Biyernes, Abril 6, 2012

Break the Rules or Not? (Chapter 22)

CHAPTER 22

SAM: Ano bang ginagawa mo at bigla ka nalang sumulpot doon??!!!
KAZEL: Just checking!!!
SAM: Pwede bah!!!
KAZEL: At anong ibig sabihin ng nakita ko kanina??!!!
SAM: I have nothing to explain…
KAZEL: Same old Samuel… umiiwas ka na naman sa issue…
SAM: Whatever!!
KAZEL: Anyway, I’ll be back for Japan…
(Nagulat siya sa sinabi ni Kazel, sa wakas makakahinga na siya ng maluwag at narinig niyang nagsalita ulit ito)
At masayang-masaya ka naman?!!
(Hindi nalang siya sumagot.)

(Mabilis lumipas ang mga araw, dahil sa nangyari may ilangan na sina Sam at Devon. Tuwing practice ay di sila makatingin sa isat-isa. Sam is there pa rin to teach Coleen and araw-araw yata andun din si Rhuvy kaya BV si Devon. Naramdaman ni Devon na umiiwas si Enrique sa kanya kaya para tuloy siyang outcast sa practice nila. On the last day of their dancing practice ay biglang sumulpot si Patrick. At ayun nalaman ni Sam na si Patrick ang lead cast sa stage play. Kitang-kita ni Devon ang pagkagulat nito at pagkatapos ay nakita niyang agad nitong sinenyasan si Enrique at lumabas ang dalawa. Nacurious siya at sinundan ang mga ito. Narinig niya agad na nagsalita si Sam)
SAM: Bakit ang lalaking iyon?!! (narinig niyang tumaas ang boses nito)
ENRIQUE: Why what’s wrong with Patrick?!
SAM: Of all the students here, siya pa?!!!
ENRIQUE: Teka nga Sam, ano bang problema?!
SAM: He’s Devon’s ex!!!
(Nagulat si Enrique sa narinig, now he realized kung bakit parang ilang si Devon noong audition)
ENRIQUE: I can’t do anything about it Sam. He was handpicked by all members of the school board.
SAM: I don’t want him to get near to Devon!!!!
ENRIQUE: Dahil nagseselos ka?!!
SAM: Bakit hindi ka rin ba nagseselos?!!
(Hindi nakapagsalita si Enrique at nagpatuloy siya sa pagsasalita)
Let him out of the play!! (ma-awtoridad niyang sabi)
ENRIQUE: Sam listen… don’t take this personally… This is just a stage play.
SAM: Yeah! Stage play!! Stage play with what?? With a kissing scene??!!
ENRIQUE: Kung yan ang ikinababahala mo.. you have nothing to worry… Me myself won’t let it happen…
(Nabawasan ang pagkabahala ni Sam ngunit sa sinabi ni Enrique nainis siya)
SAM: Mabuti naman dahil kung nagkataon…
ENRIQUE: Pag nagkataon ano???
SAM: I won’t let her join the play!!!
(Nakita ni Devon na iniwan ni Sam si Enrique at siya ay agad bumalik sa kinaroroonan ng kanyang mga kasamahan. Break pa nila at ang iba ay hindi pa bumabalik. Naupo siya at bigla namang tumabi si Rhuvy sa kanya)
RHUVY: If I were you kay Enrique nalang ako…
DEVON: Ano ba yang pinagsasabi mo?
RHUVY: Hindi ka naman siguro ganoon ka manhid na hindi mo nararamdaman na special ang treatment ni Enrique sayo? Pinag-uusapan kaya kayo dito sa buong University. People are thinking na kaya ka lang nasali sa casting dahil personal choice ka niya.
DEVON: Rhuvy please lang…
RHUVY: At alam ko rin na may nararamdaman ka sa kanya. Gusto mo siya diba?
DEVON: Wala akong alam sa sinasabi mo…
RHUVY: Wala kang mapapala kay Sam, Devon. Ginagamit ka lang niya for his personal needs kapag nagsawa siya sayo ay magagaya ka rin sa mga naging babae niya. He used and threw women like rugs.
DEVON: Ano naman ngayon?...
RHUVY: Hahayaan mo nalang ba na mangyari yun sayo? Before it’s too late, have your freedom back.. and the only guy that can help you is Enrique..
DEVON: Rhuvy bakit mo ito ginagawa?
RHUVY: For a simple reason Devon… (Rhuvy paused for awhile and continued)
Dahil naaawa ako sayo… (at iniwan na siya nito)

(Nagsimula na ulit silang magpractice. This time ay kasali na si Patrick. Everybody is amazed na kabisado na nito ang steps kahit hindi sumasali sa practice nila. Coleen improved at nakakasabay na rin ito kahit papano. The story of the stage play is.. Pareho silang nangangarap ni Patrick na maging sikat na dancer… They had their luck, naging sikat sila pareho at si Patrick ay nilamon ng sarili nitong pangarap. He forgot kung saan siya nagsimula at pati pag-iibigan nila ay kinalimutan nito. She got depressed and on her way back home, she met an accident. She died and her heart was donated to someone. Patrick searched for it and find Coleen. A total opposite from her. Tisay at walang ni isang talent and in the end their heart will be reunited. The play will end Patrick and Coleen kissing)
(After the dance practiced)
MAJA: Good work guys!! Next week simula na ng acting practice niyo, I’ll be back for our last practice two weeks from now. (Sabay-sabay silang tumango at nagpatuloy sa pagsasalita si Maja)
And Coleen I wanna congratulate you for improving!!!
(Nagpalakpakan ang ibang casts)
COLEEN: Thanks to Sam!!!
(Lumapit ito kay Sam at nagulat ang lahat ng halikan nito si Sam sa pisngi. Nainis si Devon sa nakita at wala man lang ginawa si Sam. Parang nakikita ni Devon na ngumiti pa ang Samuel.)

(Isa-isang nagsiuwian ang mga students. Si Devon ay nasa labas ng gate. Naghihintay siya ng jeep na dumaan ng biglang huminto ang motor ni Sam sa kanyang harapan)
SAM: Ihahatid na kita…
DEVON’S POV: At ang kapal ng mukha ng lalaking ito!! Matapos mag-enjoy sa halik ni Coleen, heto at kakausapin ako?!!
DEVON: Huwag na…
(Nakita niya na palabas ang kotse ni Enrique sa gate at pinara niya ito. Napataas naman ang kilay ni Sam sa ginawa ni Devon. Nakita niya ng buksan ni Enrique ang bintana ng kotse nito)
ENRIQUE: Oh Devz!
DEVON: Oh diba sabi mo ihahatid mo ako pauwi?!
(Nag-init agad ang ulo ni Sam sa narinig. Nakita niyang parang di alam ni Enrique ang gagawin at ang Devon ay pa cute effect naman dito)
SAM: Sige ihatid mo na siya!!!
(Hindi na niya hinintay na magsalita ang dalawa at pinasibad na niya ang kanyang motor.)
ENRIQUE: So kailangan talaga kitang ihatid?
(Napahiya si Devon sa sinabi ni Enrique. Hindi naman talaga siya inalok ni Enrique na ihahatid, nasabi lang niya yun para inisin si Sam)
DEVON: Pasensiya na..talaga… sasakay nalang ako ng jeep…
ENRIQUE: Sige pasok na…
DEVON: Huwag na…
ENRIQUE: Baka naman gusto mong sabihin ko kay Sam na hindi naman talaga kita inalok na ihatid?...
(Agad siyang pumasok sa kotse nito dahil nakikita niyang hindi nagbibiro si Enrique. Habang nasa daan sila ay wala silang imikan ni Enrique. Muling nagbalik sa isipan ni Devon ang mga sinabi ni Rhuvy at ang nangyari kaninang paghalik ni Coleen kay Sam. Natigil siya sa kaiisip ng magsalita si Enrique)
ENRIQUE: Kalimutan mo ang nangyari kanina. Ganoon lang talaga si Coleen…
DEVON: Quen?
ENRIQUE: Lapitin lang talaga si Sam sa mga babae…
DEVON: Bakit ba palagi mo siyang ipinagtatanggol?
ENRIQUE: Hindi ko siya ipinagtatanggol Devz,sinasabi ko lang ang totoo.
DEVON: Quen…naguguluhan na ako…hindi ko alam ang gagawin ko…
(Tiningnan ni Enrique si Devon at kitang-kita niya ang paghihirap ng kalooban nito.)
ENRIQUE: Devz???
DEVON: Can you help me??
ENRIQUE: Help you? About what?
DEVON: An annulment from Sam…
(Naapakan ni Enrique ang preno ng kotse sa sobrang pagkagulat)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento