CHAPTER 20
(Nang makauwi si Devon sa bahay ng kanyang ina ay di siya agad nakatulog. She misjudged Jaco at ngayon she owes a kiss to Sam. Kung pwede lang na hindi na siya magpakita sa lalaki. Pabaling-baling siya sa kama at nabaling ang kanyang mga mata sa bulaklak na pinitas ni Sam. Bigla nalang siyang napangiti habang hawak ang bulaklak. Pero nagulat siya ng makarinig ng katok at si Kathryn pala iyon. Pumasok ang kanyang kapatid sa kwarto at)
KATHRYN: Ate nadisturbo ba kita?
DEVON: Hindi..ok lang..hindi pa naman ako tulog…
KATHRYN: Ate… sorry pala ha…pinabayaan ko ang pag-aaral ko at naging pasaway ako sa inyo ni Inay. Pangako, magbabago na ako… pero promise me Ate, di ka na aalis at kapag aalis ka at bumalik kay Kuya Sam, isasama mo ako…
(Nakita niyang may namumuong luha sa mga mata ng kapatid)
DEVON: Kath may problema ba?
(Nagulat siya ng biglang humagulhol at yumakap ang kapatid sa kanya)
KATHRYN: Na miss lang kita Ate…
DEVON: Ikaw talaga…ang senti mo..
KATHRYN’S POV: Ate kung alam mo lang…
(At bilang main villain sa story na ito, sumama si Rhuvy sa practice ni Coleen sa University.)
RHUVY: Perfect place and perfect time for my plan!
COLEEN: Sigurado ka ba sa plan mo?
RHUVY: Of course!!
(Nakita nila na papasok na si Maja at iba pang casts ng stage play, kasunod ng mga ito si Enrique)
MAJA: Guys maghanda na kayo! In 5 minutes magsisimula na tayo!!
(Lumapit si Rhuvy kay Enrique)
RHUVY: Bilib na talaga ako sa pagiging dedicated mo kay Don Manuel.
ENRIQUE: Rhuvy kung pumunta ka lang dito para inisin ako, please lang…
RHUVY: Being the Director of the University and managing his business is not what you really want Quen…
ENRIQUE: Rhuvy please….
RHUVY: Why don’t you follow what you really want…Afterall Sam has all the rights to the Don’s assets.
ENRIQUE: You know nothing Rhuvy… Maaaring tama ka, hindi ko talaga gusto maging Director ng University at mag manage ng Company but having the things that I have now, wala na akong mahihingi pa.
RHUVY: Yeah right!! But how about not having the girl that you really like?
(Natuon ang mga mata ni Rhuvy sa kapapasok palang na si Devon at nagpatuloy ito sa pagsasalita)
I’ll help you get her and you’ll help me get Sam.
ENRIQUE: Funny!! And what made you think na tutulungan kita?
RHUVY: Didn’t you remember Coleen cheated you with Sam? Now, it’s pay back time!
ENRIQUE: How did you know about it?
RHUVY: Coleen confessed to me last night.
ENRIQUE: And how’s the feeling that your bestfriend had an affair with your boyfriend before?
RHUVY: Well…I felt betrayed..but that was in the past.
ENRIQUE: So same here. What Coleen and Sam did was in the past.
(At iniwan na siya ni Enrique na nagngingitngit ang kalooban)
RHUVY’S POV: Hindi mo ako kilala Quen!!
(Nagsimula na silang magpractice at usual ay nangungulilat pa rin si Coleen kaya naman nagbreak si Maja, sakto namang pagdating ni Sam)
MAJA: Oh Sam! Eh one-on-one mo na yang si Coleen! Di kami makakaproceed sa next step kapag ganyan yan palagi.
SAM: Sige…
MAJA: Diyan lang kayo sa kabilang side dalawa para naman matingnan ko rin habang pinapractice ko sila.
(Nagsimula ng mag one-on-one tutorial sina Sam at Coleen. Dahil break pa nina Devon ay nagkaroon ng chance na mapanood nila ang mga ito. Narinig ni Devon na nagbulungan ang ibang casts sa stage play)
CAST 1: Kung hindi lang tisay ang hinahanap sa isang lead role, hindi yan papasa!
CAST2: Tama ka! Kung umasta dito sa Campus akala mo kung sinong mayaman eh alam naman nating lahat na this University is for those unfortunate enough gaya natin.
CAST3: Mas swerte siya at apo ng may-ari ang nag presinta na turuan siya…
CAST1: Mabuti at ok lang iyan kay Devon…
CAST3: Mabait naman siya…tsaka napansin niyo may gusto yata si Sir Enrique sa kanya….
(Napalingon si Devon sa tatlo at nakita niyang nagsikuhan ang mga ito at nanahimik. Nagpatuloy sa panonood si Devon sa pagtuturo ni Sam kay Coleen. Sobrang nainis siya nakikitang paghawak ni Sam sa beywang nito. Nakita din ni Rhuvy ang eksena at di rin niya mapigilang mainis, mukhang nanadya na rin yata ang kanyang bff.)
(Nagsimula na ulit magpractice sina Devon. Habang sumasayaw ay hindi naman niya mapigilang di mapasulyap sa gawi nina Sam at Coleen.Sobrang BV siya! Naisip niya nalang na sana kasali si Patrick pero wala ang lalaki, di pa ito sumasali sa practice nila. Kapag kasali ang lalaki, alam niya magrereact ng kaunti si Sam. At napatigil silang lahat ng biglang sumigaw si Coleen. Natapilok ang babae at agad itong sinaklolohan ni Sam na nasa tabi lang nito. Inalalayan pa ito ng lalaki na makaupo sa bench. And Devon saw na worried ang Sam. Lumapit sila sa mga ito)
RHUVY: Fren ok ka lang??
SAM: Kumuha kayo ng ice, nasapid ang paa niya…
(Pagkalipas ng ilang minuto ay agad namang may nag-abot ng ice kay Sam. Hindi nakapagsalita ang lahat ng hubarin ni Sam ang sapatos ni Coleen at dampian ito ng ice. Sumakit ang dibdib ni Devon sa nakitang eksena, gusto nang malaglag ng kanyang mga luha pero pinigil niya ang sarili. Mabuti nalang nagsalita si Maja)
MAJA: Ok! Back to practice guys!!
(Agad tumalima ang mga casts at nagbalik sa mga posisyon nito. The music started at doon nilabas ni Devon ang sakit na nararamdaman. Nang mapasulyap siya sa gawi nina Sam at Coleen ay nakita niyang abala pa rin si Sam sa pag-aasikaso kay Coleen. Hindi niya namalayan na nakailang balik na sila sa music, kung hindi pa ulit sumigaw ng break si Maja ay di siya matatauhan. Naiwan siya sa gitna at nagulat siya ng lumapit si Enrique sa kanya)
ENRIQUE: Here’s the towel pinagpapawisan ka na…
(Bago pa niya makuha ang towel ay nagulat siya ng humarang si Sam. )
SAM: I think this is a better way in drying your sweat…
(Nanlaki ang mga mata ni Devon ng biglang halikan ni Sam ang pawis sa kanyang mukha. Napahiya siya sa ginawa nito dahil nasa harap sila ng maraming tao. Kaya itinulak niya si Sam at)
DEVON: Ano ba?!!!
(Napataas ang boses niya at ang mga tao sa paligid nila ay hindi nakapagsalita. Sina Rhuvy at Coleen ay nainis, si Enrique ay lihim na nasaktan. Nagkasukatan sila ng tingin ni Sam. Hindi niya kinaya ang mga titig nito kaya napagdesisyunan niyang umalis pero bigla siya nitong nahablot at)
SAM: And before you leave… you owe me this one!!!
(Nagulat nalang si Devon ng bigla siyang halikan ni Sam sa labi.)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento