CHAPTER 7
YEN: Devz…super excited na talaga ako makarating sa inyo! I mean sa bahay ng Dad mo (they were on the way papunta sa bahay nang Dad nya, Enchong picked them up)
ENCHONG: Hindi ka naman masyadong halata mas excited ka pa yata kesa sa kapatid ko…
YEN: Syempre naman! masisilayan ko ulit ang gwapong pagmumukhan ni SamC.
DEVON: Hay naku Yen! (but she’s very much excited dahil after 4 months of waiting ay magkikita na ulit ni Sam. She misses him so much. She felt asleep at namalayan nalang nya na nakarating na sila dahil niyugyog sya ni Enchong)
ENCHONG: We’re here…
(Bumaba na sila ng sasakyan at nakita ni Devon ang kanyang Daddy with her Tita Carmi ang ina nina Enchong at Sam. Agad lumapit at yumakap ang mga ito sa kanya pati na rink ay Yen)
CARMI: Welcome home girls! I’m so happy na narito na kayo…
(her eyes were searching for Sam pero di nya ito makita, napansin yata siya ni Enchong at bumulong ito sa kanya)
ENCHONG: Sam is having a rehearsal today..makikita mo rin sya mamaya.
(nainis sya sa kapatid at hinampas nya ito)
DENNIS: Enchong stop teasing your sister…
ENCHONG: Hindi Dad hah…
CARMI: Hali na kayo girls..Sasamahan ko kayo sa room nyong dalawa…Enchong pakitulungan mo silang dalhin ang gamit sa kwarto.
ENCHONG: Mom naman?! may pupuntahan pa ako…
CARMI: Di ka aalis hanggat di ka nakakatulong sa amin…you get me?!
ENCHONG: Sige na nga!
(Devon and Yen were amazed pagkakita sa kanilang kwarto. They would stay in one room but there were two beds, complete set of appliances. May fridge din sa loob, rest room, big size mirror, couch and study table)
DENNIS: Ok nab a itong kwarto?
DEVON: This is beautiful Dad..Kung malaki yung kwarto ko sa bahay, this is 3 or 4 times bigger….
YEN: Oo nga Tito! Ganda talaga!
CARMI: This one door here is for the closet. You open this and put your things, may mirror na rin sa loob para di na kayo mahirapan pag nagpalit ng damit.
(Binuksan nila ni Yen ang door and they saw it’s really wide, and there’s another one whole body size mirror and shoe racks.)
CARMI: Do you like it?
DEVON: Tita this so much!
CARMI: Don’t mention it hija..Sige ayusin nyo na ang gamit nyo and after you’ll go shopping with me..OK?
YEN: Talaga po?!
CARMI: Yeah! Kailangan ko lang ayusan itong kaibigan mo Yen… she’s already beautiful but need ko lang sya bilhan ng mga pandalagang damit like you.
DEVON: Tita nagsusuot naman po ako ng dress but hindi nga lang madalas.
CARMI: Kaya nga bibilhan kita ng marami para madalas ka ng magsuot.
DENNIS: Carmi basta huwag lang masyadong daring para sa baby ko…ayaw ko pang magkaboyfriend yan.
ENCHONG: Tama! Dadaan pa sa mga kamay ko ang mga manliligaw mo! (ipinakita pa nito ang braso sa kanya at biglaan tuloy syang kinabahan sa kanila ni Sam)
CARMI: Tinatakot nyo namang masyado si Devon…huwag mong pansinin ang mga yan hija… Ok lang may manligaw pero huwag muna boyfriend, pahirapan mo muna ng kaunti para naman malaman mo kung totoo yung feelings.
(di sya makapagsalita)
YEN: Tama Tita! Daming manliligaw ni Devon sa school dati pero give up na lahat dahil pinapahirapan nya ng husto!
ENCHONG: That’s good! Ngayong andito ka na, di ko hahayaang may manligaw sayo without my permission. Kapag nagkamali yang mga boylets nay an, babatukan namin yan ni Sam.
DEVON: Hah?...bakit…pati si Sam?...di ko naman yun kapatid…
CARMI: Ano ka ba naman hija… kahit iba yung ina mo at iba ang ama ni Sam, magkapatid na rin kayo nun! Tingnan mo hah?! Kami ni Daddy Dennis mo ang legally married. I committed mistakes at nainvolve sa ibang lalaki kaya isinilang si Sam, tapos yung Dad mo naman committed the same mistakes with your Mom kaya ka isinilang. But then, your Dad and I forgave each other and saved our marriage. Kaya you and Sam matatawag na rin na magkapatid not biologically nga lang…
DENNIS: Your Tita Carmi is right iha..kaya pag may manligaw man sayo dadaan muna sa aming tatlo nina Enchong at Sam.
DEVON’S POV: Oh my God?! Paano na pag nalaman nila ang tungkol sa amin ni Sam?! Patay kami nito!
(They went shopping at binilhan sya ng kanyang Tita Carmi ng maraming damit pati na rin si Yen. Afterwards, they also went to the hair shop…pinaayos nito ang kanyang buhok. Nag-insist ang kanyang Tita Carmi na isuot ang isa sa damit na binili nito. It’s below the knee silky dress na saktong-sakto lang ang fit sa kanya. She thought na uuwi na sila pero her Tita Carmi told her that they’re gonna drop by sa studio kung saan nagrerehearse si Sam. She wasn’t ready to see him again pero wala na syang nagawa baka mahalata pa sya at ang kanyang kaibigan na si Yen ay excited na excited kaya sumang-ayon nalang siya sa dalawa. Nang makapasok sila sa loob ng studio agad kumuha ng kanyang atensyon ang nagsasayaw na si Sam, nang lumingon ito..their eyes meet. He smiled at her, agad itong tumigil at lumapit sa kanila)
SAM: Devz??!!! (he hugged her tight infront of his Mom and friends. Napukaw ang atensyon nya ng may magsalita sa likod ni Sam. Para naman itong natauhan at agad kumalas sa kanya)
AARON: A beautiful and young lady? Mind to introduce us to her? (Sam saw how Aaron looked at Devon at hindi nya yun nagustuhan)
CARMI: Opps! Aaron..behave! I’m here!
AARON: Sorry Tita Carmi… (parang napahiya naman si Aaron)
SAM: Guys, these are Devon and Yen…Dev, Yen…meet Aaron, Alex, Cheska and Julia…(nakita ni Devon na agad tumaas ang kilay ni Cheska)
JULIA: Are they related to you Sam?
SAM: Hah?....Yen is Devon’s bestfriend and Devon is…
(hindi na ipagpatuloy ni Sam ang sasabihin dahil nagsalita ang kanyang Mommy)
CARMI: Sam’s sister…!
(nagulat naman si Devon sa sinabi ng kanyang Tita Carmi, she also saw that Sam was surprised)
CHESKA: Sister? I didn’t know na may iba ka pa palang kapatid aside from Enchong.
CARMI: Well it’s a long story Cheska dear…
AARON: Anyway, you look pretty Devz..dahil kapatid ka ni Sam. You can hang-out with us anytime.
DEVON: Hah? Talaga?!
ALEX: Sure!
YEN: How about me?!
AARON: Join ka na rin…
CARMI: But with my permission…
SAM: Mom?!
CARMI: Malapit na ba kayong matapos? Hihintayin ka nalang namin at sabay tayong umuwi..ok? (tumango nalang si Sam dahil baka umandar ang pagiging maldita ng kanyang Mommy)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento