CHAPTER 15
(Mabilis natapos ang summer vacation. Patago pa rin ang relasyon nila ni Sam at kinakabahan talaga sya na baka mabuking sila. May mga issues na rin na lumabas na may namamagitan kay Sam at Cheska. She confronted him once but he assured her na wala talaga. Sam is acting as if he’s not committed to anybody infront of the camera kaya minsan nasasaktan din sya. Pero kailangan naman talaga nilang itago ang katotohanan para na rin sa kanilang dalawa.One Sunday afternoon may interview si Sam sa isang talk show and her bestfriend Yen was so excited na manood. )
DEVON: Bakit ba kasi gusto mo panoorin ang interview ni Sam..araw-araw mo naman sya nakikita dito sa bahay.
YEN: Iba pa rin yung interview…baka kasi may tanong yung host na di ko kayang itanong sa kanya ng harapan…
DEVON: Like what?!!
YEN: Like anong ideal girl niya if ever she had/has a girlfriend…
DEVON: Hay naku Yen! Interesado ka talaga sa lovelife ni Samuel…
YEN: Syempre naman…Ayan! Si Sam na ang susunod!
(nagsimula na ang interview ni Sam and as usual he really looks good on TV. Napapangiti si Devon habang tinitingnan si Sam, she noticed na kinikilig si Yen. Most of the question were all about sa album ni Sam. The last question was about lovelife. The host asked him if there was any special girl in his life. Kinabahan naman si Devon sa isasagot ni Sam. She saw him silent for awhile and said that there wasn’t any special girl in his life. Of course, she felt bad about his answer but tried to understand. Masayang-masaya naman si Yen sa narinig samantalang tahimik lang sya)
YEN: Sabi na nga ba! he’s not committed to anybody! Oh My God Devz!! May chance pa tayo…
DEVON: Hindi naman nakakatuwa yung sagot nya.
YEN: Anong hindi?! Hindi nga sya committed ibig sabihin he’s single! Definitely single!
DEVON: Ewan ko sayo! (pumunta sya sa garden at inaliw ang sarili sa mga bulaklak)
DEVON: Nakakainis naman si Sam..special girl lang naman yung tanong at nagdeny pa sya…hindi naman yun girlfriend…nakakainis talaga!
(bigla syang ginulat ng kanyang kuya Enchong)
ENCHONG: bulaga! !!!!!!!!!!!!
DEVON: Ano ba kuya?! Ginulat mo ako! Nakakainis ka!
ENCHONG: Malayo palang ako kitang-kita ko na di maganda ang timpla na mukha mo! May umaway ba sa baby sister ko?!
DEVON: Kuya please huwag kang makulit…
(umakbay si Enchong sa kanya at ginulo ang kanyang buhok)
ENCHONG: Kung ano man yang ikinaiinis mo, kalimutan mo nalang! Ok?! Treat ko kayo ni Yen! Let’s go shopping!
DEVON: Kuya wala ako sa mood…
ENCHONG: Sige na sis…shopping tayo at kain sa labas..please?...
DEVON: Sige na nga! Sasabihin ko kay Yen!
(Dahil sobrang kulit ng kanyang Kuya, nawili sya at nawala ang inis nya kay Sam. As usual galanti pa rin ang kanyang kuya kahit anong maibigan nila ni Yen ay bininili nito.)
YEN: Ang bait mo yata Enchong, pati sa akin di ka madamot…
ENCHONG: Kailan naman ako naging madamot sayo?!
YEN: Hehe..hindi pa nga eh…
ENCHONG: Baby Devz may gusto ka pang bilhin? Get all you want and I’m gonna pay!
DEVON: Hay naku Kuya!
ENCHONG: Nakabili na ba kayo ng school supplies? Next week pasukan na!
DEVON: Kuya naman! hindi na kami high school para bumili ng maraming notebooks…
ENCHONG: I know pero bili nalang din kayo ng school supplies para naman sulit ang pagpunta natin dito sa mall.
YEN: Oo nga sis…
(Nagpunta sila sa school supplies section, Devon saw lots of teenagers na namimili ng notebooks. Nakita nyang pinagkakaguluhan ng mga ito ang notebooks kung saan cover si Sam. One girl noticed her and approached)
GIRL: Hey! I saw you once on Tv. SamC’s sister right?!
DEVON: Hah? It’s not me!
GIRL: Hindi ako maaaring magkamali, ikaw yung kasama nyang nakunan ng video sa University during enrollment day and he said you’re his sister…
(Napansin ni Devon na naagaw ang pansin ang ibang teenage girls dahil medyo malakas magsalita ang babaeng kaharap nya. Tumitingin na ang iba sa kanya at medyo naasiwa sya. Agad namang lumapit si Enchong)
ENCHONG: Please…may bibilhin lang kami ng sister ko…
GIRL: So it’s you talaga! Ang girl sister ni Sam dahil kasama mo kuya niya…
DEVON: Ha?! Yeah…
ENCHONG: Excuse us..ok?...
GIRL: Ok lang yun…love namin si SamC kaya naman hindi namin sinusugod ang mga malalapit sa kanya para makakuha ng info.
ENCHONG: Thanks!
(Nakinig naman ang mga fans ni Sam kaya tahimik silang nakapamili ng mga school supplies. Then they had dinner bago umuwi ng bahay. Dahil hindi makatulog she decided to go to the mini library. She thought na may ginagawa pang work related si Sam sa showbiz dahil hindi nya ito nakita pagdating nila sa bahay but he was just in the library writing something. Inis pa rin sya dito so she decided to leave pero nakita din pala sya nito)
SAM: At bakit tumalikod ka pagkakita sa akin?
DEVON: Ha? Kasi…baka madistorbo kita…
SAM: At kailan ka namang naging distorbo sa akin?
DEVON: Babalik na ako sa kwarto…inaantok na ako…
(tumalikod na sya ngunit mabilis si Sam at nahawakan ang kanyang kamay)
SAM: Iniiwasan mo ba ako?
(nakatalikod pa rin sya kay Sam)
DEVON: Hindi kita iniiwasan…napagod lang ako…
SAM: Nararamdaman kong galit ka sa akin? Why? Dahil ba sa interview kanina?
(she faced him)
DEVON: Mabuti naman alam mo… parang special girl lang yung tanong nagdeny ka pa…!
SAM: Devz please understand kapag sinabi ko na there’s a special girl in my life sa media di sila titigil hanggat di nila malalaman kung sino. I don’t wanna put you in harm…alam mo yan…
DEVON: Pero Sam hanggang kailan mo ako magiging closet girlfriend??
SAM: Don’t say like that Devz..hindi kita closet girlfriend..tinatago lang naman natin ito dahil sa parents natin at para makaiwas sa media..diba?
DEVON: Pareho na rin yun Sam…everyday natatakot akong mabuko nina Daddy, natatakot ako sa maaring mangyari sa atin pag nalaman nila ang totoo..
(She cried at pinahid ni Sam ang kanyang mga luha)
SAM: Wala kang dapat ikatakot Devz…nandito lang naman ako..hinding-hindi kita pababayaan…(He hugged her pero agad syang kumalas dito)
DEVON: Matutulog na ako..tsaka na tayo mag-usap pag naliwanagan na ang isip ko. Magulo pa talaga ang isip ko sa ngayon.
SAM: Devz??...
(Hindi na sya nakinig kay Sam at iniwan ito. Magkibuan dili sila ni Sam sa bahay pero sa harap ng kanilang mga magulang ay ok na ok sila. Magulo pa rin ang isip nya kahit pa maraming beses na nagbigay si Sam ng assurance sa kanya. Alam naman nyang sincere ito pero may takot syang nararamdaman sa sitwasyon nilang dalawa. Dumating ang araw ng pasukan, magkaiba ang schedule nila ni Sam. Halos lahat ng klase nito ay sa umaga samantalang siya naman ay sa hapon. She took up fine arts dahil ito talaga ang hilig nya. While Yen took up Business management though hindi sila pareho ng kinuhang kurso, parehong hapon ang schedule nila para magkasama sila pumasok at umuwi. Hinatid sila sa school ng kanyang Daddy Dennis at agad di naman itong umalis. She was looking for her room ng may bigla syang mabangga. When she looked at him, she was surprised, smiled and uttered)
DEVON: Phytos?!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento