CHAPTER 21
(Tinulak niya si Sam at tumakbo siya palabas na umiiyak. Hinabol naman siya nito at hinawakan ang kanyang braso)
SAM: Devz??? (humarap siya dito at)
DEVON: What?!!
(Nabigla si Sam sa nakitang pagtulo ng mga luha ni Devon. He felt so bad sa nakikita at nasasaktan siya. Nagulat naman si Devon ng bigla siyang yakapin ni Sam ng mahigpit. Nagpatuloy siya sa pag-iyak)
SAM: I’m sorry… I shouldn’ have done that…
(Akmang kakalas siya sa pagyakap ni Sam)
DEVON: Let me go please….
(Pero mas naging mahigpit ang pagyakap nito sa kanya)
SAM: I’m not letting you go kahit magalit ka pa sa akin…
(Itinulak niya si Sam ng malakas dahilan para makawala siya dito pero agad naman ulit siyang nahawakan nito)
DEVON: Bitiwan mo ako!!!
SAM: I said, I’ m not letting you go!!!
(At niyakap ulit siya ni Sam kaya wala siyang nagawa kundi umiyak nalang sa dibdib nito)
DEVON: Bakit mo ba ako ginaganito??
SAM: Just stay away from Enrique…
(Nagulat si Devon sa narinig at naramdaman niyang lumuwag ang pagkakayakap ni Sam sa kanya. Nang tingnan niya si Sam ay sersyosong-seryoso ang mukha nito)
DEVON: Ano ba yang pinagsasabi mo?
SAM: Stay away from him….
DEVON: Bigyan mo ako ng sapat na rason kung bakit ko yun kailangang gawin…
(Tinitigan siya ni Sam at may nabasa siyang kakaibang damdamin sa mga mata nito. Nagtitigan lang sila at hindi na nagsalita si Sam. Kaya napagdesisyunan ni Devon na umalis nalang. Tinalikuran niya si Sam pero bago pa siya makahakbang palayo dito ay narinig niya itong nagsalita)
SAM: Nagseselos ako kay Enrique….
(Hindi makatulog si Devon sa narinig niyang sinabi ni Sam. Pabalik-balik na pumapasok sa kanyang isipan ang sinabi nito kanina. Tumigin siya sa alarm clock sa kanyang tabi. It’s quarter to 1 at gising pa siya. Bumangon siya at napagpasyahan na lumabas para uminom ng tubig baka sakaling makatulog siya. Papunta siya sa kusina ng may marinig siyang may bumubulong. Dahan-dahan siyang lumapit sa kinaroroonan ng boses hanggang nakarating siya sa kwarto ni Kathryn. Nakinig ulit siya at nawala na ang boses. Baka nanonood pa ang kanyang kapatid ng American series, nagiging addict daw kasi ito sa Season 5 ng Gossip Girl. Napailing nalang si Devon sa naiisip. Pagkatapos kumuha ng tubig sa kusina ay bumalik si Devon sa kanyang kwarto. Muntikan pa siyang mapasigaw ng makita ang kanyang Tito Ricardo. Para naman itong nagulat pagkakita sa kanya at nagkandautal ang boses nito)
RICARDO: Devon?....an..ano… ang… gin..ginagawa mo..dito…?
DEVON: Nauhaw lang po ako…
RICARDO: Sige bumalik ka na sa kwarto mo...
(Tumango nalang siya at bumalik sa kanyang kwarto. Pagkabalik sa kanyang silid ay agad siyang humiga sa kama at pinilit niyang makatulog. )
(Si Sam naman ng mga oras na iyon ay nasa Wired Bar pa kasama sina JV at Nel. Pagkatapos ng kanilang performance ay napagpasyahan nilang mag-inuman.)
JV: Nagkagirlfriend lang si Jaco at busy na siya…
NEL: Inlove nga yata siya sa isang coffee girl…
SAM: Wala naman sigurong masama doon…
NEL: Just wondering lang na hindi nagprotesta ang parents ni Jaco, Knowing Tita Melai…
JV: Mabait at cute naman si Kyra.
NEL: Pero hindi ko pa rin maiwasang mag-isip na baka pera lang ni Jaco ang habol ni Kyra, knowing her status…
SAM: Nel, I know Kyra..kaibigan siya ni Devon…
NEL: Sa akin lang naman pare…alam mo yun…
(Nag-init ang ulo ni Sam sa sinabi ni Nel pero kinontrol niya ang sarili at nagpatuloy sa pagsasalita si Nel)
Hindi mo rin alam..baka si Devon… ang habol niya sayo ay…
(hindi na natapos ni Nel ang kanyang sasabihin dahil na suntok na siya ni Sam. Agad namang pumagitna si JV sa dalawa)
JV: Pare take it easy…wala namang ibig sabihin si Nel…
SAM: JV!! He’s trying to say na pera lang ang habol ni Devon sa akin…
NEL: Pare sorry…hindi ko sinasadyang sabihin yun…
SAM: You know nothing Nel!!!
(At umalis na siya. Pinasibad niya ng takbo ang kanyang motor. It’s 1:30 a.m at wala na masyadong sasakyan sa daan. He doesn’t know where to go, nawalan siya ng control sa sarili at nasuntok niya si Nel. Then he found himself outside Ricardo’s house. Nakatingin lang siya sa gate. He got his cellphone from his wallet and searched for Devon’s number. He wanted to talk to her, nang sabihin niya kanina na nagseselos siya kay Enrique ay wala man lang naging reaction si Devon, iniwan siya nito na speechless. He was about to call her pero nagulat siya ng bumukas ang gate at nakita niya si Kathryn. Para namang nakakita ng multo ang kapatid ni Devon pagkakita sa kanya. Bumaba siya sa motor at lumapit dito)
SAM: Gabi na…bakit lumabas ka?
(Nakita ni Sam na naging malikot ang mga mata nito)
KATHRYN: Ano…kasi…Kuya… (nakita ni Sam na may dala itong bagahe sa likod nito)
SAM: Maglalayas ka???
(Nakita ni Sam na napayuko si Kathryn at hindi ito sumagot)
Go inside…(Hindi kumibo si Kathryn at hinawakan niya ito para ipasok sa loob ngunit hindi ito gumalaw)
KATHRYN: Kuya..please…
SAM: Gusto mo bang mag-alala ang inay at ate mo sayo??
(Tumingin si Kathryn sa kanya at nakita niya na may namumuong luha sa mga mata nito)
KATHRYN: Kuya…
SAM: Sabihin mo nga kung bakit gusto mong maglayas?...
(Huminga ng malalim si Kathryn bago sumagot)
KATHRYN: Nakikipagtanan kasi yung boyfriend ko…
(Nagulat naman si Sam sa narinig, ang bata pa ni Kathryn at may tanan-tanan na itong nalalaman. Pagsasabihan niya si Kathryn ngunit nagsalita ito)
Kuya promise me hindi mo ito sasabihin kay Ate…. (nakita ni Sam na nagsusumamo ang mga mata nito)
SAM: Hindi ko sasabihin sa dalawang kondisyon…
KATHRYN: Ano iyon??
SAM: Babalik ka sa loob ng bahay…
(Nakita niyang tumango si Kathryn at)
KATHRYN: At ano yung isa??
(Binulungan niya si Kathryn at napangiti ang huli sa sinabi niya)
(Ang sama ng panaginip ni Devon, muntikan na daw siya mahulog sa isang barko. Mabuti nalang at maagap si Sam at nahawakan daw siya nito. Dahil sa sobrang takot ay napayakap siya kay Sam ng mahigpit. Pero bakit parang totoo ang kanyang panaginip. Parang may niyayakap nga siya ng mahigpit. She opened her eyes and to her surprise nakayakap nga siya kay Sam. Agad siyang bumangon ngunit hindi siya makagalaw dahil hinigpitan nito ang pagkakayap sa kanya)
DEVON: Pakawalan mo ako!!!
(Pinakawalan naman siya nito at nakita niya na ngumiti ito)
DEVON: Anong ginagawa mo dito?!!! At paano ka nakapasok?!!
(bumangon siya at naupo sa kama samantalang si Sam ay nanatili namang nakahiga)
SAM: Ganyan ba ang pagsalubong mo sa iyong asawa? Wala man lang bang morning kiss dyan?!!
DEVON: Magtigil ka nga Samuel! Bumangon ka dyan!!
(Umalis siya sa kama at hinila ang kamay ni Sam para tumayo ito. Pero kahit anong gawin niya ayaw bumangon ng lalaki at ngiti lang ito ngiti kaya mas lalo siyang nainis)
Bumangon ka sabi ehh!!!
(Hinila niya ito ng malakas pero hinila din siya nito dahilan para madaganan niya ito. Nagkatitigan sila at nagulat si Devon ng biglang mag-iba ang posisyon nila. She’s under him at ramdam na ramdam nila ang tibok ng puso ng bawat-isa. Nakuryente si Devon ng haplusin ni Sam ang kanyang mukha at ang daliri nito ay natigil sa kanyang labi. Narinig niyang masuyong nagsalita si Sam)
SAM: Can I kiss you?...
(Napalunok siya sa sinabi nito at hindi niya alam ang gagawin. She saw his face getting near to hers. Napapikit nalang siya pero bago pa tuluyang dumampi ang labi nito sa kanya ay biglang bumukas ang pinto. Pareho silang nagulat ni Sam at sabay na bumangon. She blushed at halatang nairita si Sam, paano ba naman kasi si Kazel ang biglang pumasok at)
KAZEL: Opps!! Did I interrupt??
(For the first time ay nakita ni Devon na parang nanunudyo si Kazel. Bago pa siya nakapagsalita ay naunahan siya ni Sam)
SAM: Let’s go!!
(Hinila na nito si Kazel at narinig nalang ni Devon ang pagproprotesta nito habang palayo na ang dalawa at napabuntung-hininga nalang siya)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento