Miyerkules, Marso 28, 2012

Break the Rules or Not? (Chapter 11)

CHAPTER 11


(Dahil sa biglaang pagsulpot ni Kazel ay hindi naihatid ni Sam si Devon sa University. Here she is! Naiinis kay Sam.)
DEVON: Kahit kailan mahilig talaga siya sa mga tisay!!! Mabuti sana kung tisoy eh hindi!!! Nakakainis talaga!!! (muntikan ng mapasigaw si Devon ng may magsalita sa kanyang likuran. Nang lumingon siya ay nakita niya si Enrique)
ENRIQUE: It’s early in the morning, bv ka na agad.
DEVON: Naiinis ako…
ENRIQUE: Kay Sam? I bet may babae na namang umaaligid?
DEVON: Kasi naman may isang tisay na half-blooded Japanese lang ang dumating. Naging sunud-sunuran na agad siya.
ENRIQUE: So Kazel is back then…
DEVON: Kilala mo siya?
ENRIQUE: The only girl Sam is scared of…
DEVON: Scared? Bakit?
ENRIQUE: Kazel has a strong personality. She is a destructive and manipulative but she’s nice when you come to know her well.
DEVON: Ewan ko. Teka bakit andito ka sa University?
ENRIQUE: I’m the Director now.
DEVON: Ha? Akala ko ba si Sam ang magiging Director?
ENRIQUE: Nobody can take over the position for now. Don Manuel decided that I’ll be working here in the morning then I’ll be in the Company in the afternoon.
DEVON: So mukhang nadagdagan ang responsibilities mo?
ENRIQUE: I don’t have any choice.
DEVON: Kasalanan to lahat ni Sam… ayaw niyang hawakan ang negosyo ng pamilya niya!
ENRIQUE: You can’t blame him. It’s his choice.
DEVON: Napapansin ko lang na marami na akong masasamang salita na nasasabi tungkol kay Sam pero ikaw hindi ko pa talaga narinig nagsalita ng masama laban sa kanya. Samantalang ayaw niyang magtiwala ako sayo.
ENRIQUE: Maraming bagay ka pang hindi alam Devon.
(Magtatanong pa sana siya kay Enrique ngunit bigla niyang nakita si Coleen na palapit sa kanila. Inis siya sa babae dahil sa ginawa nitong panloloko sa kanya. Agad siyang nagkunwari na natapilok at napayakap kay Enrique. Agad naman siyang sinaklolohan ng huli. Hindi nakaligtas kay Devon ang pagtaas ng kilay at pagkasira ng mukha ni Coleen sa nakita.)
DEVON’S POV: Ikaw lang ba ang magaling magkunwari?!
(Pero mukhang wrong move yata ang kunwa-kunwarian niyang pagkatapilok at pagyakap kay Enrique dahil ilang dipa nalang ang agwat ng mukha nilang dalawa. Si Enrique ang unang nagbawi ng tingin at nagsalita)
ENRIQUE: Ok ka lang?
DEVON: Ha?...O.o… (nagkandautal niyang sagot)
ENRIQUE: Sige pupunta na ako sa office.

(Tumango nalang siya bilang tugon kay Enrique. Kung kanina ay inis siya kay Sam ngayon naman binabagabag ang kanyang isipan kay Enrique. Hindi na naman siya nakapagconcentrate sa klase. Nang magpunta si Devon sa canteen ay narinig niya ang bulung-bulungan ng mga estudyante.)
STUDENT 1: Mag pa-audition tayo sa Stage Play. I heard malaki ang cash prizes and it’s a good exposure for us.
STUDENT 2: Tama! Kapag napili tayo magkakapera at magkakaroon tayo ng chance na ma meet ang mga famous people in the Industry.
STUDENT 3: Balita ko magpapa-audition daw si Coleen.
STUDENT 4: Akala mo naman talented yun. Nagtaka nga ako last year stage play napasali siya sa casts…hindi naman marunong umiyak.
STUDENT 1: Alam mo naman malakas ang Dad niya sa ibang members ng board.
STUDENT 2: Tingnan natin ngayon… si Sir Enrique na ang Director. Balita ko strict daw yun.
STUDENT 4: Basta ako magpapa-audition!
STUDENT 3: Ako rin!

(Napangiti si Devon sa narinig na usapan ng apat at)
DEVON’S POV: Makapag-audition nga!
(Kanina pa gustong tumakas ni Sam kay Kazel ngunit di niya magawa. Kung bakit ba kasi nagbalik ang babae. Gusto niyang ihatid si Devon kanina ngunit dahil biglang sumulpot si Kazel ay di niya nagawa. He knows kung paano magalit si Kazel at yun ang ikinatatakot niya baka may gawin pa itong hindi maganda kay Devon. Kung masama ang ugali ni Rhuvy mas masahol pa si Kazel. And here he is, together with the woman in the shopping mall. Ginawa siyang tagabitbit ng mga pinamili nitong damit)
SAM: Hindi ka pa ba tapos mamili? Ang dami na nito.
KAZEL: Hindi pa? bakit may reklamo ka?
SAM: Bakit ba bigla ka nalang napabalik ng bansa?
KAZEL: Bakit masama bang bisitahin ang mga taong mahalaga sa akin?
SAM: Kazel?
KAZEL: So that girl is your wife?
SAM: Hindi siya katulad ng mga babaeng iniisip mo.
KAZEL: What’s so special about her at siya ang napili mong pakasalan? When I left, I thought u gonna end up with Rhuvy.
SAM: Let’s not talk about Devon. Bakit ka ba talaga nagbalik?
KAZEL: Well…let’s just say that I wanna make things right…
SAM: What?!
KAZEL: You heard me right.
SAM: Kung anong kalokohan man yang pinaplano mo, huwag mo ng ituloy!
KAZEL: Hindi naman siguro matatawag na kalokohan kapag sa apartment mo ako tumira diba?
(Nagulat si Sam sa narinig. Kung titira si Kazel sa apartment niya, it only means one thing. He needs to share room with Devon.)
SAM’S POV: Sinasabi na nga ba may motibo ang babaeng ito sa pagbabalik niya.
KAZEL: I’ll be moving to your apartment tomorrow morning. You still have extra room,right?
SAM: Ha?!
KAZEL: Huwag mong sabihin na hindi kayo nagsasama ng asawa mo sa iisang kwarto??
SAM: Kasi baka hindi pumayag si Devon na sa apartment ka tumira.
KAZEL: Whether she likes it or not and whether you like it or not. Doon ako titira. End of discussion!
(At iniwan na nito si Sam na napabuntong-hininga)

(Pagdating ni Devon sa bahay ay agad ibinalita ni Sam sa kanya ang napag-usapan nito at ni Kazel)
DEVON: Pero bakit dito pa sa apartment mo?
SAM: Kazel is Kazel Devz… I don’t have a choice. Mas mabuti pa ilipat mo na ang mga gamit mo sa kwarto ko bago pa niya malaman na magkaiba tayo ng room.
DEVON: Pero bakit ba ganoon ka nalang kung sumunod sa mga sinasabi niya?
SAM: I don’t want her to hurt you. She’s dangerous Devz.
DEVON: As if naman may magagawa pa ako.
(Iniwan na niya si Sam at napaupo nalang si Sam sa couch at napahilamos sa mukha)
SAM: Kung anong laro man ito Kazel sana lang huwag mong saktan si Devon kung hindi ako ang makakalaban mo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento