CHAPTER 18
DEVON: Ano bang problema? Sabi ni Inay bumababa ang grades mo at madalas gabi ka ng umuuwi. Ilang beses ka na daw niya pinagsabihan pero hindi ka nakikinig…(Kinausap niya ang kapatid kinaumagahan)
KATHRYN: Ate bakit andito ka???
DEVON: Huwag mong ibahin ang usapan Kathryn…
KATHRYN: Ate bumalik ka na kay Kuya Sam…
DEVON: Pwede ba!!! sagutin mo ang tanong ko…
(Nainis na siya sa pag-iiba ni Kathryn sa usapan. Nakita niyang pinipigilan ni Kathryn na umiyak)
KATHRYN: Ate please…bumalik ka na kay Kuya Sam…
(Tumayo si Kathryn at tumakbo papasok sa kwarto nito)
(Samantalang sa apartment naman ni Sam ay)
KAZEL: Hayyy!! So bored!!! Hoyyy!! Sam!!! Lakad naman tayo ohhh…
SAM: Ikaw nalang…
KAZEL: Hmmm…I’m thinking of going to the University later….
SAM: Ano namang gagawin mo doon?
KAZEL: Diba may stage play ang University? Enrique asked me if I could help them with the custome and the make-up… Since I have nothing to do, I agree.
(Tiningnan ni Sam ng mabuti si Kazel dahil alam niyang may binabalak na naman itong gawin at mukha namang nabasa ng babae ang iniisip niya)
Kung iniisip mo na kaya ako pumayag dahil kasali si Devon sa stage play… Well, to tell you the truth… She’s one of the reasons…
SAM: You won’t do anything na makakasakit sa kanya, will you?!!
(Nakita ni Sam na ngumiti ng makahulugan si Kazel at iniwan na siya)
(Pagsapit ng hapon ay ginanap ang first practice nina Devon for stage play. Ipinakilala sa kanila ang dance choreo na si Maja. She’s mabait at masiyahin pero ng magsimula na silang magpractice ng steps ay napakaseryoso na nito. For Devon, hindi naman siya nahirapan dahil hobby na nila ni Kyra dati pa ang pagsasayaw sa mga school programs. Natigil silang lahat ng patayin ni Maja ang music at)
MAJA: What’s wrong with you Coleen?!! You can’t move! Para kang tuod!!! You’re destroying everything!!!!
(Nakita ni Devon nang tingnan ng lahat si Coleen at napayuko ang babae. Andun pa naman si Enrique nanonood sa practice nila. Nagpatuloy si Maja sa pagsasalita)
Bakit hindi mo gayahin yung mga swag ni Devon…! I’m wondering kung bakit ka nasali sa casting, eh wala ka namang ibubuga!!!
(Palihim na napangiti si Devon dahil alam niyang napahiya si Coleen sa pagsita ni Maja dito. Nagbreak muna sila at lumapit si Enrique sa kanya at binigyan siya ng mineral water.)
ENRIQUE: Uminom ka muna…
DEVON: Thanks….
(Napasulyap si Devon kay Coleen at nakita niya ang galit na tingin nito. Mas lalo pa niyang ininis si Coleen at nagsmile siya kay Enrique.)
(Napataas naman ang kilay ni Sam ng makita na ang lapad ng smile ni Devon kay Enrique. Nang makita ni Coleen na dumating sina Sam at Kazel ay agad siyang lumapit sa mga ito with a big smile)
COLEEN: Sam!!!
(Agad narinig ni Devon ang pagbigkas ni Coleen sa pangalan ni Sam at nang lumingon siya ay nakita niya na nakakapit na ito sa braso ni Sam)
KAZEL: Ang kamay!!! (Hinila nito si Sam buhat kay Coleen at nakita naman ni Devon na lumapit si Enrique sa mga ito kaya napasunod na rin siya)
ENRIQUE: Kazel mabuti naman at nandito ka na… Ipapabasa ko sayo ang tungkol sa stage play mamaya para makapagdecide ka sa custome…
KAZEL: Oh sure!!! Nanonood ka ba sa practice?
ENRIQUE: Yup!!
(Tahimik lang sina Sam, Devon at Coleen)
KAZEL: How was it?
ENRIQUE: Just ask Maja sya kasi ang incharge sa dance nila…
(Sakto namang dumaan si Maja at nag-ask agad si Kazel)
MAJA: Magagaling ang napili sa casting lalung-lalo na itong si Devon pero namomoblema ako diyan… (pointing Coleen) basic steps di pa makuha-kuha, puro kaliwa ang paa at ang tigas pa ng katawan!!!
(Nakita ni Sam na yumuko si Coleen dahil alam niyang napahiya ito kaya nagsalita siya)
SAM: Maybe I can help…
(Napatingin silang lahat kay Sam at nagpatuloy ito sa pagsasalita)
I can help her practice…
(At nainis si Devon sa sinabi ni Sam at nakita niya na ngumiti si Coleen)
KAZEL: As if naman may time ka… (Nakita ni Devon na inis ang mukha ni Kazel)
SAM: Wala naman akong ginagawa tuwing hapon kaya pwede akong pumunta dito para turuan siya…
MAJA: Well that’s a great idea!!
ENRIQUE: Kung yun talaga ang gusto mo.. O sige payag ako…
(Inis na inis si Devon pero wala siyang nagawa. Nag-excuse sina Sam at Enrique dahil may pag-uusapan umano ang dalawa. Si Maja naman ay nagpunta ng washroom. Si Coleen ay may tawag na natanggap kaya lumayo sa kanila. Naiwan silang dalawa ni Kazel. Aalis sana si Devon para magpunta din ng washroom pero nagsalita si Kazel)
KAZEL: Sam helping Coleen to practice, anong say mo?
DEVON: As if naman hindi mo alam ang real score namin ni Sam…
KAZEL: Well.. I think this stage play will get more exciting!!
(Ngumiti si Kazel at iniwan na siya)
(Nasa office naman sina Sam at Enrique)
ENRIQUE: What’s your motive of volunteering to help Coleen?
SAM: Bakit nagseselos ka?
ENRIQUE: Sam?!
SAM: Don’t worry wala naman akong masamang binabalak…
ENRIQUE: Sam… I know your anger to me has nothing to do with Coleen…
SAM: O.o! Dapat ikaw pa nga ang magalit sa akin diba? Dahil she cheated you with me!!!
ENRIQUE: Sam I never hated you…alam mo yan…
SAM: Of course! Wala ka namang karapatang magalit ‘cuz were even!!!
ENRIQUE: Sam please… I know what you are feeling towards me right now has nothing to do with the past ….It has something to do with Devon, diba?!
SAM: Shut up!!! (galit na siya)
ENRIQUE: Wala akong balak na agawin siya sayo pero kapag ganyan lang din naman ang pagtrato mo sa kanya mas mabuti pang ipa-annull mo ang kasal niyo!
(Hindi na napigilan ni Sam ang sarili at sinugod niya si Enrique para suntukin pero bago pa man niya iyon magawa ang biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Kazel. Agad itong lumapit sa kanilang dalawa ni Enrique at nakatikim silang dalawa ng sampal buhat dito)
KAZEL: Stop you two para kayong mga bata!!!!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento