CHAPTER 8
GO DEVON! FIGHTING!
(Nakita ni Devon na tumayo si Kyra at lumapit kay Enrique dinala nito ang lalaki sa table nila)
KYRA: Dito ka na sa table namin ni Devz. What’s your order pala?
ENRIQUE: On duty ka pa rin?
KYRA: Wala na but for you, anytime! (siniko ni Devon si Kyra)
ENRIQUE: Sige…cappuccino nalang. Make it 3 para na rin sa inyo ni Devon.
KYRA: Ok! (tumayo si Kyra at iniwan silang dalawa ni Enrique)
ENRIQUE: Tahimik ka yata may problema ba?
DEVON: Ha?! Wala…
ENRIQUE: How’s school pala?
DEVON: Ok lang.
ENRIQUE: There will be an upcoming stage play baka interested ka sumali doon?
DEVON: Huwag na… hindi naman ako masyadong talented.
ENRIQUE: Think about it. I heard from the members of the board. There will be cash prices for those na mapipili.
DEVON: Eh baka mapahiya lang ako doon. Freshman palang ako at maraming magagaling at talented na student sa University.
ENRIQUE: Consider it. I asked Sam to be the Director of the school but never got any answer from him.
DEVON: Bakit siya ang gusto mo para sa posisyon?
ENRIQUE: ‘Cause I know him. He can do better than me lalo na sa family business.
(Marami pa siyang gustong itanong kay Enrique ngunit dumating naman si Kyra.
Pagkatapos mag-usap ay nangulit si Kyra na ihatid ito ni Enrique sa apartment nito. Napailing nalang si Devon sa sobrang kakulitan ng kanyang bestfriend. Matapos maihatid si Kyra ay sinabihan niya si Enrique na magtataxi nalang siya pauwi ng apartment nila ni Sam ngunit hindi ito pumayag. Habang nasa kotse sila ni Enrique ay tahimik lang si Devon. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin at si Enrique naman ay parang pinag-aaralan ang kanyang kilos at galaw hanggang narinig nalang niya itong nagsalita)
ENRIQUE: How about your life with Sam?
DEVON: Ha?
ENRIQUE: I know Sam very much… He’s sudden marriage is a shock to everybody.
DEVON: Ok lang naman kami ni Sam.
ENRIQUE: I see.
(Hindi na muling nagsalita si Enrique hanggang makarating sila sa apartment. Pagbaba ni Devon sa kotse nito ay saka namang paglabas ni Sam sa gate.)
SAM: Anong oras ba natapos ang class mo at ngayon ka lang dumating?!
DEVON: Ano kasi…(hindi namalayan ni Devon na nakalabas na rin pala si Enrique sa kotse at ito na ang sumagot kay Sam)
ENRIQUE: I saw her in the coffee shop with Kyra, nagkwentuhan kami at hindi namalayan yung oras.
(Lumapit si Sam kay Devon at hinila nito ang kanyang kamay)
SAM: Let’s go!
DEVON: Ha? Saan tayo pupunta?!
SAM: You’ll be going with me in the Bar!
(Wala nang nagawa si Devon dahil hinila na siya palayo ni Sam. Paglingon niya ay nakita niya si Enrique na nagsmile sa kanya. Habang palakad ay di pa rin binibitiwan ni Sam ang kanyang kamay)
DEVON: Ayaw kong sumama sayo sa Bar may class pa ako bukas.
SAM: Ayaw mong sumama dahil mas gusto mong kasama si Enrique…
DEVON: Ano ba yang pinagsasabi mo?!
SAM: I told you Devon, you don’t have to be closed sa mga taong malapit sa akin. You don’t know them…
DEVON: Pero mabait naman si Enrique and I trust him.
SAM: Rule number 2! Trust nobody but me!!
DEVON: Pero Sam?!
SAM: You’re not gonna break some rules, do you?
(Hindi nalang nagsalita si Devon. Para makaiwas sa gulo ay sumama nalang siya kay Sam sa Wired Bar. Pagdating sa loob ay agad siyang sinalubong ng mga katropa nito)
JV: At nagdala pa talaga ng asawa!
JACO: Nice to see you here Devz. Feel at home.
NEL: We’ll be performing later.
DEVON: Sige papanoorin ko kayo.
(Pagkatapos ng ilang minuto ay nagperform nga ang band nila ni Sam. As usual maraming girls ang tili ng tili dahil sa sobrang kilig. The four boys are really handsome. Pagkatapos ng kanta ay may isang babae ang umakyat sa stage at lumapit kay Sam. Before he could react ay hinalikan na siya nito sa labi at naghiyawan ang mga tao sa paligid. Sobrang inis naman ang naramdaman ni Devon sa nakikita. Nakailang kanta pa ang band nila ni Sam at ang malanding babae ay hindi pa rin lumulubay dito. Pagkatapos ng kanilang performance ay humabol pa ang babae kay Sam)
BABAE: Hey Sam! Wanna enjoy the rest of the night with me? (humaplos ito sa dibdib ni Sam at kitang-kita iyon ni Devon)
SAM: Not tonight….
(Iniwan na nito ang babae at lumapit si Sam sa kanya. But the girl is persistent at humabol ito kay Sam)
BABAE: Oh please…don’t make it too hard for me.
(Hindi na mapigilan ni Devon na sumingit sa usapan ng dalawa)
DEVON: Alam mo miss, huwag mo nang ipilit ang sarili mo sa taong ayaw naman sayo!
BABAE: And who are you?! (sabay taas ng kilay) Pwede ba huwag kang makialam! Look at yourself, ugly duckling!! (tumaas ang dugo ni Devon sa sinabi ng babae at kinuha niya ang glass of wine sa kabilang table sabay buhos sa babae)
What the?!!
(Naagaw ang atensyon ng mga tao sa loob ng Bar at ang mga ito ay nagtinginan sa kanila. Susugurin sana siya ng babae ngunit nahawakan ito nina Jaco at JV at hinila naman siya ni Sam palabas ng Bar)
SAM: What the hell did you do?!
DEVON: At kinakampihan mo pa ang malanding yun?
SAM: Hindi ko siya kinakampihan. What I’m trying to say is mali ang ginawa mo!
DEVON: Eh di balikan mo yun at aluin mo!!
SAM: Devon?! Alam mo ba sa ginawa mo maaaring mabawasan ang customer ng Bar?! Some people know that I’m married, others don’t. Ano nalang ang sasabihin nila? Na warfreak ang asawa ko?!
DEVON: May mga nakakaalam naman pala na may asawa ka sana hindi na naglandi pa ang babaeng yun…Huh!! O.o nga pala! Nakalimutan ko kung ano ka talaga! (Nakita ni Devon ang galit sa mukha ni Sam bago ito nagsalita)
SAM: Rule number one: Mind your own business Devon!
(At iniwan na siya ni Sam na naiinis)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento