CHAPTE 13
(Inis na inis si Cheska pagkakita kina Sam at Devon. Agad naman lumapit si Enchong na nag-aalala)
ENCHONG: Anong nangyari?
DEVON: Natalisod ako kuya…(inalalayan sya ng kapatid na makababa)
ENCHONG: Tingnan nga natin…Namumula ang paa mo…wait my first aid akong dala! Sam pakikuha dun sa bag ko…
SAM: Cge…
(Agad tumalima si Sam at bumalik din ito agad. Matapos mabigyan ng first aid ang kanyang paa ay nagpatuloy naman ang iba sa ginagawa. Nakikita nya ang masamang tingin na pinupukol ni Cheska sa kanya)
YEN: Sis parang gusto kang kainin ni Cheska ng buhay!
DEVON: Huwag mo na nga syang pansinin!
YEN: Time na para isagawa ang plano ko!
DEVON: Anong plano?!
YEN: Ang landiin si Sam at inisin si Cheska! Wait! Stay here and watch me!
(hindi na sya hinintay ni Yen na magsalita, lumapit na ito kay Sam. She saw Yen na biglang hinawakan ang braso ni Sam at kahit alam nyang pakana lang ito ni Yen para inisin si Cheska di pa rin nya maiwasang magselos. She saw Cheska came closer to Sam and Yen at naririnig nya ang usapan ng mga ito)
CHESKA: Stop it! Stop flirting with him!
YEN: Flirting?! Why should I do that?!
SAM: Tumigil nga kayong dalawa! Mabuti pa tulungan nyo nalang sina Aaron dun na magluto!
CHESKA: Sam can’t you see it?! Nilalandi ka ng babaeng yan!
SAM: Cheska stop it!
YEN: Bakit ganyan ka kung magreact?! Boyfriend mo ba si Sam?! Sa pagkakaalam ko you’re just friends! (natawa naman si Devon sa nakitang pamumula ni Cheska. She knew na galit na galit na ito)
SAM: Kung gusto nyo mag-away dalawa, lumayo kayo sa akin. Magsabunutan kayo dun!
(tinuro ni Sam ang ilog. She saw him left them at lumapit ito sa kanya. Nakita nya na sinundan ng mga ito ng tingin si Sam habang palapit ito sa kanya. Sam sat beside her)
SAM: Grabe! Ang init ng ulo ng dalawa!
(she just smiled)
SAM: Bakit ka ngumingiti dyan?
DEVON: Wala lang..pinag-aagwan ka kasi nila…(bumulong ito sa kanya dahil alam nyang maririnig lang ito nina Cheska at Yen)
SAM: Pinag-aagawan nila ako pero pagmamay-ari mo naman ang puso ko!
(kinurot nya ito sa tagiliran at kitang-kita nya ang pagkunot ng noo nina Cheska at Yen. Natauhan tuloy siya tsaka bigla ng lumapit si Aaron sa kanila)
AARON: Sweet nyo namang magkapatid!
SAM: Nagkakatuwaan lang bhraww…
AARON: Iba din naman kayo kung magkatuwaan parang jumujowa lang…
DEVON: Ikaw talaga Aaron…
(bigla namang tawag ni Julia sa kanila, sinabi nitong luto na ang hapunan. Nabigla naman sya dahil binuhat sya ni Sam papunta sa mga ito. She saw na medyo nag-iba ang timpla ng mukha ng kanyang kuya Enchong at ang Cheska ay inis pa rin. Samantalang sina Alex, Julia, Yen at Aaron ay parang wala lang sa mga ito ang nakita na eksena. Bigla syang inabutan ng rice ni Alex na bigla rin namang inagaw ni Sam at inabot sa kanya.)
SAM: Be careful mainit pa yan…
DEVON: Hah?...ok…
(wala ng nagsalita at nagpatuloy sila sa pagkain. Pagkatapos kumain ay napagpasyahan nila na pumasok muna sa tent at magbobonding ulit after few minutes. She was alone in the tent dahil gusto ni Yen na maglaro sa ilog. Biglang pumasok sa loob ang kanyang kuya Enchong)
ENCHONG: You ok?
DEVON: Medyo nawawala na yung sakit Kuya…
ENCHONG: Devz, may itatanong ako at sana sagutin mo ako ng maayos..
(kinabahan sya sa tono pa lang ng pagsasalita ng kanyang kapatid)
DEVON: Ano yun Kuya?
ENCHONG: May namamagitan na ba sa inyo ni Sam?
DEVON: Kuya anong klaseng tanong ba yan? (kinakabahan talaga sya ng husto)
ENCHONG: Tell me the truth Devz..iba ang kinikilos nyo nitong mga nagdaang araw, I feel there’s something.
DEVON: Kuya..please huwag mong bigyan ng kahulugan ang nakikita mo…
ENCHONG: Devz…sana nga di ka nagsisinungaling sa akin gaya ng pagsisinungaling ni Sam.
(nagulat naman sila ng biglang pumasok si Sam sa tent at gulat din ito pagkakita kay Enchong pero agad din namang nakabawi)
SAM: Bro! andito ka pala…Devz, have you seen Yen? Magsisimula na raw tayong magcampfire. She has the match kasi…(pagsisinungaling ni Sam, si Devon naman talaga ang ipinunta nya at hindi si Yen. Just an alibi para makalusot kay Enchong dahil naghihinala ang mukha nito)
DEVON: Andun sa may ilog…
SAM: Ganun ba? pupuntahan ko muna…
ENCHONG: I’ll get it from Yen, kaw na bahalang umalalay kay Devon mukhang bumibigat kasi yan…
DEVON: Grabe ka naman Kuya! Ano akala mo sa akin mataba?!
ENCHONG: Joke lang! ikaw naman di na mabiro, ang sexy mo kaya! Sige puntahan ko muna si Yen…(umalis na si Enchong at nahalata ni Devon na kabado si Sam)
DEVON: May problema ba?!
SAM: I just told him that Yen has the match kasi wala na akong maisip…
DEVON: Ano?! Paano yan kukunin nya yun kay Yen? Who got the match ba?
SAM: Ewan..Aaron and Alex don’t have it.
DEVON: Naloko na! naghihinala pa naman si Kuya…
SAM: Don’t worry..hinding-hindi nila malalaman ang tungkol sa atin…
DEVON: Sana nga Sam…(he held her hands at napanatag ang kalooban nya.)
(Samantalang pinuntahan naman ni Enchong si Yen sa may ilog)
ENCHONG: Give me the match!!!
YEN: Wow! Paano mo nalaman na sa akin ang match! Lumayo pa naman ako para itago…
ENCHONG: Sam told me that you have it…
YEN: Ibig sabihin palihim akong minamasdan ni Sam?! Hehe!
ENCHONG: Huh…ibigay mo na sa akin ang dami mo pang salita. Hinahanap na yan nina Aaron, dali!
(Yen handed him the match at iniwan na nya ito)
ENCHONG’S POV: Akala ko alibi lang yun ni Sam para di ko sila mahuli ni Devon pero mukhang nagkamali yata ako, masyado lang akong mapaghinala sa mga kapatid ko. I think I should believe them na wala talagang namamagitan sa kanilang dalawa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento