CHAPTER 10
HIS PERFECT HOUSEWIFE
RHUVY: That bitch!
COLEEN: Ano na naman ba ang problema?
RHUVY: Didn’t you see last night? She pretended she couldn’t swim para iligtas ni Sam.
COLEEN: Baka naman talaga hindi yun marunong lumangoy…
RHUVY: Whatever! Kung inaakala ng babaeng yun tapos na ang lahat pwes nagkakamali siya!
COLEEN: Going to your plan B?
RHUVY: Exactly!! She doesn’t know kung sino ang kinakabangga niya! Now it’s time for her to know kung sino talaga si Rhuvy.
COLEEN: So when will the next plan be?
RHUVY: Soon my dear…soon…(at napangiti si Rhuvy)
(Maagang nagising si Devon kahit Linggo. She prepared breakfast for her and Sam.Habang nagluluto ay nakatanggap siya ng tawag buhat kay Kyra)
KYRA: Alam mo Devz kontrabida sa buhay mo yung dalawang magBFF!
DEVON: Hayaan mo nalang sila.
KYRA: Kung hindi lang ako pinigilan ng mga kaibigan ni Sam kagabi baka nakalbo ko na ang mga iyon! (natawa nalang si Devon sa sinabi ni Kyra)
DEVON: Pasensiya na pala tumakbo ako palabas at nalimutan kita.
KYRA: Ok lang yun noh!! Hinatid ako ni Jaco, infairness! Gwapo ng mga friends ni Sam.
DEVON: Huwag mong sabihin na siya na naman ang type mo?
KYRA: Si Greek God ang mas lamang sa puso ko…
DEVON: Hay naku Ky!!..
(Pagkatapos ng pag-uusap nila ni Kyra ay ipinagpatuloy ni Devon ang pagluluto. Nang matapos siya ay tinawag niya si Sam ngunit hindi ito sumasagot. Nakailang beses siya sa pagtawag sa pangalan nito pero wala pa ring sumasagot sa kanya. She decided to go to his room. Hindi naman nakalock ang pinto. Pagkapasok niya sa loob ay nakita niya si Sam na nakahiga sa kama)
DEVON: Sam gising na! nakapagluto na ako, kain ka muna.
(Umungol lang ito at hindi sumagot sa kanya)
DEVON: Sam?... (lumapit siya sa kama at tiningnan ito) May problema ba?
SAM: Devz….masakit ang ulo ko… (nang idampi niya ang palad sa noo nito ay)
DEVON: Ang init mo!!!.... nilalagnat ka…
(Agad siyang kumuha ng tuwalya at tubig para punasan si Sam. Naghanap din siya ng gamot sa cabinet nito at may nakita naman siya at agad niyang pinainum dito. She felt so worried about him. Seguro nilagnat ito dahil sa nabasa ito sa tubig kagabi. She knew na pagod pa ito sa biyahe, dumiritsu sa bday party ni Coleen at napalusong sa tubig ng di oras dahil sa kanya. Wala siyang ginawa buong araw kundi bantayan at alagaan si Sam.)
(Nagising si Sam bandang alas 7 ng gabi. Agad niyang nakita si Devon na nakatulog. He smiled at hinaplos niya ang buhok nito. Agad naman naramdaman ni Devon na may humahaplos sa kanyang buhok. Nag-angat siya ng mukha at nakita niya si Sam na nakatingin sa kanya)
DEVON: Ok ka na?! (sinalat niya ang noo nito) may sinat ka pa rin. Gutom ka na ba? Ipagluluto kita ng soup.
SAM: Devz don’t worry. Hindi ako gutom…
DEVON: Kailangan mong kumain para magkalaman yang sikmura mo! Maiwan muna kita sandali at ipagluluto kita.
(Wala ng nagawa si Sam dahil umalis na si Devon. Nagring ang kanyang cellphone at nakita niya na si Nel ang tumatawag)
NEL: Asan ka na? magsisimula na tayo in a few minutes.
SAM: Sorry pare. I’m not feeling good right now. Hindi ako makakapag perform tonight…
NEL: Sigurado ka ba? or may babae ka na namang kasama ngayon?
SAM: Pare nasa bahay lang ako at masama talaga ang pakiramdam ko.
NEL: Sa bahay?? Bakit na miss mo na agad si misis mo? Nagpunta lang tayo sa Baguio ng isang araw dahil sa gig at ngayon hindi mo na maiwan-iwan ang asawa mo.
(Napangiti nalang si Sam sa sinabi ni Nel. He knew what he’s friend is thinking ng mga oras na iyon)
(Makalipas ang ilang minuto ay bumalik na si Devon na may dalang soup. Aside from his Mom, Devon is the first girl who did this kind of care to him. He can’t help but stare at her habang sinusubuan siya nito. He pretended na hindi nya kayang hawakan ang spoon para subuan siya nito. Looking at her closely, Sam realized how beautiful she is. Mahahabang pilikmata, expressive eyes, matangos na ilong, kissable lips and an innocent and perfect smile. Plus the fact that she’s good, caring, masayahin and loving. His perfect housewife he thought. Hindi tuloy niya namalayan na naubos na niya ang soup kung hindi pa nagsalita si Devon)
DEVON: Ubos na! matulog ka na at magpahinga. Huhugasan ko muna ito.
(Tumalikod na ito sa kanya pero nagsalita siya dahilan para mapalingon ito)
SAM: Can you come back after you wash those?
DEVON: Ha??.. cge mamaya. You need to drink your meds pa pala.
(Lumabas na si Devon sa kanyang kwarto. Pagkabalik nito ay madala itong baso ng tubig at gamot. Pagkatapos niyang mainum ang gamot ay)
DEVON: Sige matulog ka na…
SAM: Devz can you sleep here, beside me?
(Nagulat si Devon sa sinabi ni Sam. Nakita niya ang pagsusumamo sa mukha nito. Naramdaman niyang hinawakan ni Sam ang kanyang kamay at hinila siya sa tabi nito. Hindi niya alam ang gagawin at naging sunud-sunuran siya dito. Naramdaman nalang niya na nakayakap na sa kanya si Sam, at unan na niya ang balikat nito)
SAM: Hug me please…
(Hindi niya alam kung susunod ba siya sa sinabi nito. Nang hindi siya umimik ay mas lalo pang naging mahigpit ang yakap nito sa kanya at)
SAM: Ang payat mo…kung yayakapin pa kita ng mahigpit baka madurog pa ang mga buto mo… (Natauhan siya sa sinabi nito, bumangon siya at hinampas ito ng unan)
DEVON: Ang sama mo! Nagka abs at muscles ka lang ginaganito mo na ako!
SAM: Huwag mo naman akong hampasin ng unan baka lumala pa ang sakit ko.
DEVON: Ewan ko sayo Samuel!!!
(Sabay talikod dito)
SAM: Saan ka pupunta?
DEVON: Eh di sa kwarto ko!!! (at tuluyan na siyang lumabas ng pinto)
(Kinabukasan naging ok na si Sam at nawala na rin ang lagnat niya. He insisted to Devon na ihahatid niya ito sa University. Wala namang nagawa si Devon kundi pumayag sa kagustuhan ni Sam. She’s worried baka mabinat lang si Sam pero makulit ang lalaki kaya wala na siyang nagawa. Paglabas nila ng gate ay may isang kotse ang huminto. Agad bumaba ang driver nito. Isang maganda at tisay na babae ang nakita ni Devon. Bago pa siya makapagreact ay nakalapit na ito kay Sam at yumakap dito. Narinig nalang ni Devon ang pagsambit ni Sam sa pangalan ng babae)
SAM: Kazel? (He’s astonished! He didn’t expect her to show up)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento