CHAPTER 19
KYRA: Ano???!! Nakita mong sinampal ni Kazel sina Sam at Enrique?!!
DEVON: O.o..sobrang nagulat nga ako…
KYRA: Anong nangyari pagkatapos?
DEVON: Ayun nagwalked out si Sam at sinundan ni Kazel. Si Enrique naman napaupo nalang…
KYRA: Sayang di ko nakita ang scene!!! Anyway, may chika ako sayo…
DEVON: Ano naman yun??
KYRA: Kami na ni Jaco!!!
(Nakita ni Devon ang kasiyahan sa mga mata ni Kyra at siya ang kinabahan para sa kaibigan)
DEVON: Bakit mo siya sinagot agad?!!
KYRA: Devz naman…. gwapo at mabait naman si Jaco…
DEVON: Pero kaibigan siya ni Sam… alam mo naman ang record nila sa mga babae,diba??
KYRA: Asus! Si Sam kaya ang pinakaplayboy sa kanilang magbabarkada…
DEVON: Pero???...
KYRA: Don’t worry..ok… I can handle myself… (Nakita niyang pangiti-ngiti si Kyra at mas lalo pa siyang nabahala sa sumunod na sinabi nito)
He’s inviting me to Benin’s Hotel tonight, may surprise daw sya for me! I’m so excited na!!!
(Bago pa makapagsalita si Devon ay naunahan na naman siya ni Kyra) So I have to go now! Kailangan ko pang magpaganda!!!
(At iniwan na siya ni Kyra. Dahil worried siya sa kaibigan at baka kung ano ang gawin ni Jaco dito ay tinawagan niya si Sam. Kahit labag sa kalooban niyang humingi ng pabor dito ay ginawa niya. Ayaw lang niyang mapahamak si Kyra sa mga kamay ni Jaco. Pinapunta siya ni Sam sa Wired ng gabing iyon. Nang makarating siya doon ay nakita niya itong nakaupo habang hawak ang guitar nito. Agad siyang lumapit at naupo sa tabi nito)
DEVON: Sige na…samahan mo na ako sa Benin’s Hotel…
SAM: Wala namang masamang mangyayari kay Kyra…
DEVON: Pero alam mo kung gaano ka tinik si Jaco sa mga babae, baka mapahamak pa si Kyra sa kanya.
SAM: Devz they’re adults… alam na nila ang ginagawa nila!!!
(Nainis si Devon dahil parang wala lang dito ang pagiging worried niya)
DEVON: Palibhasa kasi kaibigan mo si Jaco kaya hindi ka worried sa mangyayari sa bestfriend ko…
SAM: Devz… Jaco is different from me. May mga girls nga siya but he’s not a player. He’s a good guy, walang mangyayaring masama kay Kyra.
DEVON: Ahhh!! Basta!! Pupunta ako sa Benin’s Hotel kahit ayaw mo akong samahan!!!
(Tumayo na siya at iniwan si Sam pero nagulat naman siya ng hinabol siya nito)
SAM: Ok fine!! Here’s the deal! Kapag napatunayan ko na hindi pinaglalaruan ni Jaco si Kyra ay… you owe me a kiss!!!
DEVON: Ano?!!!
SAM: Huwag mong sabihin na di mo kaya?!!
DEVON: Paano kung napatunayan ko na pinaglalaruan lang niya si Kyra?!!
SAM: Then tell me whatever you want…
(Sandaling nag-isip si Devon. Ano nga ba ang gusto niya? Dahil wala siyang ibang maisip ay lumabas sa bibig niya ang )
DEVON: I want an annulment from you…
(Nabigla si Sam sa sinabi ni Devon, he didn’t expect to hear that thing from her. Nasaktan siya sa sinabi nito. Nakita ni Devon na nabigla si Sam at ang hindi maitagong nasaktan ito sa sinabi niya. Gusto sana niya bawiin ang kanyang sinabi ngunit nagsalita si Sam)
SAM: If that’s what you really want…(At hinila na siya ni Sam)
(Habang papunta sila ng Benin’s Hotel na pagmamay-ari ng pamilya ni Jaco ay wala silang imikan ni Sam. Tahimik lang itong nagmamaneho sa motor nito at siya naman ay hindi nalang nagsalita. Nang makarating sila sa naturang hotel ay namangha si Devon,first time pa naman niyang tumapak sa naturang lugar. It looks so luxurious and elegant. Halatang mayaman din ang pamilya ni Jaco. Agad sila binati ng mga guards . Alam ni Devon na kilala na ng mga ito si Sam. Nang makarating sila sa reception area ay nahalata niya ang makahulugang pagtitig ng isang receptionist kay Sam and she felt na isa iyon sa mga naging babae ng lalaki. Narinig niyang nagtanong si Sam kung nasaan si Jaco. Sumagot naman agad ang receptionist pero bago pa sila makalayo ay personal itong tanong)
RECEPTIONIST: Who is she pala?
(Tumingin si Sam sa kanya bago sumagot)
SAM: She’s my wife!!
(Lihim na napangiti si Devon sa nakitang reaksyon ng receptionist para kasi itong binagsakan ng langit at lupa. Naramdaman nalang niya na hinawakan ni Sam ang kanyang kamay at hinila na siya nito. Nakarating sila sa VIP room. Akmang pipihitin ni Sam ang pinto ng pigilan niya ito)
DEVON: Huwag…
SAM: Afraid to see something? Don’t worry, you’ll be amazed…
(Tuluyan na ngang binuksan ni Sam ang pinto. Devon looks so surprised sa nakita. Akala niya makakakita siya ng malaking bed sa VIP room pero wala pala. What she saw is a surrounding full of different beautiful flowers. Namangha siya sa kagandahan ng lugar, nakakita rin siya ng maliit na fountain. Lumapit siya sa mga bulaklak at sumunod naman si Sam sa kanya. Napasambit siya bigla ng )
DEVON: Beautiful…
(Nakita niyang pinitas ni Sam ang bulaklak sa kanyang harapan at inabot sa kanya. Kinilig siya sa ginawa nito at di niya magawang igalaw ang mga kamay para tanggapin ang bulaklak)
SAM: Huwag mong isipin na binibigyan kita ng bulaklak, ako nalang ang pumitas sa halip na ikaw at baka mapagalitan ka pa ni Jaco.
(Hinampas niya ito pero agad naman nahawakan ni Sam ang kanyang mga kamay.)
DEVON: Ang sama mo talaga! (inirapan niya ito)
SAM: Masakit ang mga hampas mo…
(Napahiya naman siya sa sinabi ni Sam kaya naman iniba nalang niya ang usapan)
DEVON: Sigurado ka bang andito sina Jaco at Kyra?
SAM: Well…
(Hinila siya ni Sam at pagkalipas ng ilang minuto ay nakarating sila sa kinaroroonan ng mga ito. They are away from them pero nakikita at naririnig naman nila ang usapan ng mga ito. Devon saw candles surrounding Kyra and Jaco with the musicians pa! Inabot nito ang kamay ni Kyra at sumayaw ang dalawa. Naiinggit naman siya sa nakikita pero hindi siya nagpadala dahil baka strategy lang yun ni Jaco para tuluyang makuha ang kanyang bestfriend. Pagkatapos ng music ay inalalayan nito si Kyra na makaupo at narinig niya na nagsalita si Jaco)
JACO: Ky, I have a surprise for you..
KYRA: Meron pa?...
JACO: Meet my parents!!!
(Nakita ni Devon na lumabas nga sa kung saan ang mga magulang ni Jaco at masayang-masaya itong ipinakilala ng lalaki ky Kyra. Naramdaman nalang ni Devon na bumulong si Sam sa kanya)
SAM: And you owe me a kiss!!!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento