CHAPTER 22
YEN: Anong nangyari dun kay Devon bakit yun tumakbo pagkakita sa amin?
(Sam couldn’t control himself but smiled)
SAM: We just played chess and I painted her face.
YEN: Natalo sya diba?
SAM: Right!
YEN: Kahit kailan hindi na talaga yun natuto pagdating sa chess. Hahay!
(But Sam’s attention is with Phytos now)
SAM: Why are you here? (He seriously asked at agad napansin ni Yen ang medyo galit na tono ng boses ni Sam)
PHYTOS: Yen told me na may lagnat si Devon kaya dumaan ako dito.
SAM: Ha?...(agad naman nag sink in sa isip ni Sam na gumawa ng alibi si Yen para pagtakpan sila ni Devon) Yeah! She has fever but she’s ok now.
PHYTOS: Can I talk to her?
SAM’S POV: Hindi pwede!
YEN: Andito na pala si Devon. Sige maiwan ko muna kayo, palit muna ako.
(Devon gave Phytos a sweet smile at umusok talaga ang ilong ni Sam pero hindi sya nagpahalata. Infact, nag-excuse kunwari sya para makapag-usap ang dalawa. He seated few steps away from them kaya dinig na dinig pa rin nya ang usapan ng mga ito)
PHYTOS: You ok now Devz? Sabi ni Yen may sakit ka kaya dumaan ako dito.
DEVON: Ha? Yeah! I feel better now.
PHYTOS: Ito nga pala. I photocopied our lecture today, just study those kasi may test tayo bukas.
(Natouched naman si Devon sa sinabi ni Phytos. He’s always been nice to her kaya naman she decided na sabihin nalang dito na huwag na umasa at maghanap nalang nang ibang babae. She touched his hands para sabihin na sana na wala itong maasahan sa kanya ng biglang sumalubong sa kanyang paningin ang nag-aapoy na mata ni Sam. Naka-laser eyes pala ito sa kanila kanina pa)
SAM: He can go home now!
DEVON: What?! (She saw his eyes looking at her hands na nakahawak sa kamay ni Phytos so she knew right then na nagseselos na naman ito)
SAM: You’ll let him go or mag-eeskandalo ako dito!
PHYTOS: Pare, wala naman kaming ginagawa. Nag-uusap lang kami.
SAM: I’m just protecting Devon.
PHYTOS: Protecting or Possessing her?
SAM: Both! (Devon realized na nagiging obvious na naman si Sam kaya bago pa makahalata si Phytos ay nagsalita na sya)
DEVON: Sam stop acting like my brother! ‘cause you know we’re not! (She’s trying to act infront of Phytos na nagkakaganun si Sam dahil iniisip nitong magkapatid sila. He looked at her seriously at bumulong ito)
SAM: And you know what we really are kaya bago ko pa basagin ang pagmumukha ng lalaking yan palayasin mo na siya dito! (Hinawakan nito ang braso nya nang mariin tsaka ito umalis at iniwan sila ni Phytos.)
DEVON: Phytos mas makabubuti sigurong umalis ka muna kasi baka magsumbong sya kay Kuya Enchong at malagot pa ako. (Phytos looked unconvinced pero tumango at umalis na rin ito. She went directly to her room na nagpupuyos ng galit. Agad syang sumigaw at ibinaon ang mukha sa unan)
YEN: Sis are you ok? Para kang timang!
DEVON: I hate Sam! He’s being too childish!
YEN: At bakit naman? may kailangan ka pang ipaliwanag sa akin baka nakalimutan mo.
DEVON: Ipaliwanag? Ano naman yun?
YEN: Bigla nyo kaya akong iniwan kanina sa University pagkatapos ng shocking na pagsampal ni SamC kay Cheska! Grabe sis! Di ko kinaya! I mean di talaga ako makahinga sa nakita ko!
DEVON: He dragged me because he wanted somebody to talk pagkatapos ng ginawa nya. (pagsisinungaling nya)
YEN: Sis are you sure? Baka kasi may something na kayo ni Samuel di mo lang sinasabi sa akin. Ano ha? Meron na ba?
(Although she really wanted to tell her bestfriend the truth but she really has to keep it. Sam already told her that Alex knew the truth and that’s enough. Ayaw nyang dumami pa ang mga taong nakakaalam sa tunay na estado nila ni Sam)
DEVON: Inaamin ko crush ko nga siya pero maging kami? Are you ok sis?!
YEN: Sana nga hindi ka nagsisinungaling sa akin Devz.
DEVON: Hay naku Yen! Huwag ka na ngang magduda dyan. (She hugged her bestfriend and felt guilty for telling lies)
(Dahil sa pagiging unreasonable na pagseselos ni Sam di na naman sila nagpapansinan. One Sunday afternoon, walang magawa sina Devon at Yen sa bahay kaya nanood nalang sila ng musical variety show sa NBC Network kung saan regulars sina Sam, Aaron, Alex, Julia at Cheska. Pagkabukas palang sa TV mukha na nina Sam, Alex at Aaron ang nasilayan nina Devon at Yen. Ang tatlo yata ang hosts. Devon didn’t focus on watching pero nakikinig naman sya)
AARON: And now back to the show!
ALEX: Napanood nyo yung prod ni Julia kanina? Ang hot niya! (Devon heard that her bestfriend gave a side comment)
YEN: Hot daw! Ano yun mantika! (napatawa tuloy siya sa sinabi ni Yen at nagpatuloy sa pakikinig sa TV dahil may tinitingnan syang photos sa album. Narinig nyang nagsalita si Sam)
SAM: Why Alex? Are you attracted to Julia?
ALEX: Dude, I’m attracted to another girl.
AARON: Wait…and who’s this another girl?
ALEX: Yung girl ni Sam. (Nabitiwan ni Devon ang hawak na album at nagfocus sa TV. Si Yen sa kanyang tabi ay na speechless yata at kitang-kita niya na tumaas ang kilay ni Sam sa sinabi ni Alex)
DEVON’S POV: Shitt! Mukhang hindi yun part sa script! Nanlalaglag yata ang Alex.
(She heard Aaron spoke)
AARON: Teka ako na ba ang huli dito? Sam’s girl? Sino yan Sam ha?
SAM: She’s the only girl na tinitibok ng puso ko. (Sam smiled at kinabahan sya ng bonggang-bongga sa sinabi nito.)
AARON: The who is that girl brawwhh?
ALEX: Back to the show Dude! May nagpapatibok sa puso ni Sam dahil sa “Only Girl” na new show ni Kim Chiu. Narinig mo na ba yung “Only Girl” balita ko kasi maganda ang story nun. (Nagpatuloy na sa paghohost ang tatlo pero iba na ang pakiramdam ni Devon, bigla namang nagsalita si Yen sa kanyang tabi)
YEN: Akala ko totoo na yung sinabi ni Sam tungkol lang pala sa new show ni Kim Chiu. Naloko ako dun ha!
(Nagpaalam sya kay Yen na matutulog muna dahil inaantok siya. Nagising si Devon sa galit na boses ng kanyang Tita Carmi)
DEVON: Sis, anong nangyayari?
YEN: Sis, yung tungkol dun sa sinabi ni Sam kanina wala pala yun sa script kaya galit na galit si Tita Carmi.
(Agad na lumabas si Devon sa kwarto, sumunod naman si Yen sa kanya. Nasa may hagdanan sila, dinig na dinig at kitang-kita nila ang galit na galit na Mommy ni Sam. Nasa living room ang mga ito with Enchong)
CARMI: What the hell is that Sam?! Alam mo bang may isang staff dun ang naglabas at nagkalat ng issue na hindi yun part ng script
SAM: Mom, why make it a big deal?
CARMI: It’s really a big deal Sam! ?! Paano kung lumaki ang issue ha?!
SAM: Then I’ll tell the media kung sino yung girl para matapos ang issue!
(Kinabahan talaga siya sa isinagot ni Sam. Nakita nyang napatingin sa kanila ni Yen ang kanyang Kuya Enchong na nakikinig lang sa pagtatalo nina Sam at Mommy nito)
CARMI: Now tell me! Sino ang girl na tinutukoy mo?
SAM: It’s my private life Mom kaya please..huwag niyo mo ng pang himasukan.
CARMI: Are you going to tell me or ipapuputol ko lahat ng accounts mo?!
(Devon felt na seryoso ang Mommy ni Sam. He saw him looked up and stared at her kaya lalo siyang kinabahan na sasabihin na nito ang totoo)
CARMI: Tell me who that girl is!!!
(Carmi angrily asked. Devon saw Sam began to utter but before he could speak up ay nakialam siya)
DEVON: Tita Carmi…Sam likes Yen…(When she looked at Sam she saw his eyes on fire and walked away)
DEVON!!! BAKIT???
TumugonBurahin