CHAPTER 28
(Gumagawa ng Christmas cards si Devon ng biglang lumapit ang kanyang Mommy Cleo. Nakabalik na ito kasama ang kanyang Daddy Dennis, Tita Carmi at ang bagong boyfriend nito na si Mike from a trip)
CLEO: Baby Devz can we talk?
DEVON: For what? (walang gana niyang sagot)
CLEO: Your Tito Mike and I will be going back to Canada three days from now.
DEVON: Galing! Hindi niyo man lang hihintayin ang Christmas!
CLEO: May mga naiwan kasi na Gawain ang Tito Mike mo dun!
DEVON: When was the last time you spent Christmas with me?!
CLEO: Baby Devz please try to understand…we’re preparing for our wedding there kaya dapat na kaming bumalik agad before Christmas, may papers kasi na hindi pa nakokompleto.
DEVON: Ano pa nga bang magagawa ko?! Sarili nyo lang namang kaligayahan ang importante sa inyo?!
(Tatayo na sana siya pero bigla siyang hinawakan ng kanyang ina)
DEVON: Don’t touch me! Don’t ever dare touch me! (nakita niyang nagulat ang kanyang Mommy sa kanyang sinabi. Pinakawalan nito ang kanyang braso at nagsimula na siyang lumakad ng magsalita ulit ang kanyang ina)
CLEO: I’m working on your petition papers…
(Napatigil siya at lumingon dito)
DEVON: What did you say?!
CLEO: Your Dad and I already discuss about this matter. After this semester, kukunin na kita at dun kana sa Canada! (matigas nitong pahayag)
DEVON: At akala niyo papayag ako?!
CLEO: Whether you like it or not! Sasama ka sa akin!
DEVON: How dare you pangunahan ang desisyon ko?!
CLEO: Because I’m your mother!
DEVON: You weren’t! and you’ll never be!
(Bago pa makapagsalita ang kanyang Ina ay iniwan na niya ito. Sobrang sama ng kanyang pakiramdam. She went out from the house na umiiyak. She was surprised naman na nakita niya si Yen na bumaba sa kotse ni Sam bringing flowers. Mukhang nagulat naman si Yen pagkakita sa kanya at agad itong lumapit)
YEN: Sis, are you ok? (may pag-aalala nitong tanong)
(Mukhang mas nasaktan pa siya sa nakitang dala ni Yen na bouquet of red roses. Dali-dali din namang lumapit si Sam sa kanya pagkakita nitong umiiyak siya. Pero bago pa siya nito mahawakan ay umiwas na siya)
DEVON: I’m ok..don’t bother!
(Nakita niya namang dumating si James at agad siyang lumapit dito)
DEVON: James and I will have something to talk…
(Nakita niyang nalito si James at nag-aapoy sa galit ang mata ni Sam. Agad siyang pumasok sa kotse ni James at sumunod naman agad ito sa kanya)
JAMES: Hey! What’s the matter?! We have nothing to talk!
DEVON: Start the engine!
JAMES: I’m not your driver!
DEVON: Start it or sasabihin ko sa Daddy mo na may dinedate kang ibat-ibang bikini girls!
JAMES: Ok! Ok! I’ll start it now!
(She looked at the rearview mirror and saw Sam na napasipa sa gulong ng kotse nito. Alam naman niyang di siya dapat magselos sa pagiging sweet ni Sam kay Yen dahil yun ang gusto niya. But she can’t help it, masakit pala talaga. Malayo-layo na rin ang tinatakbo ng sasakyan ng magsalita si James)
JAMES: Hey! Would you mind telling me kung ano ang nangyayari?
DEVON: I hate my Mom! (Gusto sana niyang sabihin na mas nasasaktan siya sa ginawa ni Sam pero di na niya itinuloy)
JAMES: Because she’s getting married with my Dad? Ayaw mo nun?! Magkakaroon ka ng gwapo at mestizong kapatid?
DEVON: Shut up! Will you?! I hate her because she was never been a mother to me!
JAMES: Alam ko naman yun. She never wishes to bear a child out of wedlock kaya naging cold siya sayo at lumayo. But now, she wanna make things up.
Why don’t you give her a chance?
DEVON: You didn’t know, how I feel whenever I see my friends with their parents. 10 Christmas, New Years and Birthdays na di ko siya nakasama!
JAMES: My Mom died ng ipinanganak niya ako. I never felt how it is being loved by a mother kaya nga I’m happy for you na andyan pa ang Mom mo. It’s not late pa naman para ayusin ang lahat.
(She saw James na medyo nalungkot, siguro naalala nito ang ina)
DEVON: I’m sorry…
JAMES: It’s ok… isipin mo nalang yong sinabi ko.
(She started to open up her life to James except nalang ang tungkol sa kanila ni Sam. She discovered na hindi naman pala mayabang si James gaya ng first impression niya dito. Medyo nawala ang bigat na kanyang naramdaman dahil na rin sa mga advice nito. Nagkwento din naman si James sa buhay nito sa Canada. How many girls he had dated at paano ito unang na heart break sa isang babae. Napatawa talaga siya ng sabihin nito na umiyak ito ng husto ng makarma at mapaibig sa isang play girl na babae. James admitted na likas itong playboy. )
JAMES: Alam mo kung hindi ka lang anak ni Tita Cleo malamang naging biktima na rin kita! (banat nito ng papasok na sila sa loob ng bahay)
DEVON: Kapal mo! Akala mo naman papatol ako sayo!
JAMES: I’m a hunk kaya isang kalabit ko lang magkakandarapa na ang mga babae sa akin!
DEVON: Masyado yatang malakas ang hangin dito! (nahampas niya ito, tsaka naman nakarinig sila ng may tumikhim sa likuran nila)
JAMES: Ohh Sam!! Ikaw pala!
SAM: Mukhang nagkakasiyahan kayong dalawa!
JAMES: We just had a little talk… Paano ba Devz, pasok muna ako sa kwarto. Sam, maiwan ko muna kayo.
(Tumango siya, nang makalayo si James ay bigla siyang hinatak ng malakas ni Sam at hinila papasok sa kwarto nito. Nang makarating sa loob ay agad siyang binitiwan at itinulak sa kama kaya napasubsob siya)
DEVON: Ano bang problema mo?!!
SAM: Anong problema?! Bakit bigla kang umalis kasama si James pagkakita sa amin ni Yen?!
DEVON: Eh sa nagseselos ako!
SAM: Cut that crap! Di ba yun ang gusto mo na magpanggap ako kay Yen?! Tapos ngayon magseselos ka! At sumama ka pa kay James?!
(Tumayo siya at yumakap kay Sam)
DEVON: Look..I’m sorry, di ko lang nakontrol ang sarili ko. Promise di na ako magseselos kay Yen at di na rin ako sasama kay James.
SAM: Talagang di na! dahil after this semester ay lalayo na tayo dito!
DEVON: Ano?!! Pero…
SAM: I’ve already decided Devz, gusto ko magsama na tayo!
DEVON: Sam?
SAM: Buo na ang desisyon ko huwag ka ng kumontra!
DEVON: You’re being too possessive!
SAM: Yes I am! At ayaw ko may ni isang lalaki man lang ang humawak sayo!
(Hindi nalang siya nagsalita baka mag-away na naman sila ni Sam. But she knew his serious kaya kinakabahan siya sa maaaring mangyari. She doesn’t want to go to Canada with her Mom pero ayaw naman niyang magsama sila ni Sam sa mura nilang edad. She’s not yet ready sa maaaring mangyari in the future)
WOW! ang lakas ng impact ng mga pangyayari! Intense
TumugonBurahin