Sabado, Agosto 13, 2011

The Closet Girlfriend (Chapter 23)

CHAPTER 23

(Sinundan naman ni Enchong si Sam)
ENCHONG: Did I hear it right? You like Yen? Akala ko ba si Devon yung gusto mo?
SAM: Devon is!!!... she’s!...
(Di nya matuloy ang sasabihin dahil sobrang nasaktan talaga sya sa ginawa ni Devon. Sumakay siya sa kotse at nagpunta sa Bar na pagmamay-ari nina Aaron. It’s his first time na uminom kaya nakailang bottles palang siya ng beer ay medyo lango na siya. Tsaka namang dating ni Alex)
ALEX: Stop it baka maheadline ka pa bukas. (inagaw nito ang hawak nyang beer)
SAM: Give it back to me! Di pahh akohh lashing…!
ALEX: Ano bang problema?
SAM: Si Devon..di nya ako kayang ipaglaban..ipinamimigay pa nya ako sa iba.
ALEX: Ha?...
SAM: I don’t want her to be my closet girlfriend! Pero yun ang ginagawa nya sa kanyang sarili.
ALEX: Kung ano man ang nangyari sana pag-usapan nyo. I’m sure she has her own reasons naman kung bakit hindi pa sya handa na ipagtapat ang lahat.
SAM: I want to show the world how much I love her pero hindi nya ako binigyan ng chance. Ang masakit pa idiniin nya ako sa iba.
ALEX: Umuwi na tayo pinagtitinginan ka na ng mga tao. I’ll drive you home.
SAM: You go home! Kaya ko ang sarili ko!
ALEX: Sam?!
(May tatlong lalaki naman ang lumapit sa kanila)
GUY 1: Anong problema ng teen idol na si SamC mukhang desperado yata ha!
ALEX: Please pare. Leave us!
GUY 2: Bakit ba nakikialam ka?! Hindi ka namin kinakausap?!
(Tsaka namang dating nina Aaron at Cheska)
AARON: Anong problema dito?
GUY 3: Kinakausap lang namin itong si SamC pero mukhang suplado at ayaw sumagot!!
GUY 1: And look who’s here? Cheska! Siya ba ang tinutukoy ni SamC kanina na Only Girl?!
SAM: Stop talking about my girl! (Galit na tumayo si Sam at hinarap ang unang lalaki pero bigla syang sinapak nito)
AARON: Aba! Gago naman pala ang isang ito!
(Sinapak naman ni Aaron ang lalaki hanggang nagkarambolan na. Agad naman silang inawat at ang tatlong lalaki ay pinalabas sa Bar na pagmamay-ari ng family nina Aaron. Si Cheska agad naman tiningnan ang mukha ni Sam)
CHESKA: Oh My God! Namumula ang mukha mo…
SAM: Ouch!!! (Masakit ang panga nya na natamaan ng suntok at nawala talaga ang pagkalasing nya dahil sa nangyari.)
CHESKA: Gamutin natin yan…Wait I’ll get first aid.
(Matapos magamot ni Cheska ay nagdesisyon na syang umuwi ng bahay)
SAM: Thanks! I need to go.
AARON: Sobrang chessy niyo naman ng pinsan ko kanina habang ginagamot ka.
(tumaas ang kilay nya sa narinig)
CHESKA: Huwag naman ganyan.
AARON: Pero masakit din sumuntok ang mga iyon hah.
ALEX: Oo nga! Napuruhan din ako.
AARON: But let’s all expect na magiging big news ito bukas. Hahay!
SAM: I have to go now. (lumabas na sya ng Bar at hindi na hinintay na sumagot ang tatlo. Bago pa sya makapasok sa kanyang kotse ay nagsalita si Cheska na sumunod pala sa kanya)
CHESKA: Who’s she?
SAM: Who?
CHESKA: The only girl you’re talking to.
SAM: It’s none of your business Cheska na makialam sa buhay ko.
CHESKA: I just want to know…(He saw pain in her eyes again)
SAM: I really have to go now….
CHESKA: Sinampal mo ba ako nun dahil nakapagbitiw ako ng masamang salita kay Devon or ginawa mo yun dahil mahalaga sya sayo?
SAM: Both! Ayaw kong may nagsasalita ng masama laban sa kanya dahil mahalaga sya sa akin.
CHESKA: Dahil ba kapatid mo siya?
SAM: Ano sa tingin mo?
CHESKA: Yung sinabi mong papatayin mo ako kapag sinaktan ko pa siya ulit, nagbibiro ka lang nun diba?
(He looked at Cheska seriously)
SAM: I was not kidding Cheska kapag sinaktan mo pa sya ulit, mapapatay talaga kita! (She felt scared upon hearing what he said. He left her at wala na syang nagawa)
CHESKA’S POV: Magiging akin ka rin Sam! Tandaan mo yan!

(Nagising si Devon sa galit na galit na naman na boses ng kanyang Tita Carmi. She went downstairs at nakita nya ang paghampas nito ng newspaper sa harapan ni Sam. Ang Daddy naman nya ay nakaupo at nakikinig lang )
CARMI: What the hell is wrong with you Sam! Look at you! You look so depressed!
And this newspaper?! Paano mo ito ipapaliwanag?!
(Nang mag-angat ng mukha si Sam at nakita ni Devon ang pasa nito)
SAM: I’m so tired Mom! I’m tired of this life!
CARMI: Stop it Sam! Bakit ka ba nagkakaganyan?!
DENNIS: Carmi tama na, huwag mong sigawan ang anak mo. Talk to him in a nice way, hindi na yan bata.
CARMI: Sige kampihan mo yan! Kaya lumalaki ang ulo nyan kasi kinokonsenti mo palagi!
DENNIS: Hindi sa kinakampihan ko si Sam, I’m just being fair. Para kasing nakalimutan mo na binata na ang anak mo.
CARMI: Huwag kang makialam dito Dennis! Anak ko ito kaya mas may karapatan ako!
SAM: Stop it!!!
(Nakita nyang umalis si Sam at iniwan ang Mommy nito at ang Daddy niya. Sumisigaw naman ang Tita Carmi niya)
CARMI: Bastos ang batang yun! Lagot talaga yun sa akin!

(Bumalik nalang si Devon sa kanyang kwato at nakita niya si Yen nanunuod ng TV.)
YEN: Nasangkot pala sa suntukan sina Sam kagabi sa Bar nina Aaron at andun ang alipores na si Cheska!
(nagulat naman siya sa narinig)
DEVON: Ha? Bakit anong nangyari?
CHESKA: Ayun sa report, lasing daw si Sam may tatlong teenager ang lumapit sa kanya. Mukhang wala siya sa mood dahil na rin siguro sa sagutan nila ng Mommy niya last night.You know? About me? (nakita nyang kinilig ang kanyang bestfriend. Yen really believe na may gusto si Sam dito)
DEVON’S POV: I’m sorry Yen pati ikaw nadamay sa katangahan ko.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento