: Trust me Mom!

(Pagkagising ni Devon kinaumagahan ay may nabasa siyang sulat galing kay Sam. He asked her to buy some groceries at may pera na ding iniwan ang lalaki. Tinawagan niya ang bestfriend na si Kyra at nagpasama dito.)
KYRA: Simula ng magpakasal kayo ni Sam bihira na tayo mag-usap. Bumalik ka na kasi ulit sa Starbucks. Alam mo naman na gustung-gusto ni manager ang performance mo kapag nag-apply ka ulit dun, tatanggapin ka ulit nun for sure.
DEVON: Ayaw kasi ni Sam na magtrabaho ako sa Starbucks. Ipapasok daw niya ako sa University ng Mom niya bilang staff dun. Ewan ko nga anong magiging trabaho ko, wala naman akong natapos.
KYRA: Sa bagay…chance mo na rin yan. Hmmm…anyway, wala pa ba? (nakita niyang ngumiti si Kyra)
DEVON: Anong wala pa?
KYRA: Wala pa ba akong magiging pamangkin?!
DEVON: Ky ano ba yang pinagsasabi mo?
KYRA: Devz naman ang hot kaya ng asawa mo! Huwag mong sabihin na santo yun!
DEVON’S POV: Kung alam mo lang ang totoo!
KYRA: Basta dapat may magiging pamangkin na ako!
DEVON: Hay naku Ky!
(Lumakad siya at nagpunta sa coffee section. Inihabilin kasi ni Sam na bumili siya ng coffee. Hindi niya alam kung anong coffee ang gusto ni Sam. Habang abala sa katitingin sa coffee brands ay bigla namang may nagsalita sa kanyang likuran. Paglingon niya ay nakita niya si Enrique)
ENRIQUE: Nescafe tastes better than kopiko.
DEVON: Ikaw pala…
(Bago pa nakasagot si Enrique ay bigla namang sumingit si Kyra)
KYRA: Oh my!!! Greek God!!! Bumaba ka ba sa langit?!
(Parehong napatawa sina Devon at Enrique sa sinabi ni Kyra. Tiningnan ni Devon si Enrique, last night ay hindi niya ito na titigan ng maigi. Now that he’s infront of her ay tama nga si Kyra. He’s one of those who have these Greek Gods’ look. Enrique looked at her at nagtama ang kanilang mga mata. Agad nagbaba ng tingin si Devon at nagsalita naman si Enrique)
ENRIQUE: I’m Enrique…and you are? (pakilala nito kay Kyra, agad naman inabot ng huli ang kamay habang kinikilig)
KYRA: I’m Kyra..Devon’s bestfriend…mamimili ka rin ba?
ENRIQUE: No…I just dropped by to unwind myself. (sabay tingin kay Devon)
DEVON: Bakit?
ENRIQUE: I just can’t believe until now na asawa ka ni Sam.
KYRA: Sa maniwala ka at sa hindi mag-asawa talaga sila.
(Tumango nalang si Enrique at maya-maya pa ay nagpaalam na rin ito sa kanila. Nang makaalis ito ay)
KYRA: He’s super gwapo Devz!! Ilakad mo naman ako sa kanya…please??
DEVON: Ano ka?? Kagabi ko nga lang nakilala yun.
KYRA: Sige na para magkaboyfriend na rin ako ng gwapo…please…
DEVON: Ewan ko sayo Ky!!

(Si Sam naman ay nagpapractice ng kanta sa Wired Bar kasama sina Nel, Jaco at JV)
NEL: Ginulat mo kaming lahat kagabi pare. Malay pala namin na kaya ka nawala ng anim na buwan ay nag-asawa ka na pala!
(ngumiti siya sa halip na sumagot)
JV: So natamaan ka talaga sa Devon na yun? Para kasing hindi kapani-paniwala na ang heartbreaker na si Sam ay nagpatali?
JACO: No questions JV…Nakita mo naman dati pa dun sa Starbucks na effortlessly beautiful si Devon.
NEL: For good na ba talaga yan pare? Just tell me if sawa ka na sa kanya..You know, I’m willing to heal her future broken heart.
SAM: Not with Devon pare.
JV: Did I hear the real Samuel? Kailan ka pa naging ganyan sa mga babae mo?
SAM: She’s not one of those girls na inaakala nyo. She’s exclusive for me dahil asawa ko siya.
JACO: Nel, JV narinig niyo yun?!
NEL: Wala na akong sinabi…
(Naputol ang usapan nila ng biglang pumasok si Rhuvy at agad lumapit kay Sam. Hindi nito alintana na andun ang mga barkada ni Sam. Pumulupot ito sa lalaki at humalik dito. Narinig nalang ni Sam na nagsara ang pinto dahil agad na naglabasan ang kanyang mga barkada. Sige pa rin sa paghalik si Rhuvy sa kanya at marahan niya itong itinulak)
SAM: Rhuvy stop…
(Humawak ang babae sa kanyang dibdib at humaplos doon)
RHUVY: I miss you so much…
SAM: Rhuvy…I’m married…
RHUVY: I don’t care…I just wanna make it up to you. I miss you so badly for the past 6 months…(unti-unting kinakalas ng babae ang butones ng kanyang polo)
SAM: Don’t seduce me Rhuvz…
RHUVY: Bakit tinatablan ka na?...
SAM: Shit!!!
(At agad niyang siniil ng halik si Rhuvy. It’s been 6 months na wala siyang nagagalaw ni isang babae dahil sa gusto niyang mag work ang plan niya. Mabilis ang mga kilos at galaw nila ni Rhuvy. He’s an expert when it comes to woman kaya naman ang mga ganitong tagpo ay masyado nang madali para sa kanya.)

(Nakauwi si Sam sa apartment ay bandang alas 3 na ng madaling araw. Bago tuluyang pumasok sa kanyang kwarto ay dumaan siya sa kwarto ni Devon. Nang pihitin niya ang doorknob ay hindi ito nakalock. Pumasok siya sa loob at nakita niya si Devon na mahimbing na natutulog. Nalaglag ang kumot nito at pinulot niya para ikumot dito. Pero bago pa man niya ito tuluyang makumotan ay nasagi ng kanyang mga mata ang binti nito, nakalihis ang suot nitong palda. Napalunok siya sa nakita at mabilis na kinumutan ang babae tsaka lumabas ng kwarto nito. Pagkarating sa kanyang kwarto ay pilit niyang winaglit ang bagay na pumasok sa kanyang isipan. Pinikit niya ang mga mata at pinilit na makatulog.)

(Nagising si Sam sa lakas ng music sa bahay. Bumangon siya at lumabas ng kanyang kwarto. Pagkalabas ay nakita niya si Devon na sumasayaw. Gusto niya itong sigawan pero napangiti nalang siya sa nakikita. Naramdaman ni Devon na parang may mga matang nakatingin sa kanya. Nang lumingon siya ay nakita niya si Sam na mataman na nakatitig sa kanya. Nataranta siya at agad hininto ang cd na pinapatugtog.)
DEVON: Pasensiya na..akala ko kasi hindi ka umuwi kagabi…
SAM: Paano mo mapapansin eh para kang mantika kung matulog.
DEVON: Sobra ka naman…(sabay ngiti) Tutugtog ka ulit mamayang gabi sa Bar?
SAM: Makakatugtog kaya ako, dinisturbo mo ang pagtulog ko?
DEVON: Pasensiya na talaga…matulog ka nalang ulit. Di na ako mag-iingay.
SAM: Mabuti pa ipagtimpla mo nalang ako ng kape.
DEVON: Sandali lang…(umalis na si Devon at maya-maya pa ay may dala na itong tasa ng kape)
SAM: You know that I like Nescafe?.
DEVON: Sinabi lang ni Enrique na mas maganda ang Nescafe, kaya yun ang binili ko.
SAM: Nagkita kayo ni Enrique?
DEVON: O.o kahapon sa grocery store. Alam mo napagmasdan ko siya kahapon…super gwapo niya pala. (sabay ngiti)
SAM: Mas gwapo ako dun…
DEVON: Sabi mo lang yan…
SAM: May gusto ka sa kanya?!
(Napansin ni Devon na biglang tumaas ang boses ni Sam)
DEVON: Bakit parang galit ka yata? Sa tingin ko naman mabait si Enrique at mapagkakatiwalaan.
SAM: I already told you. You have to trust nobody but me! (sabay tayo at iniwanansi Devon)
DEVON: Anong problema ng lalaking yun?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento