Biyernes, Abril 6, 2012

Break the Rules or Not? (Chapter 23)

CHAPTER 23

(Hindi dinalaw ng antok si Enrique sa natuklasang katotohanan buhat kay Devon. Ipinagtapat ng babae sa kanya ang lahat. Kung paano ito nagkakilala at si Sam at kung paano humantong sa kasalan ang lahat. Ngayong alam na niya ang lahat, tutulungan ba niya si Devon sa gusto nitong annulment kay Sam? At ipagtatapat ba niya kay Don Manuel ang lahat? Hindi niya alam kung ano ang dapat gawin.Mahirap maipit sa isang sitwasyon kung saan kasali ang mga taong mahahalaga sa kanyang buhay.
Kinabukasan tumawag si Don Manuel sa kanya at sinabi na inimbita nito sina Sam at Devon na magdinner sa mansion. Mukhang nananadya ang tadhana. Kinagabihan nga dumating ang SamVon sa mansion ni Don Manuel. Sobrang namangha si Devon sa nakita. Ayaw sana niyang sumama ngunit nagpumilit si Sam. Mismong si Sam ayaw pumunta sa Mansion ngunit ng magsabi ang kanyang Lolo na pakikialaman nito ang Wired Bar na kanyang tinutugtugan kaya napilitan siya. He knows his Grandfather,wala itong gusto na hindi na susunod kaya kahit labag sa kanyang kalooban ay pumunta siya sa mansion. Kitang-kita ni Sam na amazed si Devon sa nakikitang kagandahan ng paligid)
SAM: Don’t be so amazed!!!
(Ngunit di siya pinansin ng babae. Abala pa rin ito sa pagtingin sa paligid at sadyang dinedma lang talaga siya. Alam niyang napilitan lang itong sumama sa kanya. Nainis si Sam dahil parang hindi siya nag-eexist sa paningin ni Devon kaya naman bigla niya itong inakbayan)
DEVON: Ano bang ginagawa mo?! (pilit niyang itinulak si Sam ngunit malakas lalaki kaya di niya matinag)
SAM: Grandpa won’t be happy to see us kapag hindi tayo close.
(Naisip ni Devon nga may point nga naman si Sam)
DEVON: Alam mo nakuha mo na naman ang gusto mo. Hindi bininta ng Grandpa mo ang University kaya naman mas mabuti pa siguro na…
(Hindi naituloy ni Devon ang sasabihin dahil binara siya ni Sam)
SAM: Kung iniisip mo ang tungkol sa annulment…(natameme si Devon at nahulaan ni Sam ang kanyang iniisip) Sorry but I won’t grant it to you… (nakita niyang pilyong ngumiti si Sam at nahampas niya ito sa sobrang inis)
Take it easy…
(Inilapit nito ang mukha sa kanya kaya napaatras siya hanggang hindi niya namalayan ang sofa at napatid ang kanyang paa dahilan para ma out of balance siya. Sam was quick and grabbed her and they landed in the couch together. He’s above her and they stared at each other. He was about to kiss her ng marinig nila pareho ang boses ni Enrique. Sabay silang tumayo at nakita ni Devon na parang nagseselos si Enrique.)
DEVON: Yung kanina…na…(hindi niya naituloy ang sasabihin dahil binara siya ni Sam)
SAM: Naglalambingan lang kami… (sabay akbay na ikinaiinis ni Devon)
ENRIQUE: The food is ready…naghihintay na…(hindi na naman hinintay ni Sam na tapusin ni Enrique ang sinasabi nito dahil agad itong nagsalita)
SAM: Let’s go!! Baka mainip si Grandpa! (Hinila na siya nito. Lumingon si Devon kay Enrique and she saw pain in his eyes)
(Pagdating nila sa dining area ay andun na nga si Don Manuel. Agad lumapit ang Don sa kanila. Kitang-kita ni Devon na hindi feel ni Sam makita ang abuelo nito. Nagmano siya sa matanda at pagkatapos ay naging gentleman naman si Sam at ipinaghila siya ng upuan. Nagulat pa siya na nakasunod pala sa kanila si Enrique at umupo ito sa harapan nila ni Sam. )
DON MANUEL: Good that you come over hija. I haven’t talked to you since my birthday. (Nakita ni Devon na sincere ang matanda sa sinabi nito kaya napangiti siya.Nagpatuloy ang Don sa pagsasalita)
I was really surprised ng malaman ko na nag-asawa na si Sam. Who would have thought that he would get married…
SAM: Hindi naman siguro yun nakakapagtaka Grandpa lalo na kapag katulad ni Devon.
(Inakbayan na naman siya nito at naasiwa siya. Alam ni Devon na gusto lang ipalabas ni Sam sa harapan ng kanyang Lolo na ok ang relasyon nilang dalawa)
DON MANUEL: Well you’ve found the right woman… Everybody has reasons why they get married and in your case,…
(And to Devon’s surprised nagsalita si Enrique na kanina pa nanahimik)
ENRIQUE: I think Sam has all the reasons why he got married with Devon.
(Muntik ng mabilaukan si Devon sa sinabi ni Enrique. Sabay na nag-abot sina Sam at Enrique ng tubig sa kanya. Sam is near here kaya naman hindi nito binigyan ng chance si Enrique. Pinainum siya ni Sam at pagkatapos ay)
SAM: You ok?
DEVON: Thanks…
(Namayani ang katahimikan at nagpatuloy sila sa pagkain. Devon felt awkward. She knows na lihim siyang pinagmamasdan ni Don Manuel. Nang tingnan niya si Enrique ay hindi na ito tumitingin sa gawi nila ni Sam. Nagulat siya ng biglang bumulong sa kanya si Sam)
SAM: Don’t make it so obvious…(mariin nitong sabi)
(Hindi nalang sumagot si Devon. Pagkatapos nilang kumain ay niyaya siya ng Grandpa ni Sam sa hardin ng mga ito. Namangha siya sa nakitang kagandahan ng paligid.)
DON MANUEL: What can you say about the place hija?
DEVON: Sobrang ganda po…
DON MANUEL: Sam’s mother loves flower so much. I can remember she spends most of her free time gardening. Nang ipanganak si Sam dito siya naglalaro kasama ang Mom at Dad niya. He laughed and cried in this place many times. Time flies! Now, you’re here,his wife. Who would have thought that he’ll get married early.
(Nakikita ni Devon na totoo ang matanda sa sinasabi nito)
DEVON: Hindi ko maintindihan si Sam kung bakit ayaw niya sa sarili niyang pamilya.
DON MANUEL: I’ve been too hard on him when his parents passed away. I thought that was the best thing to do…
(Naguluhan si Devon kaya hindi niya napigilang magtanong)
DEVON: Ano pong ibig niyong sabihin?
DON MANUEL: He became so down ng mamatay ang Mom niya. He didn’t talk to anybody. He was full of hatred at nadagdagan pa ng mamatay ang Dad niya. He became isolated and a loner. One day, I saw him crying and when I got near him he laughed. He did the same thing everyday, laughing and then crying. So, I decided to send him in the…mental institution in the States…
(Nagulat si Devon sa natuklasan. Nakita niya ang paghihirap ng kalooban ng Don.)
I think sending a 7 year old boy there wasn’t a good choice but that’s the only thing I could think of. He was discharged a year after but I didn’t let him back in the country. I just wanted to protect our family from being humiliated and I never thought na dahil sa ginawa kong pagtatago ng katotohanan ay ang magiging dahilan ng malaking galit niya sa akin… I just did…
(Hindi na naituloy ng Don ang iba pang sasabihin nito dahil biglang sumulpot si Sam at nagsalita)
SAM: You did it dahil ayaw mong mabahiran ng kahihiyan ang pangalan natin!
DON MANUEL: Sam?!!
SAM: Devon let’s go!!!!
(Hinawakan na siya nito. Walang nagawa si Devon ng hilahin siya ni Sam palabas ng Mansion. Nang makarating sila sa labas ay agad siyang pinasakay ni Sam sa motor nito. Magproprotesta sana siya ngunit nakita niya ang galit na mukha nito kaya walang imik na sinunod nalang niya ang gusto ni Sam. Kinabahan si Devon ng maramdaman niya na ang bilis na ng takbo ng motor. Hindi na niya nakikita ang paligid dahil sa sobrang bilis.)
DEVON: Sam!!! Ano ba!!! dahan-dahan baka maaksidente tayo!!!
(Hindi pa rin nakinig si Sam sa kanya at patuloy pa rin na mabilis ang takbo ng motor kaya nagpanic na si Devon at napaiyak sa sobrang takot. Nang marinig ni Sam na humikhikbi na si Devon sa kanyang likod ay natauhan siya at naging mahina na ang kanyang pagmamaneho hanggang tuluyan niyang itinigil ang motor)
SAM: Get off!!!
(Nagulat si Devon sa narinig at bumaba siya ng motor at nakita niyang bumaba din si Sam)
DEVON: Ano bang problema mo?! Kung gusto mong magpakamatay huwag mo akong idamay!!!
SAM: Tinatanong mo kung ano ang problema ko?!!! (Devon felt so hurt sa sinabi ni Sam)
DEVON: Sam??....
SAM: Stop it Devon!!!!
DEVON: Bakit ba galit na galit ka?!! Sinabi lang naman sa akin ng Grandpa mo ang pinagdaanan mo…. Ginawa lang naman ng Grandpa mo kung ano sa tingin niya ang tama…
SAM: You don’t know how it feels to be injected with those meds everyday, you don’t know how it feels to be alone in a foreign country at a young age. You don’t know how it feels when you need somebody to talk to…
(Nakikita ni Devon ang paghihirap sa ng kalooban ni Sam. She also saw na may namumuong luha sa mga mata nito. Lumapit siya kay Sam at hinawakan niya ang mukha nito)
DEVON: Nakaraan na yun Sam… kalimutan mo na lang ang lahat…
SAM: And who are you to tell me that?!!
(Inalis ni Sam ang kanyang kamay sa mukha nito kaya nasaktan siya)
DEVON: Sam…I’m…your…(hindi niya maituloy ang sasabihin dahil binara siya nito)
SAM: You’re my wife!!! Right!!!
DEVON: Sam??....
SAM: My wife who is asking for somebody’s help for an annulment!!!
(Nasurpresa si Devon sa narinig at hindi siya nakapagsalita at nagpatuloy si Sam sa pagsasalita)
You asked kung bakit ako galit na galit?!! Hindi dahil sa sinabi ni Grandpa sayo ang nakaraan but when I heard from Enrique that you’re seeking his help to annul our marriage!!! Bakit Devon?!! Ano ba ang nagawa ko at gusto mo ng annulment?!! I know I treated you badly but it’s not enough para makapag desisyon ka na humingi ng annulment. I’ve been good also at wala akong ginawa na ikinasira ng pagkatao mo!!!
(Nakita ni Devon ang galit sa mga mata ni Sam)
DEVON: Sam…natatakot lang ako….
SAM: Natatakot kang ano?!!
DEVON: Natatakot akong ma break ang number one rule mo…
(Nakita ni Devon na natigilan si Sam sandali)
SAM: Keeping our agreement is the only thing I asked from you Devz pero di mo pa rin nagawa…
(She saw the pain in his eyes at hindi siya nakapagsalita, and he continued)
Natatakot kang ma break ang number one rule ko?? But what if I tell you that I myself break my own rule?!!
(Napatingin si Devon kay Sam at nakita niya sa mga mata nito ang katotohanan. She couldn’t speak at hinayaan lang niya si Sam na magsalita)
You’re the person I chose to get married ‘cuz I know you’re different from those women I’ve met, first time kong nakiusap sayo to keep our marriage agreement ‘cuz I know I can trust you pero yun hindi mo pa magawa… So I guess I’m wrong for breaking my number one rule…
(At iniwan siya ni Sam na umiiyak. Sumakay si Sam sa kanyang motor at pinasibad ito ng takbo. Habang nagmamaneho ay di napigilan ni Sam ang sarili at pinakawalan niya ang luha na kanina pa niya pinipigilan sa harapan ni Devon. Si Devon ay napaupo at nagpatuloy sa pag-iyak)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento