CHAPTER 17
(Kanina pa pabaling-baling si Sam sa kanyang higaan. Bumangon siya at tiningnan si Devon. Nakita niyang mahimbing na natutulog ang babae at nakahinga siya ng maluwag. Nang makita niya itong umiyak kanina ay nasaktan din siya. He’s afraid of the possibilities na baka tuluyan itong mahulog sa kanya. A guy like him doesn’t deserve a woman like her. Kaya bago pa tuluyang lumalim ang nararamdaman ni Devon sa kanya, he came up with the idea na lumayo muna sila sa isat-isa. Napabuntunghininga si Sam habang tinititigan si Devon na natutulog. Hinaplos niya ang mukha nito)
SAM: The days are getting harder for me kung alam mo lang…
(At hinalikan niya si Devon sa noo bago tuluyang lumabas sa kanilang kwarto. Pagkalabas ni Sam ay tsaka namang pagdating ni Kazel galing sa party ni Nel. Napaupo siya sa couch at tumabi si Kazel sa kanya)
KAZEL: Feeling blue??
SAM: Kazel..please….
KAZEL: Just asking…pero mukhang ayaw mong makipag-usap!
(Tumayo na si Kazel)
SAM: Thanks for the make over!
(Kazel knows that Sam is referring to what she did to Devon)
KAZEL: You like her, don’t you?
SAM: Kazel???
KAZEL: There’s nothing wrong in breaking some rules!
(At tuluyan na siyang iniwan ni Kazel na speechless. Nang makarating si Kazel sa kanyang kwarto ay may tinawagan ito)
KAZEL: Sorry to disturb… I think staying here longer might help! (at napangiti nalang si Kazel nang humiga siya sa kama)
(Sam sent her to her mother’s house. Pagdating palang nila doon ay ang masayang mukha na ng kanyang ina at Tito Ricardo ang sumalubong sa kanila. )
MYLENE: Mabuti naman anak at napagdesisyonan mo na manatili muna dito. Miss na miss ka na namin ni Kathryn… panigurado magiging masaya yung kapatid mo.
RICARDO: Tama! Dito na kayo mananghalian ng asawa mo.
SAM: Sige po…
(Nag-excuse ang kanyang Ina para ipagluto sila ng lunch. Napagpasyahan ni Devon na tulungan ang kanyang Inay. Walang katulong ang mga ito sa bahay. Nang nasa kusina na sila ay)
MYLENE: Ano?? Kailan niyo ba ako bibigyan ng apo ni Sam?
DEVON: Nay?!! (she blushed)
MYLENE: Ilang buwan na ang nakaraan..wala pa rin ba?
DEVON: Nay naman… alam niyo naman na nag-aaral pa ako… (pagdadahilan niya)
MYLENE: Ang bait talaga ni Sam… pinag-aral ka pa. Kaya naman Devon napakaswerte mo sa kanya..
(Ngumiti nalang siya sa halip na sumagot at iniba nalang niya ang usapan)
DEVON: Kumusta na po pala ang pag-aaral ni Kathryn? Malapit na ang graduation niya at magka college na siya sa susunod na pasukan…
MYLENE: Yun may problema yata ang kapatid mo. Tumawag sa akin yung principal ng school, bumababa ang grades niya. Kinausap ko pero hindi ako sinagot. Nawewerdohan na ako sa kapatid mo. Gabi na kung umuwi ng bahay, nagboboyfriend na yata. Ilang beses ko ng pinagsabihan, hindi ako pinakikinggan.
DEVON: Sige kakausapin ko po siya mamaya.
(Habang kausap naman ni Sam si Ricardo at namula siya sa galit ng may matuklasan)
RICARDO: You know, your Mom and I had an affair before. Ewan ko lang kong natatandaan mo pa noong nakita mo kami minsan na naghahalikan…
(at nagflashback kay Sam ang eksena noon na nakita niya na may kahalikang ibang lalaki ang kanyang ina. Kaya pala noong nakita niya si Ricardo ay di na niya ito gusto. Nagpatuloy sa pagsasalita si Ricardo)
Your Mom cheated your Dad and I felt so sorry about it…
(Hindi na nakontrol ni Sam ang sarili at sinugod niya si Ricardo. Akmang susuntukin niya ito ng biglang lumabas sina Devon at Mylene from the kitchen)
DEVON: Sam anong nangyayari dito?!!
SAM: That man!!!
RICARDO: Sumobra kasi ang biro ko kay Sam kaya medyo napikon siya…
(Nanggigil si Sam pero kailangan niyang kalmahin ang sarili at baka mapuruhan sa kanya si Ricardo.)
SAM: Devz…aalis na ako…
(Tiningnan niya ng masama si Ricardo. Hindi na niya hinintay si Devon na makapagsalita at tumalikod na siya. Pero pagkalabas niya ng gate ay hinabol siya ni Devon)
DEVON: Sam…ano ba?!! humingi ka ng tawad kay Tito Ricardo…
SAM: Hinding-hindi ako hihingi ng tawad sa lalaking yun!!!!
DEVON: Sam???
SAM: Siya ang kabit ng Mommy ko!!!
(She saw the pain in his eyes. Hindi nakapagsalita si Devon, nakita niya nalang si Sam na umangkas sa motor nito at pinasibad ng takbo. Bumalik si Devon sa loob at nakita niya si Ricardo na tahimik na nakaupo. Nilapitan niya ito)
RICARDO: Sinabi niya sayo ang totoo?
DEVON: Po???...
RICARDO: It’s up to you kung sasabihin mo sa Inay mo ang totoo.
(Tumayo na ito at iniwan si Devon na hindi nakapagsalita.)
(It’s 9 pm at hindi pa rin umuuwi si Kathryn. Nang tanungin niya ang ina ay sinabihan siya na maraming beses na ito ginagawa ng kapatid at kahit anong sita nito ay hindi nakikinig ang kanyang kapatid. Nagulat pa si Devon ng makatanggap siya ng tawag buhat kay Enrique)
DEVON: Quen bakit?
ENRIQUE: Devz asan ka ngayon?
DEVON: Kay inay ako…bakit?
ENRIQUE: I was on my way home ng muntik na akong makasagasa ng isang teenager. When I looked at her wallet, nakita ko ang picture mo. I guess, she’s your younger sister…
(Agad kinabahan at nag-alala si Devon)
DEVON: Ok lang ba siya???...
ENRIQUE: Don’t worry… hindi naman siya napaano. Just give me your address at ihahatid ko siya diyan…
(Agad ibinigay ni Devon ang address kay Enrique. Pagkalipas ng kalahating oras ay dumating na ang lalaki sa bahay nila. Nagulat pa sila ng buhatin nito ang kapatid buhat sa backseat ng kotse nito)
MYLENE: Ok lang ba ang anak ko??... (puno ng pag-aalalang tanong ng ina ni Devon)
ENRIQUE: Hindi ko naman po siya napaano. Bigla nalang siya tumawid sa kalsada, mabuti nalang nakapagpreno ako agad. Nang tingnan ko siya, I realized she’s drunk kaya siya bumagsak.
(Amoy alak nga ang kanyang kapatid. Binuhat ito ni Enrique hanggang sa kwarto nito at ang ina na ang nag-asikaso sa kanyang kapatid. Ipinagtimpla naman ng kape ni Devon si Enrique at nag-usap sila sa may sala)
ENRIQUE: Bakit pala andito ka sa inay mo?
DEVON: Ano…kasi… namimiss ko sila ng kapatid ko… (pagsisinungaling niya)
ENRIQUE: I see…
DEVON: Thanks pala for bringing my sister home. Kung ibang tao na siguro ang nakakita sa kanya ay baka may nangyari ng masama…
ENRIQUE: Don’t mention it…
(Namayani ang katahimikan sa pagitan nila ni Enrique at nagulat si Devon ng bigla nitong hawakan ang kanyang kamay)
ENRIQUE: Everything’s gonna be ok…
(Tumayo na ito at iniwan siyang hindi nakapagsalita. Bago pa makalabas si Enrique ay nagkasalubong sila ni Ricardo)
RICARDO: Salamat sa paghatid kay Kathryn…
(Tumango si Enrique at nagpaalam na sa lalaki. Nang makapasok siya ng sasakyan ay may naramdaman si Enrique na kakaiba kay Ricardo)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento