CHAPTER 9
(Nang makarating sila sa school at nakababa sa sasakyan. Napansin agad ni Devon na panay ang titig ng mga girls kay Sam at nagbulung-bulungan pa ang mga ito. Biglaan namang sinalubong si Enchong ng mga kaibigan nito at ipinakilala silang dalawa ni Yen. Napansin agad ni Sam na panay ang sulyap ng isa sa kaibigan ni Enchong kay Devon at agad nag-init ang ulo nya. Napansin din naman ni Enchong na mukhang natamaan ang isa nyang kaibigan sa kanyang kapatid kaya inilayo nya agad ang mga ito. He’s an overprotective brother, ayaw nyang mag bf ang kanyang sister. Nagpaalam sya sa tatlo, at hinabilin na mag-inquire ang mga ito sa registrar office. Nang makalayo si Enchong)
YEN: Galing naman ng kapatid nyo iniwan tayo sa ere!
DEVON: Di naman ganun…
SAM: Sa university ko nalang kayo mag-aral, hindi ko gusto ang mga tao dito.
YEN: Bakit naman?! ang dami kayang gwapo dito. Diba Devz?!
SAM: Mas maraming gwapo sa Universty ko kaya doon nalang kayo!
DEVON: Pero mag-iinquire pa rin kami sa registrar’s office….
YEN: Oo nga!
SAM: Devz?!!! (she felt na galit si Sam pero sinubukan nya itong kontrahin.)
DEVON: Basta! Mag-iinquire pa rin kami! (nakita nalang nya na biglang bumalik sa loob ng sasakyan si Sam at pabalibag na sinara nito ang pinto)
YEN! My God! Ginalit mo yata si Sam…(naworried naman sya sa kanyang ginawa)
DEVON: Minamanduhan nya kasi tayo and I hate it!
YEN: Kausapin mo muna sya sa loob, ako na ang bahalang magpunta ng registrar’s office….
DEVON: Ha? O sige…
(umalis na si Yen at pumasok sya sa loob ng sasakyan. She saw Sam na hindi maipinta ng mukha. Tumabi sya dito)
DEVON: Hoy! Galit ka?!
SAM: At ano naman gusto mong gawin ko?! Matuwa?!
DEVON: Bakit ano ba ang ikinagagalit mo?
SAM: I want you in my University…! (maawtoridad nitong sabi)
DEVON: Ayaw ko ng minamanduhan ako…wala naman sigurong masama if ever dito ako mag-aaral..andito naman si Kuya Enchong. Don’t you trust him? He can watch me here…
SAM: I trust him pero ayaw kong may umaaligid sayo lalo na yung isa nyang kaibigan…
DEVON: Asus! Nagseselos ka lang!
SAM: Hindi hah! Mas gwapo kaya ako dun!
DEVON: Ito nalang para mawala yang selos mode mo! (she kissed him on the cheeks at agad na nag smile si Sam)
SAM: Can I kiss you?! Total tinted naman itong car?
DEVON: Gago! Baka biglaang dumating sina Kuya at Yen at mahuli tayo…
(pero hinila na sya ni Sam at siniil ng halik, wla na syang nagawa kundi tumugon. Agad din naman syang pinakawalan nito)
SAM: You’re making me crazy Devon…(he looked at her intently)
DEVON: Boang! (hinampas nya ito, tsaka biglang bumukas ang pinto ng sasakyan at nahuli sila ni Yen)
YEN: Oh! Ano yan! Devz! Ginawa mo ng punching bag yang si Sam…kawawa naman, namumula na tuloy!
SAM: Delikado itong bestfriend mo Yen! Kaya ilayo mo sya sa akin!
(pinandilatan nya ito at nagwink lang si Sam sa kanya. Tumawa naman si Yen. Pagkalipas ng ilang minuto bumalik na rin si Enchong)
ENCHONG: Pasensya na…medyo natagalan ako..hirap kasi magdahilan sa kanila.
YEN: Hay naku! Akala pa naman namin ikaw yung guide dito, mabuti nalang andito si Sam at hindi kami iniwan…
ENCHONG: Kaya nga humihingi ng pasensya, diba?!
YEN: Whatever! Sa University nalang kami ni Sam mag-aaral …at least dun mababantayan namin si Sam…
DEVON: Yen naman?.....
ENCHONG: I guess mas mabuti ngang doon kayo kasi mukhang may tama talaga kay Baby Devz yung isa kong kaibigan…ayaw ko namang araw-araw maging gwardiya sibil baka hindi na ako makapagdate pag nangyari yun.
SAM: Kaya ano pang hinihintay natin?! Let’s go!
(Hindi na nagsalita si Devz dahil pati ang kuya Enchong nya ay nagdecide na rin. Natatakot talaga sya kapag araw-araw silang magkasama ni Sam baka mahuli at malaman ng mga tao sa paligid nila ang namamagitan sa kanilang dalawa. )
(After 30 minutes, dumating na sila sa University ni Sam. Nagulat pa sila ng biglaang matanaw ang mga kapwa artista na kaibigan ni Sam na sina Aaron at Alex)
AARON: Wow! Looks who’s here?! Magagandang dilag!
ENCHONG: Punta muna ako ng restroom..kanina ko pa pinipigilan ito…
(agad tumakbo si Enchong patungong restroom at may nabangga pa syang babae. When he looked at her and apologized, he noticed it was Julia isa sa kaibigan ni Sam but di na nya itong hinintay na sumagot dahil di na nya mapigilan ang tawag ng kalikasan.)
(Balik naman kina Sam)
ALEX: Dito kayo mag-aaral? That’s great! (focusing his eyes on Devon na agad naman nahalata ni Sam kaya inakbayan nya ang dalaga)
SAM: Dito ko sila gustong mag-aral para mabantayan ko itong kapatid kong si Devon…(muntikan ng mapatawa si Devon sa sinabi ni Sam pero pinigil nya ang sarili)
AARON: Brawww… di ka naman masyadong overprotective…slight lang!
(nakita ni Devon na tumawa si Aaron at parang nairita si Sam)
ALEX: Parang jumojowa lang ang peg mo Sam.
DEVON: Kayo tlaga guys! Huwag nyo na pagtulungan itong gwapo kong brother, tingnan nyo namumula na ito sa galit…
YEN: Yeah! Oo nga…
AARON: Yeah! Di na kami mangungulit Sam baka masapak mo pa kami…
ALEX: Tama! Ayaw kong masapak ng bestfriend ko!
(nagkatawanan sila ng biglang dumating sina Cheska at Julia. Agad napansin ni Devon na nakafocus ang mga mata ni Cheska sa pagkaka-akbay ni Sam sa kanya)
DEVON’S POV: Abah! Type yata ng bruhang ito ang boyfriend ko!
ALEX: Andito rin pala kayong dalawa…
JULIA: Free kasi kami ngayon kaya naisipan naming magdropped dito sa University at tingnan kung may grade na ba sa finals…
AARON: Hindi pa yata nakakasubmit ang ibang prof…
(Nakita ni Devon na tahimik si Cheska. Agad itong lumapit kay Sam at humalik sa pisngi nito na ikinagulat nya pati na rin ng mga kasamahan nila. She heard na nanukso sina Aaron at Alex kay Sam. He looked at her but she tried to pretend na hindi affected sa harap ng mga ito though gusto na nyang sampalin si Cheska sa ginawa nito)
CHESKA: I just missed you Sam kahit kahapon palang tayo huling nagkita!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento