CHAPTER 25
CHESKA: What?!!! Nakita mo sa Starbucks sina Sam at Yen?!
JULIA: Kaya ikaw huwag mong pagdudahan ang magkapatid! Si Yen ang karibal mo at hindi si Devon.
CHESKA: Humanda sa akin ang Yen na yan!
JULIA: Bakit anong gagawin mo?!
CHESKA: Abangers ka nalang!
JULIA: Bahala ka na nga!
(Pagkauwi ng bahay niyaya ni Enchong si Sam na magbasketball. Mukhang mainit ang ulo ni Enchong, pati paglalaro nito ay apektado. Naitulak siya nito ng malakas dahilan para ma out of balance siya at bumagsak sa semento)
SAM: Ouch! Bro! nanadya ka ba?!
ENCHONG: Nanadya?! Bakit ko naman gagawin yun?!
SAM: Yun ang dapat kong itanong kung anong problema mo!
ENCHONG: Gago ka naman pala! (hinawakan nito ang T-shirt ni Sam akmang susuntukin pero nakita ng Daddy Dennis nila)
DENNIS: Enchong ano yan?! Bakit mo susuntukin ang kapatid mo?
ENCHONG: Sorry Dad…
DENNIS: You say sorry to Sam not to me!
ENCHONG: Dad?!
DENNIS: You say sorry now!
ENCHONG: Dad sino bang anak niyo? Ako or siya?!
DENNIS: Enchong! Huwag mo hintayin na magalit ako sayo!
(Nagbabasa si Devon ng libro ng patakbong pumasok si Yen sa kanilang kwarto)
YEN: Sis! Sina Enchong at Sam muntik ng magsuntukan!
(Agad siyang tumakbo palabas ng kwarto at pinuntahan ang kinaroroonan ng mga ito. Nadatnan nila ni Yen na nagtatalo ang Daddy niya at Mommy ni Sam)
CARMI: Ano na naman ito Sam?!
DENNIS: Look Carmi! Si Enchong ang nagpasimuno ng gulo!
ENCHONG: Dad?
CARMI: No! Not Dennis, itong si Sam marami itong dinadalang problema lately.
SAM: Mom? Anak niyo ba talaga ako?! Bakit kung makapagsalita kayo sa akin parang di niyo ako kadugo?! Ano ba ang mas mahalaga sa inyo? Ako or ang perang kinikita niyo sa akin?! (at isang sampal ang natamo nito buhat sa ina. Silang lahat naman ay hindi makapagsalita)
CARMI: Sam…sorry…(Carmi tried to touch Sam’s face pero umiwas ito)
SAM: Don’t touch me Mom!
(Umalis ito and Devon decided na sundan si Sam. He went directly to his room at pumasok din siya sa loob)
DEVON: Sam? (She saw him punching the wall) stop it…please…
SAM: What are you doing here? Baka makita ka pa nina Mommy…
DEVON: Sam I wanted to stay by your side.
SAM: Nasasabi mo lang yan dahil malayo sila sa atin.
DEVON: Sam please..don’t make things so hard for me. Nasasaktan na ako…
SAM: At anong akala mo hindi ako nasasaktan?!
DEVON: Hindi pa talaga ako handang sabihin ang totoo kina Daddy.
SAM: Ok lang naman yun sa akin Devz pero nilagay mo ako sa alanganing sitwasyon. Paano ko pakikitunguhan si Yen? Sabihin mo kung paano?!
DEVON: Pero bakit nakipagdate ka pa rin sa kanya kanina? Alam mo naman na sinabi ko lang yun dahil…
SAM: Dahil you wanted to save yourself…
DEVON: Sam it’s not like that….
SAM: Alam mo bang ginagawa ko ang lahat para ipaglaban at huwag ka mahirapan sa sitwasyon but you’re taking my sacrifice for granted.
DEVON: Bakit mo ba nasasabi ang mga bagay na yan?! Alam mo naman na mahal na mahal kita. (umiyak na talaga siya)
SAM: Mahal mo ako pero di mo naman kayang ipaglaban yung nararamdaman mo sa akin. Ikaw na rin mismo ang gumagawa sa sarili mong closet girlfriend ko.
DEVON: Sam please understand. I’m not ready to tell them the truth. Ayaw kong masira ang career mo at ang trust nila sa atin.
SAM: Matagal na nating sinira ang trust nila Devz alam mo yan.
DEVON: Handa akong maging closet girlfriend mo hindi lang masira ang career mo.
SAM: Yun ba ang tingin mo? Mas mahalaga pa ang career ko kesa sayo? Ang babaw mo Devz! Akala ko pa naman kilala mo na ako pero hindi pa pala. Alam mo bang kaya kung iwan lahat para lang sayo?! (He walked away from her and now she knows how much Sam loves her, and knowing that fact made her cry evens more)
(Hindi naman sila naghiwalay ni Sam pero di sila nagpapansinan nito. She knew she has to say sorry pero mukhang umiiwas si Sam sa kanya. He sometimes saw her with Yen at sobrang nasasaktan siya. One day, he was sitting alone on the bench. She sat beside him. Nakakabingi ang katahimikan sa pagitan nila pero binasag na nya)
DEVON: Ano na ba tayo? Tayo pa ba?
SAM: Nahihirapan ka na ba?
(Sa narinig nyang sinabi ni Sam ay parang may pumiga sa puso niya)
DEVON: Paano kung sabihin kung Oo, makikipaghiwalay ba sa akin?
(She looked at him at nagyuko si Sam)
SAM: Siguro masyado pa talaga tayong bata sa mga bagay na ito.
(It’s clear to her na nakikipaghiwalay na nga ito)
DEVON: Tama ka. (silence between them before nagsalita ulit si Sam)
SAM: Kaya kong talikuran lahat Devz, ikaw kaya mo ba?
(He reached and held her hands)
DEVON: What do you mean?
SAM: Magtanan tayo!
(Without thinking ay sinabi niya dito)
DEVON: No! (She saw pain in his eyes at binitiwan nito ang kanyang kamay)
SAM: Then…
DEVON: I know…you don’t have to say…(Tumayo na siya, at patakbong umiiyak. Samantalang si Sam naman ay naiwang napayuko.)
(Gabi na bago umuwi si Devon, tumawag nalang siya na may tatapusin na paperwork. She didn’t wanna go home with swelling eyes. Pagkarating sa kanilang bahay ay mukhang may mga bisita kaya medyo curious siya. Pagkapasok sa loob ay nasilayan niya ang isang Western about 40’s na lalaki. And to her surprised! She saw her mother, after 10 years. Agad itong lumapit at naghug sa kanya pero wala siyang naramdaman. Her Mom Cleo was talking about her life outside the country but she’s not interested dahil ang isip niya ay nasa kay Sam. She hadn’t seen her since she came back home. When they had dinner, missing ito but she didn’t ask dahil alam niyang umiiwas ito sa kanya. Right after the dinner ay nasa living room sila except Enchong and Yen .Kanina pa napapansin ni Devon ang kaswitan ng kanyang Mom Cleo at ng western guy pero di sya nagtanong. Hindi pa rin natatapos sa pagkukwento ang kanyang Mom, wla talaga siyang gana makinig hanggat sinabi nito)
CLEO: Anyway Baby Devz, one of the reasons kung kaya ako bumalik dito ay to personally tell you that I’m getting married with Mike! (Yun ang name ng Western, tama talaga ang hinala niya na may namamagitan sa Mom niya at sa lalaking kasama nito. )
DEVON: Yun lang ba ang dahilan kung bakit kayo bumalik dito? Sana hindi na kayo nag-abala pa, andito naman sina Daddy at Tita Carmi.
CLEO: But you’re my daughter kaya ko ito sinasabi sayo.
DEVON: Daughter? Kailan niyo pa ako naging anak? I was six when you left and now you’re here just to tell me that you gonna get married! What matters to you, is just your own happiness! Kaya wla kang karapatan na tawagin akong anak dahil ni minsan hindi kayo naging ina sa akin!
(Natahimik ang lahat sa sinabi niya, wala ni isa man lang ang nagsalita. Nakita niya na namutla ang kanyang ina. Nabasag ang katahimikan ng may isang binatilyo ang pumasok at may dalang mga inumin)
BINATILYO: Am I late for the party? Why everybody seem to be so silent?!
(Mas lalong nag-init ang ulo niya sa nakitang masayang mukhan nito. Kaya naman napagpasyahan niyang umalis nalang. Bago pa man siya nakalayo ay narinig niya ang pagtawag ng Mom Cleo niya sa pangalan ng binatilyo)
CLEO: Sorry for what my daughter had acted James.
OMG!!! James is here! Naku magiging mahirap na naman ito para kay sam 4 sure.....
TumugonBurahin