Miyerkules, Marso 21, 2012

Break the Rules or Not? (Chapter 9)

CHAPTER 9

DEVON and KYRA VS. RHUVY and COLEEN

COLEEN: Oh! Bakit ganyang ang mukha mo at hindi maipinta?
DEVON: Wala ito…
COLEEN: Si Sam ba?
DEVON: Hindi… (pagkakaila niya)
COLEEN: Anyway, it’s my birthday this weekend. Punta ka sa bahay ha…
DEVON: Ha? Huwag na..nakakahiya naman at tsaka hindi ako sanay makisalamuha sa mga mayayaman.
COLEEN: Ano ka ba? My friends are nice, I’m sure they gonna like you.
DEVON: O sige…
COLEEN: It’s a custome party. Don’t forget to wear anime custome.
DEVON: Ha? Bakit naman ganoon?! Nakakahiya…
COLEEN: I just like cartoons. Wanna have unique birthday each year.
DEVON: O sige…
(at palihim na napangiti si Coleen)

(Pagkauwi ng bahay ay agad naghalungkat si Devon kung anong custome ang gagamitin niya sa nalalapit na birthday ni Coleen. Naisip niyang magtahi nalang ng custome na isusuot. Habang abala siya sa paggupit ng tela ay biglaan namang pumasok si Sam sa kanyang kwarto)
SAM: Can we talk?!
DEVON: Ano bang gusto mong sabihin? (nagpatuloy siya sa ginagawa at hindi man lang sinulyapan si Sam sa kanyang tabi)
SAM: About last night…
DEVON: Huwag na nating pag-usapan yun. Tama ka naman, hindi ko dapat pinapakialaman ang buhay mo.
SAM: About that girl last night. She’s one of my…
DEVON: Alam ko naman yun… (Dahil lumingon si Devon kay Sam ay hindi niya namalayan ang karayum at natusok siya nito) Aray!! (nakita niyang tumulo ang dugo sa kanyang daliri)
SAM: Ok ka lang?!
DEVON: Natusok ako ng karayum…
(Nagulat naman si Devon ng biglang hawakan ni Sam ang kanyang kamay at sinipsip nito ang dugo sa kanyang daliri. Hindi siya makapagreact dahil parang nakukuryente siya sa ginawa nito. Nang tumingin si Sam sa kanya ay nag-abot ang kanilang mga mata. He touched her face and closely moved towards her. She knows he’s going to kiss her. She closed her eyes as his face became so near at hers. And then he ended up kissing her forehead)
SAM: Good night!
(At iniwan na siya nitong speechless)

COLEEN’S BIRTHDAY!

KYRA: At kailangan pa talaga na nakasuot din ako ng ganito?? Naman!! Well, kahit naman ganito ang suot natin. We look beautiful as always…
DEVON: Kailangan ko lang talaga ng kasama.
KYRA: Bakit ba hindi ka sumabay kay Sam?
DEVON: May gig sila sa Baguio last night kaya diretsu na sila kina Coleen.
KYRA: Hay naku!! Sana nagpasundo nalang tayo kay Greek God!!!
DEVON: Ky!!!
KYRA: Bakit totoo naman talaga na Greek God ang kagwapohan ni Enrique, diba?
(Hindi nalang nagsalita si Devon. Nang makarating sila sa bahay ni Coleen ay bukas ang gate kaya naman pumasok na sila. To their surprised ay hindi naman custome party ang birthday. Nakapang damit mayaman ang mga tao sa loob. At silang dalawa ni Kyra ay pinagtitinginan ng mga tao. Sobrang inis ang naramdaman ni Devon dahil niloko siya ni Coleen. Nakita niya itong papalapit sa kanya kasama ang babae na sinabi ni Sam na ex umano nito.)
RHUVY: I’m glad you came to my bestfriend’s birthday party! How’s the custome?!
(Tiningnan nito si Devon mula ulo hanggang paa) Look at you! I couldn’t believe na isang tanga ang pinakasalan ni Sam.
DEVON: Akala ko pa naman totoong kaibigan ka Coleen (tiningnan niya si Coleen)
COLEEN: Don’t trust somebody so easily my dear….
DEVON: Pare-pareho lang kayong mga mayayaman!!!
RHUVY: Everybody listens… Seems like these two here aren’t in the right place!
KYRA: Aba! Gusto mo sabunutan kita?!!
(Nakita ni Devon na pinagtatawanan sila ng mga tao sa paligid. Sino nga naman ang hindi matatawa sa suot nila ni Kyra na sailormoon custome. Nang mga oras na iyon ay gusto na niyang maglahong parang bula. At bigla nalang narinig ni Devon si Sam na nagsalita buhat sa kanyang likuran)
SAM: What’s going on here? Devz, Kyra? (tumingin si Sam sa kanila at sobrang hiya ang naramdaman ni Devon)
RHUVY: Seems like your wife and her friend don’t know how to dress formally.
DEVON: Kyra, tayo na!! (hinila niya si Kyra ngunit nagmatigas ito)
KYRA: Wait Devz!!
(Lumapit ito kay Rhuvy at sinampal ang babae. Halos napanganga lahat ng tao sa paligid sa nakikita. Nang makabawi si Rhuvy ay agad itong sumugod kay Kyra ngunit humarang si Devon at siya ay itinulak ni Rhuvy sa swimming pool. Hindi siya marunong lumangoy kaya naman nahihirapan siya. Agad naman siyang sinaklolohan ni Sam at inihaon sa tubig. Napaubo siya dahil sa nainum na tubig. She felt so embarrassed dahil pinagbubulungan siya ng mga tao sa paligid. She suddenly ran away and left the place. Laking gulat niya ng hablutin siya ni Sam ng makalabas siya ng gate)
SAM: Don’t just run away…
DEVON: At anong gusto mong gawin ko manatili ako sa loob at pagtawanan nila?! (Hindi na niya napigilan ang sarili at tuluyan na siyang napaiyak. Hinawakan ni Sam ang kanyang mukha at maya-maya pa ay niyakap siya nito. Pagkatapos ng ilang segundo ay pumara si Sam ng taxi. When they were inside, ay naalala niya pa rin ang kahihiyan na ginawa ni Rhuvy sa kanya kaya hindi niya napigilan ang ang sarili at tumulo ang kanyang luha. She felt Sam crossed his arms on her shoulders at isinandal siya sa dibdib nito. She felt that she’s safe in his arms.)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento