Martes, Agosto 2, 2011

The Closet Girlfriend (Chapter 10)

CHAPTER 10

(Kanina pa sila nakauwi ngunit inis pa rin si Devon sa ginawang paghalik ni Cheska kay Sam sa harapan nya. Palakad-lakad sya sa loob ng kanilang kwarto ni Yen)
YEN: Umupo ka nga! Kanina pa ako nahihilo sayo…What’s wrong ha?
DEVON: Wala naiinis lang ako!
YEN: Kanino kay Cheska?! Dahil hinalikan nya si Sam kanina?!
DEVON: Anong klaseng babae ba yun? Nanghalik ng lalaki sa harap ng maraming tao! She’s a flirt!
YEN: Asus! Nagseselos ka lang!
DEVON: Hindi hah! Bakit naman ako magseselos?!
YEN: Well I don’t know! Ikaw lang makakasagot nyan…
DEVON: Nakakainis ka naman ehh…
YEN: Hay naku sis! Gusto ko na nga syang sabunutan kanina mabuti nakontrol ko ang sarili ko..but don’t worry…gaganti tayo…
DEVON: Ha?! Paano?!
YEN: Diba niyaya nila tayo na magcamping?! Let’s go with them. I’m gonna flirt with Sam, tingnan natin kung makakaimik pa ang Cheskang yun.
DEVON: What??!! You gonna flirt with Sam?! (nainis naman sya sa sinabi ni Yen)
YEN: Sino lang bang makakagawa nun bukod sa akin?! You can’t do it! Sa pagkakaalam nila magkapatid kayo ni Sam C…diba?
DEVON: Well tama ka…
YEN: Don’t cha wori…fair pa rin ang fight natin.
DEVON: What do you mean?
YEN: Well pagkatapos nating pabagsakin si Cheska ay tayo naman ang maglalaban para makuha ang atensyon ni Sam..
DEVON: Are you serious?!
YEN: Yes I am! Still has a crush on him…
DEVON: Kaloka ka Yen!
(natigil ang kanilang pag-uusap ng biglang pumasok si Enchong sa kwarto at nanggulo sa kanila)
ENCHONG: Got some chocolates girls! Kain tayo!
YEN: Manggugulo ka na naman…
ENCHONG: Bakit ang init ng ulo mo, may dalaw ka ba?!
YEN: Shut up!
ENCHONG: Abah!
DEVON: Tumigil na nga kayong dalawa!
(Lumabas sya at iniwan ang dalawa. She went to the pool and looked at her reflection at the water. Nang bigla syang gulatin ni Sam dahilan para malaglag sya sa tubig. Dali-dali naman itong tumalon para tulungan sya ngunit pinigil nya ito. Lalo syang nainis sa ginawa ni Sam)
DEVON: Ano ba?! nakakainis ka! Look I’m all wet!
SAM: Sorry… (he tried to touch her hair pero naipit ang bracelet nito sa kanyang buhok)
DEVON: Ouch!!!
SAM: Sorry..sorry..wait tatanggalin ko…(pagkalipas ng ilang segundo agad din naman itong natanggal, then she lifted herself up at umahon na sa Pool at umahon na rin si Sam)
SAM: Wait…let’s talk…are you mad at me?!
DEVON: Tinanong mo pa! alam mo namang O.o!
SAM: Kung tungkol dun sa ginawa ni Cheska..nagulat nga rin ako nun!
DEVON: Pero di ka naman nagreact agad, parang gusto mo pa nga yun!
SAM: Oyyy! Nagseselos sya…Devz naman sa cheeks lang naman yun, it’s just a friend’s kiss…
DEVON: Basta di ko pa rin gusto yung ginawa nya…
SAM: Look! I’m sorry na ok…(he held her hands and smiled kaya napasmile na rin sya, nakakadala kasi ang smile ni Sam. Nakita nyang tinanggal nito ang suot na bracelet at sinuot sa kanya)
DEVON: Bakit mo ito isinuot sa akin?
SAM: Dad gave it to me before he died, that serves as my lucky charm and protector. Alam mo yun kahit di tayo nagkikita or magkasama palagi, isipin mo nalang na ako yan palaging nakabantay sayo.
DEVON: But this is from your Dad? Bakit mo binigay sa akin?! Diba sa Mommy mo dapat ibigay ito?
SAM: Andyan naman si Tito Dennis to protect Mom and I want you to have that dahil gusto kong safe ka palagi.
DEVON: Thank you Sam…
SAM: Don’t mention it Devz…I’m your boyfriend kaya karapatan kong protektahan ka, huwag ka lang agad maniniwala sa nakikita mo..ok?
DEVON: I’m sorry…nagselos lang talaga ako…(he smiled at her and she smiled back)


SAM: Alam kong masyadong komplikado yung family relationship natin. But to tell you honestly what Mom and Dad had was purely friendship, they once had this so-called one night stand kaya ako isinilang. Dad loves Mom but Mom’s heart belongs to Tito Dennis. Naging weak lang talaga si Mom nun when she discovered that Tito Dennis was having an affair with your Mom. Alam mo noon naiisip ko nga na malas ako dahil naging anak ako sa labas ni Mommy. But gayunpaman,I’m thankful to my parents dahil kapwa sila mapagmahal,I’m thankful kasi I was given life and I was even thankful that because of them I’ve come to know you.
DEVON: Tama ka Sam…mabuti ka pa nga dahil kahit sa maikling panahon naramdaman mo yung pagmamahal ng Dad mo pero ako? Buhay nga si Mommy pero buong buhay ko halos hindi ko naramdaman na naging ina ko siya. She went to Canada when I was six.It’s been 10 years, di ko na nga alam kung kilala pa ba nya ako. Phone calls, emails, text messages? Walang kwenta ang lahat ng yun. I even felt na mas naging ina ko pa nga si Tita Carmi kesa kay Mommy. I know kahit di nya sabihin, she was cursing me silently dahil isinilang ako sa mundo. She hates me! Alam ko yun! Di nya matanggap na naging bunga ako sa pagkakasala nya!
(di na napigilan ni Devon ang sama ng loob sa ina, for the first time nailabas nya na rin ito. She burst out crying and Sam hugged her)
SAM: Sige…umiyak ka lang andito lang ako…
(That was the scene na naabutan ng Mom ni Sam, agad itong lumapit sa kanila)
CARMI: What happened? Bakit basang-basa kayong dalawa? At bakit ka umiyak Devon?!
SAM: Ano kasi Mom?....ginulat ko sya..nahulog sya sa Pool… sa sobrang galit at inis napaiyak siya…
(Devon was thankful dahil sa ginawang alibi ni Sam, yun nga lang pinahamak nito ang sarili)
CARMI: Hay naku Samuel! Para munang kapatid itong si Devon kaya huwag mo na ulit gawin iyon…naintindihan mo?!
SAM: Yes Mom!
CARMI: Tayo na sa loob ng kwarto Devz…(she looked at Sam and silently uttered)
DEVON: Thank you…(then he wink at her and smiled)
SAM’S POV: I’m gonna protect you forever Devon kahit ikapahamak ko pa.

(During the dinner, nagpaalam si Sam sa kanyang Mom at Tito Dennis about sa camping na naisipin nilang magkakaibigan, pinagpaalam na rin nya sina Devon at Yen)
CARMI: You can go Sam but hindi ko pasasamahin sina Devon at Yen…
(hindi nagustuhan ni Sam ang desisyon ng kanyang ina, pati sina Devon at Yen ay nalungkot)
SAM: Please Mom?... I’ll take care of them naman po, tsaka 3 days lang naman yun..please…(he tried to beg his Mom and looked at his Tito Dennis na naghahanap ng kakampi)
DENNIS: Oo nga naman Carmi, pasamahin mo na sina Devon at Yen…(Sam looked at her Mom and saw she’s deeply thinking. Alam nya kasi na kapag ang Tito Dennis nya ang nagsalita papayag ito)
CARMI: Matapos mong awayin si Devon kanina gusto mo pa syang isama baka inisin mo na naman..
SAM: Promise Mom..magiging good boy ako.
CARMI: O sige papayag ako in one condition, isama nyo ang Kuya Enchong nyo!
ENCHONG: Whatt???? Not me Mom! I hate mountain climbing!
CARMI: Well kung di papayag ang Kuya Enchong nyo, di ko ako papayag!
YEN: Enchong please?...
SAM: Bro please?...
DEVON: Kuya?....
ENCHONG: Pag-iisipan ko…

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento