CHAPTER 31
(Hindi alam ni Devon kung paano sasagutin si Cheska. Bigla itong lumapit sa kanya at hinablot ang kanyang kamay)
CHESKA: Show that ring to me!!!
DEVON: Ano ba?!! (umiwas siya kay Cheska at lumayo dito)
CHESKA: Give it to me!! (pero lumapit pa rin ito sa kanya at pilit hinahablot ang ring. Natigil naman ito ng biglang dumating sina Alex at Yen)
ALEX: Cheska stop it! (namutla naman ito sa sinabi ni Alex)
CHESKA: Gusto ko lang naman tingnan yung ring nya.
ALEX: Binalaan ka na ni Sam diba? Sana tandaan mo yun.
(Hindi na nagsalita si Cheska, lumakad ito at pumasok sa yacht)
ALEX: Devz pasensiyahan mo na lang yun. Brat talaga si Cheska.
DEVON: It’s ok…(napansin ni Devon na tahimik at malungkot si Yen)
Sis are you alright?
YEN: Yeah! Tayo na sa loob.
(Pagkapasok nila sa loob ay ang sama pa rin ng tingin ni Cheska kay Devon pero hindi na niya ito pinansin. Si Yen naman ay tahimik lang na nagmamasid sa dagat. Nakita ni Devon na nag-uusap sina Cheska at Julia ngunit binalewala nya ang mga ito)
JULIA: Bakit ang sama ng tingin mo kay Devon?
CHESKA: I saw her wearing the same ring with Sam!
JULIA: Hay naku! Una yung bracelet ang pinuna mo ngayon ang ring na naman!
CHESKA: Iba talaga ang pakiramdam ko sa kanilang dalawa! Gusto kong tirisin ang Devon na yan!
JULIA: Kung may dapat kang tirisin yun ay si Yen, Look!
(Tinuro nito si Yen na nilapitan ni Sam)
CHESKA: That bitch! Humanda sya sa akin mamaya!
(Samantalang sina Sam at Yen naman)
SAM: Are you ok?
YEN: I thought you won’t bother to talk to me.
SAM: Why you think so?
YEN: Gusto mo ba si Devon?
(Sam glanced at Yen seriously, sasabihin na ba niya dito ang totoo? Pero he promised Devon na magpanggap muna. But he also couldn’t afford to tell more lies to Yen. He was about to speak ng biglang lumapit si Enchong)
ENCHONG: Mukhang seryoso ang usapan! Pwedeng umepal?
SAM:Bro, dun ka nga lang sa Julia mo.
YEN: Julia…
SAM: Yeah Julia! Bro diba gf mo na yun?!! (biglang singit naman ni Aaron)
AARON: Tama! Wait, tingnan niyo ito…nakuha ko kanina.
(Pinakita ni Aaron ang kissing picture nina Enchong at Julia)
ENCHONG: Aaron ano ba akin na yang cam mo!
(Tumakbo na si Aaron at hinabol ito ni Enchong para kunin ang camera. Napansin naman ni Sam na tahimik ulit si Yen)
SAM: Do you like Enchong?
YEN: Paano ko naman magugustuhan ang playboy na yun?
SAM: Bakit mabait at gwapo naman ang kapatid kong yun?
YEN: Alam mo naman kung sino ang gusto ko.
(Biglang natahimik si Sam bago sumagot)
SAM: Ako ba talaga ang gusto mo o si Enchong?
(Sabay tayo at iniwan si Yen)
(Ang magandang panahon ay biglang napalitan ng malalaking kulog at kidlat at bumuhos ang malakas na ulan)
JULIA: Oh my God! Natatakot ako! (Yumakap ito kay Enchong)
AARON: Naiinggit ako! Yen payakap naman oh!
(Natawa si Devon ng biglang lumapit si Aaron kay Yen at yumakap talaga dito. Wala namang reaction ang kanyang bestfriend, hinayaan lang nito si Aaron)
ALEX: Ako na ang walang partner dito!
AARON: Pwede naman si Devon…(Nakita ni Devon na tumaas agad ang kilay ni Sam at tawa ng tawa si Aaron)
ALEX: Huwag na baka dila ko lang ang walang latay.
CHESKA: Bakit sino naman ang bubugbog sayo?
ALEX: Nakita mo naman andyan ang mga brothers!
(Napangiti nalang si Devon sa sinabi ni Alex. She saw Sam glancing at her many times kaya medyo naasiwa siya kasi panay din ang sulyap ni Cheska. Nakita niya na tumayo si Yen)
AARON: Where are you going?
YEN: Sa labas.
AARON: Malakas ang ulan baka mabasa ka pa!
(Hindi ito nakinig at lumabas pa rin.)
CHESKA: Gaga! (Ngunit umandar ang pagiging brat nito at sinundan si Cheska)
ALEX: Gaga pero sumunod naman. Mga babae talaga!
(Sa labas ay malakas talaga ang ulan. Nakita ni Cheska na nagpapakabasa si Yen)
CHESKA: Ang galing naman ng acting mo, kunwari magpapakabasa ka para puntahan ka ni Sam dito.
YEN: Pwede ba! iwan mo ako!
CHESKA: Iiwan kita pagkatapos nito! (Itinulak nito si Yen dahilan para malaglag ito sa yacht. Pero sumunod pala sa kanila si Aaron)
AARON: Oh shit!! (nakita ni Aaron na nahihirapan si Yen dahil na rin siguro sa lakas ng alon at madalim pa) Guys! Help!nalaglag si Yen! (Nakita niyang medyo malayo na si Yen kaya tumalon siya. Nakalimutan niya tuloy na hindi siya marunong lumangoy) Help! Help!
(Walang dalawang isip na tumalon si Enchong para iligtas si Yen. Agad naman niya itong nahawakan. Si Sam naman at Alex ay hinagis ang rope kay Aaron.
Nakabalik na si Aaron sa yacht, pero ng hawakan na ni Enchong ang rope ay biglang lumabas ang malaking kidlat dahilan para maputol ito at lumabas ang malaking alon. Nakita ni Devon na unti-unting napapalayo sa kanila sina Enchong at Yen. Panay din ang labas ng malalaking kulog at kidlat. Palakas na palakas ang ulan at palaki ng palaki ang alon. Hanggat tuluyan na niyang di makita ang kapatid at kaibigan. Wala siyang nagawa kundi umiyak, hindi niya alam kung ilang oras na siya umiiyak. Naramdaman nalang niya na may yumakap sa kanya. She knew it’s Sam kaya napahagulhol siya)
DEVON: Sina Kuya Enchong at Yen….
SAM: Shhh…stop crying…don’t worry.
(He needs to be strong for Devon kahit ng mga oras na yun gusto na niyang bumigay. Kapag naging mahina siya, paano na si Devon sa kanya lang ito humuhugot ng lakas. Pero nang yumakap sa kanya ng mahigpit si Devon ay di napigilan ni Sam ang sarili. He silently cried para di sya mapansin ni Devon)
Over!!!! ano kaya ang mangyayari!!!!
TumugonBurahin