Sabado, Agosto 20, 2011

The Closet Girlfriend (Chapter 34)

CHAPTER 34

(It’s Valentines Day!! Nagulat si Devon nang may nagpadeliver sa kanyang classroom ng white roses. She knew it was from Sam kaya naman kinilig siya ng bonggang-bongga. Inulan tuloy siya ng tukso from her classmates. After class ay dala-dala niya ang flowers)
PHYTOS: Ang sweet naman ni Sam, hindi talaga nakapagtataka na nainlove ka sa kanya.
DEVON: Yeah! He’s really sweet.
PHYTOS: I’m happy na masaya ka kay Sam. Alam ko naman na inaalagaan at pinoprotektahan ka niya kaya di na ako mag-aalala pa.
DEVON: Parang may ibig kang ipahiwatig hah…ano yan? May new girl ka nang pinopormahan?
PHYTOS: No…I’ll be leaving the University after this semester. (Nagulat at nalungkot siya sa narinig. Si Phytos lang naman talaga ang naging kaibigan niya sa school dahil na rin siguro right after classes ay wala siyang panahon makipagbonding sa iba pa nilang mga kaklase)
DEVON: Bakit saan ka pupunta?
PHYTOS: Papasok ako ng seminaryo.
DEVON: Di nga?!
PHYTOS: Totoo. Hindi kasi kita pwedeng maging girlfriend kaya naman mas makabubuti na iaalay ko nalang ang panahon, sarili ko at oras sa Diyos.
DEVON: Yun ba talaga ang gusto mo?
(Nakita niyang tumango si Phytos)
DEVON: Well I’ll support you with that. Pero sa totoo lang mamimiss kita.
PHYTOS: Thanks Devz…

(Sam asked her na kakain muna sila sa labas bago umuwi ng bahay. When she saw him leaning his car ay agad nasira ang mood niya. She didn’t know why pero bigla siyang nairita pagkakita dito)
SAM: Anong nangyari sayo at nag-iba ang timpla ng mukha mo pagkakita sa akin?
DEVON: Naiinis ako!!!
SAM: What?!! Bakit hindi mo nagustuhan ang white roses?!
DEVON: I want chocolates puro flowers nalang kasi nalalaman mong ibigay sa akin.
SAM: Asus! Yun lang pala, bibilhan kita kaya smile na ok?

(Sam dropped by a convenience to buy her chocolates)
SAM: Oh! Here’s your chocolate.
DEVON: I don’t eat chocolates with peanuts!
SAM: What?!! Di ba ito palagi ang gusto mong kainin…why sudden change?
DEVON: I want something new…
SAM: Devon ha..huwag mo akong paglalaruan… Pinagtritripan mo naman ako.
DEVON: Sino bang nagsabi sayo na pinagtritripan kita?! Basta naiinis lang ako sayo!
SAM: Bakit ano na naman bang nagawa ko?
DEVON: Di ko kasi gusto yang suot mo. I don’t wanna see you wearing purple.
SAM: Ano?? Eh alam mo naman na purple yung favorite color ko. Diba you even told me that I look good with purple and you like it kasi pareho tayo ng favorite color!
DEVON: Eh sa naiirita na ako sa mga purple stuffs mo.
SAM: There’s really something wrong with you. Punta na nga tayo ng resto para bumalik ka sa normal.

(Pagkatapos mag order ay kumain na sila. Napapansin ni Sam na walang gana na kumain si Devon)
SAM: Bakit di mo ginagalaw ang pagkain mo? Baka gusto mo subuan pa kita.
DEVON: O.o
SAM: Are you sure??
DEVON: Yes…sige na Sam subuam mo na ako…
SAM: Devz are you really ok? Nasa public place kaya tayo. Pinakaayaw mo kayang nagiging sweet ako sayo in public.
DEVON: Nakakainis ka naman eh!! (Hindi niya alam pero bigla nalang siyang umiyak)
SAM: Sorry..sorry na…huwag ka na magalit..
DEVON: Basta naiinis talaga ako sayo!
(Tumayo na siya at iniwan si Sam)

(Ilang araw ng napapansin ni Sam na naiinis si Devon palagi sa kanya, there was this one time na muntik na syang sampalin kahit wala siyang ginawa dito. Kaya naman medyo kinakabahan na siya sa pagiging weird nito lately. So he brought her to Alex’s doctor cousin only to find out na buntis ito. It’s been almost 2 hours, panay pa rin ang iyak ni Devon. Sam didn’t know what to do dahil hindi ito tumatahan. The only thing he knew, was just to hug her tight)
SAM: Tama na. Makakasama sa baby natin yan.
DEVON: Paano na ito? Paano natin sasabihin sa kanila? Ang career mo? Ang pag-aaral natin.
SAM: Sasabihin ko sa kanila ang totoo.
DEVON: Please Sam not now…natatakot ako sa maaaring mangyari. Baka paghiwalayin nila tayo.
SAM: Sinabi ko naman diba hindi kita pababayaan. Iiwan ko ang career ko para sayo, at lalo pa ngayon magkakababy na tayo.
DEVON: Pero…
SAM: Huwag ka ng kumontra.

(Dahil sa kagustuhan ni Devon na itago muna ang kalagayan nito ay sumunod muna si Sam pero buo na ang plano niya na ilayo ito pagkatapos ng final exam nila. Late na siya nakauwi ng bahay dahil nagpunta muna siya kina Aaron para sa birthday ng kapatid nito. Nasa labas palang siya ay nagtaka siya sa nakakabinging katahimikan na sumalubong sa kanya. Pagdating niya sa living room ay narinig niya ang mahina ngunit seryosong tanong ng kanyang Tito Dennis kay Devon)
DENNIS: Sabihin mo kung sino ang ama?!
(Nakita niyang panay ang iyak ni Devon sa harap ng Daddy nito at ang kanyang Mommy naman ay tahimik lang. Agad siyang lumapit dito at inalo)
SAM: Stop crying.
DENNIS: Sam hayaan mo siya. Devon sabihin mo kung sino ang ama ng dinadala mo?! Ang Phytos bang yun ha?! Boyfriend mo na ba yun?! (alam ni Sam na nagkokontrol lang ang Tito Dennis niya. He looked at her and found strength to tell the truth)
SAM: Tito Dennis, Mom (looking at them seriously) Ako po, ako ang ama ng pinagbubuntis ni Devon.
DEVON: Sam?
(Nakita ni Devon na namula sa galit ang kanyang Daddy at napasuntok ito sa hangin samantalang ang Tita Carmi naman niya ay lumapit kay Sam at sinampal ito pero hindi naman nagreact si Sam, hinawakan lang nito ang pisngi na nasampal samantalang nagpatuloy naman siya sa pag-iyak)
CARMI: Sam how could you do this para mo na siyang kapatid?!
SAM: Mom, Tito I love Devon at handa kong panagutan ang nangyari.
DENNIS: Pumasok muna kayo sa kwarto niyo. (seryoso nitong pahayag)
SAM: But Tito?
DEVON: Sam please…(Alam ni Devon na gusto ni Sam na kausapin ang Daddy niya at Mommy nito but she gave him a sign na pabayaan muna ang mga ito. Wala namang nagawa si Sam kundi sundin ang kagustuhan niya)

1 komento: