Huwebes, Agosto 18, 2011

The Closet Girlfriend (Chapter 26)

CHAPTER 26
(Hindi nakatulog ng maayos si Devon dahil na rin sa biglaang pagdating ng kanyang ina at sa problema nila ni Sam. It’s 6:00, pumunta sya ng kitchen dahil gusto nya mag coffee, wala kasing coffee sa personal fridge nila ni Yen sa kanilang kwarto. Muntikan na syang mapaso ng biglaan siyang ginulat ni James)
JAMES: Here you are!!!
DEVON: Anak ng palaka!!!
JAMES: What did you say?
DEVON: Why are you here?
JAMES: Devon right? I’m James.
DEVON: I know!
JAMES: Wow! Am I famous that you know me? (nagsmile ng nakakaloko)
DEVON: Shut up! Would you?
JAMES: Hey! Calm down…
DEVON: Makaalis na nga may masamang hangin na pumasok dito.
JAMES: Hey! Naiintindihan kita. (nagulat naman siya sa na nakakaintindi pala ng tagalog ang kausap nya)
DEVON: Totoo naman ang sinabi ko.
JAMES: Well whether you like it or not. My Dad and your Mom are getting married, you’d become my sister and we’ll be a happy family.
DEVON: The hell I care kung magpapakasal ang Dad mo at ang Mom ko!
JAMES: What??!! You don’t care?! But Tita Cleo is your Mom.
DEVON: Siya ang nagsilang sa akin pero ni minsan hindi ko naramdaman na naging ina ko siya.
JAMES: You hate her, don’t you?!
DEVON: Pwede ba! huwag ka masyadong pakialamero! Why don’t you mind your own business!
(Hindi na nya hinintay na sumagot si James, iniwan na nya ito at bumalik sya sa kanyang kwarto. Nalaman nya buhat kay Yen na umaalis ang kanyang Ina kasama ang ama ni James, ang Daddy nya at Tita Carmi para magbonding. Ang kuya Enchong nya naman ay may swimming training kaya medyo tahimik ang bahay. Sinabihan sya ni Yen na magswiswimming ito sa pool, she decided na magswimming nalang din. Pero ng makarating sya doon ay parang gusto na nyang umatras ng makita nya si Yen together with James and Sam. Agad naman syang napansin ni James kaya wala na syang chance na umiwas sa mga ito. Sam stared at her and she knew blangko ang ekspresyon nito. Hindi na nya nakikita ang dating ngiti nito sa mga mata tuwing tumitingin sa kanya.)
JAMES: Devon, it’s good na lumabas ka na rin sa hawla mo! You’ve been there since this morning.
DEVON: Would you stop talking to me?!
YEN: Sis, mukhang BV ka kay James? Huwag ganyan baka mainlove ka sa kanya.
(nakita nyang ngumiti ng nakakaloko si James at si Sam naman ay tahimik lang)
JAMES: Yeah right!
DEVON: Excuse, you’re not my type!
JAMES: At sinong type mo? Katulad nitong si Sam? (Hinawakan pa nito si Sam at kitang-kita ni Devon ang pagiging asiwa nito)
SAM: I might be her type but she would never stand for me.
(Nanlaki talaga ang mga mata niya sa sinabi nito but she managed to answer him)
DEVON: Haha! Ang galing mo talagang mag joke!
(Tumawa siya para ikubli ang awkwardness na kanyang nararamdaman. Medyo natahimik naman si Yen. Si Sam ay di na umimik at si James ay nagsalita ulit)
JAMES: Sam bro, I have some chika babes from Canada. I’ll introduce you to them. Have some fun and enjoy life!
YEN: What?! Ipapakilala mo siya sa mga liberated na girls! (Nagseselos yata ang bestfriend nya pero mas nagseselos siya, she tried to pretend na ok lang ang lahat)
JAMES: One of my closest friends from Canada is here. You better meet her Sam, she’s a hot chick! You’ll enjoy her company!
YEN: You’re a bad influence James!
JAMES: Are you jealous?!
(Hindi naman nakapagsalita si Yen. Tumingin naman si Sam sa kanya bago nagsalita)
SAM: I’m free tonight, maybe I could meet her.
(Piniga ang puso niya sa narinig at si Yen ay nag walk out)
JAMES: Oh! What happen to Yen?! Hmm.. are you dating her? I mean di yun aalis basta-basta ng walang dahilan.
SAM: Just a little misunderstanding. I’ll talk to her later.
DEVON: Excuse me. Aalis na rin ako, pupuntahan ko muna si Yen.
(Agad syang umalis dahil nagsisikip na rin ang dibdib baka bumigay pa siya sa harapan ng dalawa. She went directly to the restroom at umiyak)
DEVON’S POV: How dare you Sam! Makikipag date ka na agad!
(Pero nagulat naman siya na nasa likuran niya pala si Sam, sa common family restroom kasi siya pumasok)
SAM: `Nasasaktan ka ba?!
(Sa halip na sumagot ay pinagsusuntok niya ang dibdib nito)
DEVON: I hate you! I really hate you!
(Hindi naman siya pinigilan nito, hinayaan lang siya sa kanyang ginagawa hanggat napagod siya at wala ng lakas para ipagpatuloy ang pagsuntok sa dibdib nito)
SAM: Sinasaktan lang natin pareho ang mga sarili natin Devz. But if that is what you still wish to do, may magagawa pa ba ako?
DEVON: Sam?? (wala pa rin tigil sa pagtulo ang kanyang luha, kaya niyakap siya ng mahigpit ni Sam)
SAM: You’re still mine Devz, hindi pa tayo officially break kaya may karapatan pa ako sayo.
DEVON: Pero dun sa University, di ako pumayag sa suggestion mo…
SAM: At akala mo ang hindi mo pagpayag ay dahilan na break na tayo? I didn’t say so kaya we’re still committed.
DEVON: Ikaw na rin nagsabi na nasasaktan na tayo pareho.
SAM: I promised to protect you at all cost sana paniwalaan mo yun. Kung hindi man, sabihin mo lang sa akin and I’m willing to let you go kahit nangangahulugan yun ng pagkamatay ng puso ko.
( He gave her a light kiss on her lips and left. Makalipas ang ilang minuto ay pumunta na rin sya sa kanyang kwarto. Nakita niya si Yen na nakasimangot)
YEN: Sis, sabihin mo totoo ba talagang may gusto sa akin si Sam? Di ko kasi yun maramdaman.
DEVON: Ha? Bakit mo naman nasabi yan?
YEN: Eh bakit siya papayag na makipagmeet sa friend ni James kung gusto niya ako? It’s weird diba.?
DEVON: Maybe he was just joking!
YEN: Iba kasi ang nararamdaman ko parang may ibang nilalaman ang puso’t-isipan nya.
DEVON: Paano kung totoo nga ang hinala mo na iba talaga ang gusto ni Sam?
(tumahimik si Yen sandali bago nagsalita)
YEN: Kamumuhian ko ang babaeng yun!
(Yen answered seriously kaya naman mas lalo siyang naguluhan at natatakot kapag nalaman ni Yen ang totoo)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento