CHAPTER 13
DEVON: Sam paano kung magkagusto ako sa iba??
(Muntikan ng mabitiwan ni Sam ang hawak na gitara sa sinabi ni Devon)
SAM: Ano ang ibig mong sabihin?
DEVON: Alam naman natin pareho ang dahilan ng pagpapakasal natin, diba? Tsaka hindi naman ako ganoon kamanhid at ka gaga na hindi ko alam ang pinaggagawa mo.
SAM: Sinabihan ka ni Kazel? Sabi na nga ba at naninira ang babaeng yun!!!
DEVON: Walang sinasabi si Kazel. Alam ko naman na lumalabas ka kasama ang ibat-ibang babae!
SAM: So are you trying to say na huwag akong lumabas kasama ang ibat-ibang babae?!
DEVON: Sam kahit naman sabihin ko sayo na huwag kang lumabas kasama sila wala naman akong magagawa dahil part yun ng rules. Dapat hindi ko pinapakialaman ang personal mong buhay. Naisip ko lang na kung ikaw ay lumalabas kasama ang ibat-ibang babae, possible naman siguro na gawin ko rin iyon, diba?
(Hindi alam ni Sam ang naramdaman pero nakaramdam siya ng pagkainis sa sinabi ni Devon)
SAM: Are you meeting someone in the University? (diretsahan niyang tanong)
DEVON: Hindi ako nakikipagkita kahit kanino sa University kaya lang… parang may feelings ako sa isang guy…hindi ko alam… naguguluhan ako.
(At mas lalong nagngitngit ang kalooban ni Sam sa narinig. Tumayo siya at walang sabi na iniwan si Devon. Lumabas siya ng pinto pero laking gulat niya na nandoon pala si Kazel at nakikinig sa usapan nila ni Devon)
KAZEL: Opps! I never intend to eavesdrop!
(Pero alam niyang nakiusyoso ito. Sa halip na pansinin si Kazel ay diri-diritsu siyang lumabas ng apartment.)
(Nakatanggap naman ng tawag si Devon buhat kay Kyra. Nagpapasama ang kanyang bestfriend sa isang boutique. May bibilhin daw itong damit. Nagkita sila bandang alas 5 ng hapon at)
DEVON: At kailan ka pa nahilig magsuot ng damit?
KYRA: Niyaya kasi ako ni Jaco na mag dinner bukas kaya heto…
DEVON: Teka..teka… nanliligaw ba yun sayo?
KYRA: Ewan ko…wala namang sinasabi.
DEVON: Hay naku Ky! mag-ingat ka doon! Alam ko kung gaano katinik sa mga babae ang mga kaibigan ni Samuel!
KYRA: Don’t worry my bff! Teka ano ba?! Bagay ba itong purple sa akin?! Duh! Mukhang magiging bula ako nito ehh!
DEVON: Bula ka diyan!!
KYRA: Ehh sa totoo naman na lakas sumuporta ng mga bula sa SamVon hah… Kaya ikaw make sure na hindi maging awkward si Sam sa LT niyo.. malakas pa naman yung kalaban!
DEVON: Ikaw talaga Ky! Love naman namin pareho ni Sam ang mga bula ehh.
KYRA: So ano na? Kukunin ko na itong purple dress?!
(Pero biglang may umagaw sa pagkakahawak ni Kyra sa purple dress. Nagulat naman si Devon pagkakita sa magbff na Rhuvy at Coleen)
RHUVY: I think this dress looks good on me, Coleen!
COLEEN: Tama ka fren!
KYRA: Teka! Ako ang nakauna sa dress na ito!
RHUVY: Sorry but gusto ko rin ito!
KYRA: Ibalik mo yan sa akin!!
(Pilit na inaagaw ni Kyra ang damit buhat kay Rhuvy)
DEVON: Ibigay mo nga yan kay Kyra!! Siya ang nakauna diyan! Kung hindi magsusumbong ako sa may-ari nitong boutique!
KYRA: Then subukan mong magsumbong!!
(Yun nga ang ginawa ni Devon, tinawag niya ang saleslady. Maya-maya pa ay tinawag nito ang may-ari ng boutique. Pero laking gulat niya kung sino ang nakita. Ang may-ari ng boutique ay walang iba kundi ang babaeng ipinalit sa kanya ni Patrick, si Hanah)
HANAH: What’s going on?!
RHUVY: Well look who’s complaining? my ex bf’s wife!!
(Narealized ni Devon na magkaibigan ang mga ito)
HANAH: Your ex bf’s wife who happens to be my bf’s ex-gf too!
(sarkastiko nitong sabi)
RHUVY: So ano nga ulit ang inirereklamo mo?! Na kayo ang naka-una sa damit na ito?! Alam niyo ba kung magkano ito?! I bet, one month salary sa coffee shop ay di sapat para dito!!
KYRA: Aba! At sumusobra ka na talaga!
(akmang susugurin na ito ni Kyra pero pinigilan niya ang kaibigan)
DEVON: Ky! huwag!
(at lumapit si Rhuvy sa kanya)
RHUVY: Ano nga ba ang nagustuhan ni Sam sa yo at pinakasalan ka niya?! Look at yourself! Look at your skin color! You’re not tisay! Hindi ka mayaman! Hindi ka rin natapos sa pag-aaral at bukod sa lahat walang-wala ka sa mga naging babae niya!
(Gusto nang maiyak ni Devon sa pinagsasabi ni Rhuvy ngunit pinigil niya ang sarili. Magsasalita pa sana si Rhuvy ngunit nagulat si Devon nang may magsalita sa kanyang likuran at nakita niya si Kazel)
KAZEL: Same old Rhuvy..di ka pa rin nagbabago!
(Napansin ni Devon na parang nagulat si Rhuvy pagkakita kay Kazel)
RHUVY: Kazel??!
KAZEL: It’s me! Mukhang nagulat ka yata?!
RHUVY: I didn’t expect to see you..here…
KAZEL: But I already expected na iinsultuhin mo si Devon…
RHUVY: Kazel…kasi…
KAZEL: Well, I’m not here for that!!
(Nagpalakad-lakad si Kazel at sila ay tahimik lang na pinagmasdan ito. Nakita nila na tumitingin-tingin ito sa mga damit sa boutique at mayat-maya pa ay nagsalita ito.)
Hmm… the designs are not that bad afterall!
(Nag-init naman ang ulo ni Hanah sa sinabi ni Kazel)
HANAH: What did you just say?!
(Pero hindi nito pinansin ang sinabi ni Hanah. Sa halip ay natuon ang mga mata nito sa hawak na damit ni Rhuvy at kinuha ito ng walang sabi-sabi buhat sa babae. Nang mga oras na iyon napagtanto ni Devon na tama si Enrique about Kazel. Ito ang tipo ng babae na walang kinakatakutan at makalas ang personalidad)
KAZEL: I think this dress isn’t good for you Rhuvy!!
(Nagulat si Devon ng lumapit si Kazel sa kanya at)
This dress looks good on you!
(Hindi nakapagreact si Devon at si Rhuvy ay di napigilan ang sarili)
RHUVY: Hindi niya kayang bayaran ang damit na yan! Wala siyang sapat na pera para bayaran yan!
KAZEL: Sinabi ko bang bibilhin niya?!
(Nakita nilang lumakad si Kazel at may kinuha sa counter. Pagbalik nito ay may dala na itong gunting. Nanlaki ang kanilang mga mata ng pag-gupit-gupitin nito ang damit)
HANAH: Bakit mo yun ginawa?!! Ang mahal niyan!!
(Binuksan ni Kazel ang kanyang bag at kumuha ito ng pera buhat sa wallet at hinagis sa mukha ni Hanah)
KAZEL: I think that’s enough for the damage!!
(At iniwan na sila nitong speechless)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento