Huwebes, Marso 15, 2012

Break the Rules or Not? (Chapter 6)

CHAPTER 6

CURIOSITY

DEVON: Ano?!!
(Nagulat si Devon sa sinabi ng kanyang nakakabatang kapatid na si Kathryn. Sinadya siya nito sa apartment ni Sam para sabihin na nagkakamabutihan ang kanyang Inay at si Ricardo; isang negosyante sa kanilang lugar. At nagpaplano umano ang mga ito na magsama)
KATHRYN: Ate ayaw kong lumipat kami ni Inay sa bahay ni Tito Ricardo.
DEVON: Sige kakausapin ko si Inay. Uuwi ako sa atin ngayong Linggo.
KATHRYN: Salamat ate. Asan pala si Kuya Sam?
DEVON: Andun sa Bar na pinagtratrabahoan niya.
KATHRYN: Paano ate hindi na ako magtatagal baka gabihin pa ako paauwi.
DEVON: Sige ihahatid na kita sa Bus terminal.
KATHRYN: Ok lang ate kaya ko na.
DEVON: Sigurado ka?
KATHRYN: Sympre naman! big girl na kaya ako.
(Umalis na nga si Kathryn at naiwan si Devon na nag-aalala sa kanyang Inay at kapatid. Alam niya noon pa na may gusto si Ricardo sa kanilang Inay pero hindi niya inakala na sasagutin ito ng kanyang ina. Kailangan niya talagang umuwi para kausapin ang kanyang ina. Dahil sa sobrang pag-aalala hindi namalayan ni Devon ang oras at nakatulog siya sa sala.
Umuwi si Sam quarter to 12 midnight at nagulat siya ng makita si Devon na nakatulog sa sofa. Lumapit siya sa babae at pinagmasdan ito ng maagi)
SAM: Bakit ba hindi ko magawang paglaruan ka?
(Hinaplos ni Sam ang mukha ni Devon. Naramdaman naman ni Devon na may humaplos sa mukha niya. Nagmulat siya ng mata at nakita niya si Sam na matamang nakatitig sa kanya)
DEVON: Andito ka na pala.
SAM: Bakit dito ka natulog? Maginaw dito.
DEVON: Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.
(Tumayo na siya para lumipat sa kanyang kwarto pero pinigilan ni Sam ang kanyang kamay)
SAM: Devz… I’m sorry…
DEVON: Sorry? Para saan?
SAM: Kaninang tanghali. I kissed you. Sorry…I won’t do it again.
(Devon saw Sam’s sincerity at ngumiti siya dito)
DEVON: Huwag mo nang isipin yun…
SAM: Hindi ka galit?
DEVON: Hindi…tsaka may karapatan ka naman. Kahit kasunduan lang ang kasal natin, asawa mo pa rin ako.
(Iniwan na niya si Sam)
SAM: That woman didn’t know what she just had said.
(Napailing si Sam at pumasok na rin sa kanyang kwarto)

(Nang sumapit ang weekend ay nagpaalam si Devon kay Sam na uuwi siya sa bahay nila. To her surprised ay nag-insist si Sam na sumama sa kanya. Nakarating sila bandang alas 3 ng hapon at pagdating nila sa bahay ay mas lalo pang nasurpresa si Devon ng makita may mga tauhan na naghahakot ng gamit nila. Nang makapasok siya sa loob ay nakita niya ang kanyang Inay na nagliligpit ng gamit. Agad siyang lumapit at nagmano dito pati na rin si Sam.)
DEVON: Nay, anong ibig sabihin nito?
MYLENE: Pasensiya na anak hindi ko nasabi sayo. Sinagot ko na ang Tito Ricardo mo at lilipat na kami ni Kathryn sa bahay niya.
DEVON: Nay, huwag naman kayong magpadalus-dalos…ok naman ang karenderya at maghahanap ako ng trabaho para makapagbigay ako ng pera sa inyo.
MYLENE: Anak nakakahiya na sa iyo…tsaka may asawa ka na. Dapat siya ang pagtuonan mo ng pansin.
DEVON: Pero Inay??
KATHRYN: Inay, ayaw ko sa bahay ni Tito Ricardo gusto kay ate nalang ako. Ok lang naman yun Kuya Sam,diba?
SAM: Ha?? Sige…walang problema.
MYLENE: Salamat nalang hijo. Kathryn napag-usapan na natin ito. Ok?
KATHRYN: Pero Inay?
MYLENE: Mahiya ka naman sa ate mo. May asawa na siya.
KATHRYN: May magagawa pa ba ako?! (sumimangot si Kathryn at umalis na ito)
MYLENE: Ang bata talagang iyon, tinutubuan na ng sungay.
DEVON: Nay naman kasi…
MYLENE: Devon anak..alam mo namang sobrang bait ng Tito Ricardo mo kaya wala kang dapat ipag-alala sa amin ng kapatid mo.
DEVON: Sige Inay…desisyon niyo yan..Basta masaya kayo, masaya na rin ako. Huwag kang mag-alala kakausapin ko si Kathryn mamaya.
MYLENE: Mabuti pa nga. Dito na kayo maghapunan pupunta dito si Ricardo mamaya.
DEVON: Sige po Inay.
(Sumabay ngang maghapunan sa kanila si Ricardo. Bandang alas 8 ng gabi ay umalis na rin sina Sam at Devon. Habang nasa daan ay biglang hininto ni Sam ang motorsiklo nito at nagulat si Devon)
DEVON: Bakit may problema ba?
SAM: About Tita Mylene’s boyfriend, your soon to be stepdad…
DEVON: Bakit anong problema sa kanya?
SAM: I don’t like him…
DEVON: Ano? Bakit naman?
SAM: When we were having dinner, he was maliciously staring at you!
DEVON: Hay naku Sam bakit ba pinag-iisipan mo ng masama si Tito Ricardo?
SAM: I’m a man Devon at hindi maganda ang pakiramdam ko sa lalaking iyon. He must be wearing a mask.
DEVON: Umuwi na nga lang tayo.
(Hindi nalang sumagot si Sam at pinaandar ang motor pero masama talaga ang pakiramdam niya sa Ricardo na iyon. So he decided to do something)

(Nagulat naman si Enrique ng pagkapasok niya sa office ay nakita niya si Sam na nakaupo at parang bagot na bagot na sa kahihintay sa kanya)
ENRIQUE: What a surprise?!, I didn’t expect to see you here early in the morning!
SAM: I need you to do something for me…
ENRIQUE: And what made you think na tutulungan kita?
SAM: Well in return you can let me do something for you.
(Napag-isip si Enrique sa sinabi ni Sam. He knows Sam hindi ito basta lalapit sa kanya at sa Don kung hindi importante ang sadya nito)
ENRIQUE: Ok…what is it?
SAM: I want you to ask Grandpa’s private investigator to do some research about Ricardo Ruiz.
ENRIQUE: Sounds familiar…you mean Ricardo Ruiz, the owner of Zuir Buses?
SAM: Tama!
ENRIQUE: What’s with that man at interesado kang imbistigahan siya?
SAM: I just want to know everything about my wife, her family including the people around them.
ENRIQUE: It seems that I’m talking to a different Sam now.
SAM: I’m still me.
ENRIQUE: Well, I’ll ask the private investigator to gather some information about him and in return…I want you to manage the Performing Arts University.
SAM: What?! You’re kidding, don’t you?!
ENRIQUE: Director Lim has just resigned last week and the Board is looking for somebody to take his position. You know, I’m busy with Travel Shipping and Airline Companies. Who else can take over the position, except you? Besides, you have all the rights to that University.
SAM: I couldn’t believe you would ask this much from me!!
ENRIQUE: Think about it. To be the Director of the University and have Ricardo Ruiz investigated or just let your curiosity about him have a natural death?
SAM: Let me consider. (Tumayo na siya at lumabas ng pinto pero bago pa man siya tuluyang makalabas ay nagsalita si Enrique)
ENRIQUE: You’re treating her differently.
SAM: It’s none of your business! (at tuluyan na niyang iniwan si Enrique)

(Nang makalabas ng building ay tinawagan ni Sam si Rhuvy at agad sila nagkita ng babae sa condo unit nito)
RHUVY: I miss doing this Sam…(nagsimula ng humalik si Rhuvy kay Sam)
SAM: I’m not here for this Rhuvy…
RHUVY: Common! You know what we both want… Tell me hindi ka pa ba nagsasawa sa asawa mo?
SAM: Let’s not talk about her…
RHUVY: And then what?? Huwag mong sabihin na magtitigan lang tayo dito?!
SAM: Then let’s do what you want…(at siniil niya ng halik si Rhuvy.)

(Hindi na nakauwi si Sam sa kanyang apartment ng gabing iyon. Kinaumagahan bandang alas 10 ay umuwi siya ng bahay. Naabutan niya si Devon na naglilinis ng apartment.)
DEVON: Oh andito kana pala!
SAM: Yeah!
(Walang buhay niyang sagot at umupo siya sa sofa. Si Devon naman ay ipinagpatuloy ang paglilinis sa harapan niya. Hindi naman maiwasan ni Sam na mapagmasdan si Devon. Nakikita niya na tumutulo ang pawis nito sa noo and he finds her hot)
SAM: Can I ask you a question?
DEVON: Ano?!
SAM: That Patrick guy… I mean your ex-boyfriend. Did he ever touch you?!
DEVON: Ano?!!!! Pwede ba Sam huwag mong pakialaman ang past ko!
SAM: I was just asking.
DEVON: Hindi ko gusto ang tanong mo!
SAM: I’m just kinda curious…
DEVON: At wala kang makukuhang sagot buhat sa akin.
SAM: I already knew the answer kahit hindi mo sagutin.
(Tumayo na si Sam at nagsmile siya kay Devon)
DEVON: Napakaarogante mo talaga kahit kailan!!!
SAM: Sadyang malakas lang talaga ang pakiramdam ko!
DEVON: Ewan ko sayo!! Masyado kang pakialamero!
(At tuluyan na niyang iniwan si Sam)

(First day ni Devon sa University. She was so excited. Habang naglalakad sa hallway ay panay ang imagination niya sa kanyang natupad na pangarap kaya hindi niya tuloy namalayan na nakaapak siya ng maliit na bola dahilan para ma out of balance siya. Bago pa man siya bumagsak sa semento ay may matitipunong braso ang sumalo sa kanya and to her surprised ay lumapat ang labi niya sa labi nito. When she opened her eyes ay nakita niya ang gwapong mukhan ni Enrique)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento