Sabado, Abril 30, 2011

Can't help falling inlove with you (Chapter 4)


CHAPTER 4
(Lumipas ang mga araw pero hindi pa rin maganda ang pakikitungo ni Sam kay Devon. Sabay man silang pumupunta sa school at umuuwi, tila hindi sya nag exists sa paningin nito. Kaya naman medyo nasanay na rin sya. Lumaki rin ang bulung-bulungan tungkol sa kanilang dalawa. Sabi nang mga fans ni Jasmine,hindi daw sya kagandahan at baka sya pa daw ang maging dahilan nang break up nang dalawa. Sabi naman nang mga Anti-Jasmine, mas mabuti pa ngang magbreak ang dalawa kasi lumalaki na daw masyado ang ulo nang una and at first place nakisakay lang nman ito sa kasikatan nang huli. Habang iniisip ni Devon ang ibat-ibang mga bagay na naririnig nya hindi nya namalayan na may tumatawag sa kanya. Kailangan pa syang sigawan. Medyo napahiya sya nang makita si Coleen)

COLEEN: Grabe ka ha kanina pa kita tinatawag di mo man lang ako narinig.
DEVON: May iniisip kasi ako. Pasensya na.
COLEEN: Sino si Sam?
DEVON: Kasi may naririnig ako sa kanila ni Jasmine.
COLEEN: Tinanong mo ba si Sam tungkol sa kanila?
DEVON: Hah (sasabihin sana nya dito kung paano sya tratuhin ni Samuel pero wag nalang. Wala namang alam si Coleen kung ano talaga sya sa buhay nang lalaki)
COLEEN: Bakit parang natahimik ka, may problema ba?
DEVON: Hah? Wala…Ok lang ako..
COLEEN: Alam mo napapansin ko kasi halos kibuin  dili ka ni Sam dito sa Campus. Palage nga kayong magkasama pero para namang di nyo kilala ang isat-isa. Weird talaga kayong dalawa.
DEVON: Wala naman kasi kaming pwedeng pag-usapan ehh..
COLEEN: I like you for Sam!!
(Natapilok bigla si Devon sa narinig nya)
COLEEN: Ok ka lang. Pasensya na… Nabigla siguro kita sa sinabi ko.
DEVON: Sinabi mo pah!
COLEEN: I have a better idea! (Hinila nito si Devon)
DEVON: Saan tayo pupunta?
COLEEN: You’ll know later. (makahulugan nitong sabi, wala na syang nagawa kundi sumunod kay Coleen hanggang nakarating sila sa Dance Studio)

DEVON: Bakit tayo nandito? May dance program ba?
COLEEN: Look at the bulletin! (Tiningnan ni Devon ang bulletin at na basa nya na the Dance Troupe is looking for new members)
DEVON: Wag mo sabihing magpapa audition ka?
COLEEN: Anong ako? Member ako nang Troupe. I brought you here kasi po ipapaaudition kita.
DEVON: Ano???!!! (gulat na gulat si Devon sa sinabi ni Coleen)
COLEEN: Sam and his company are members of the troupe pati na rin si Jasmine. Kung ayaw mong mapunta sa iba ang Romeo mo dpat lumaban ka nang patas.
DEVON: Sino bang nagsabi sayo na gusto ko si Sam?
 (pero hindi sya sigurado sa sinasabi nya. Kahit kasi iniignore nito ang presence nya. Bilib pa rin sya dito. Nalaman nya kasi na Dean’s lister ito sa kanilang University at marami pa itong extra curricular activities na sinasalihan which is plus factor sa kagwapohan nito.
DEVON’S POV: Devon Mae Seron mag-ayos ka nga! Naloloka ka na talaga! Hinding-hindi ka dpat magkagusto sa gago na yon!! (tinapik nya ang kanyang ulo at napansin ito ni Coleen)
COLEEN: Ok ka lang? Listen Devon.. Pag natanggap ka sa Troupe magkakaroon ka nang discount sa tuition. Isn’t it great? Mababantayan mo na si Romeo, mkakasave ka pa nang money. Dbah???
(Sasagot pa sana sya nang makita nya sina Enrique at Aaron, as usual friendly talaga itong dalawa sa kanya)
AARON: Devz!! It’s a surprise! I haven’t seen you lately. (habang si Aaron ay pa smile2x, mukhang na badtrip naman si Enrique nang makita si Coleen. Napansin ito ni Devon kaya kinausap nya ito)
DEVON: Enrique, ok ka lang? Sinamahan ko si Coleen papunta sa studio nyo.
COLEEN: Actually no!! Magpapa-audition sya?
ENRIQUE AT AARON: Talaga??? (sabay sabi nang dalawa. Halata sa mga mukha nila  ang kasiyahan.)
ENRIQUE: This is great!!!
(hinila na sya ni Enrique papasok sa loob nang studio, wla na syang nagawa kundi sumunod dito at sumunod din sa kanila sina Aaron at Coleen. Pagpasok pa lang nang studio mukha na ni Sam ang una nyang nakita. Mukhang nag-iba na naman ang tipla nang mukha nito ng makita sya.)
SAM: So what brought you here? (sarkastiko nitong tanong, Si Aaron ang sumagot kay  Sam)
AARON: Mag papa-audition sya sa troupe.
 SAM: What??!!!
(nakita ni Devon kung paano nagulat si Sam at naging dahilan para magsmile sya. Hindi naman nakaligtas kay Sam ang pagsmile nya at mukhang kakainin sya nang buhay base sa expression nang mukha nito)
SAM: Does she even know the basic steps??
(nagpagting ang tenga ni Devon sa narinig. Minamaliit talaga sya nang mokong na ito.)
DEVON: Just watch me Mr. Concepcion (tangi nyang nasabi kay Sam at ningitian nya ito nang matamis. Narinig naman nya ang pabulong na pagsabi nito nang “damn it!)
(Kahit kilala naman ni Devon ang iba pang dance troupe members katulad nina Enrique, Aaron at Coleen dumaan pa rin sya sa procedures kung paano pipili ang troupe. All she gonna do is sasayaw lang naman sya sa harap nang mga members tapos kapag marami syang YES vote na makukuha, she’s IN! Nang magperform na sya hindi nman maiwasang tumingin ni Sam. Nakita nya kung paano gumalaw si Devon. Ayaw man nyang aminin namangha sya sa moves nang dalaga. She can move like a pro. Nang matapos nang magperform si Devon. Bumuto na ang mga members. Medyo may mga Anti-Devonairs naman ang troupe. Imagine nag tie pa talaga. Of course Enrique, Aaron and Coleen vote YES for her and Jasmine and her company voted NO. So, for the tie breaker. SAM must make a choice as a President of the Troupe)

AARON: So, Sam you have to decide now. You have to break the tie pare.
JASMINE: Her skill isn’t that good para maging part nang Troupe Sam kaya you know what to do.
YEN: Naman ohh! YES dapat VOTE ko kaso nagkamali ako.
JASMINE: What??!! (parang na shocked naman si Jasmine sa tinuran ni Yen at lihim na ngumiti si Devon)
YEN: Tama yung narinig mo Jas. I mean she can really perform. Kaya lang nagkamali ako nang na raise na flag.
JASMINE: Alam mo Yen!! (medyo tumaas na ang boses ni Jasmine kya inawat ito ni Sam)
SAM: I vote YES for  her.
(mahinang sabi ni Sam pero dinig nman nang lahat. Halos hindi makapaniwala si Devon sa kanyang narinig. Expected na naman kasi nya na NO ang vote nito. Sabi nga nito. He’ll make her life miserable. Mukha naming disappointed si Jasmine sa narinig kya nag walk-out ito. Samantalang ang iba ay nakatingin lang. Iniisip nila marahil na susundan nito si Jasmine but nagulat sila nang hilahin nito si Devon at)
SAM: Let’s go! Kanina pa naghihintay si Mommy for the dinner.
(wala nang nagawa si Devon kundi sumunod kay Sam at hindi nalang nagsalita ang iba pang tao sa studio. Nang makapasok na sila sa sasakyan as usual hindi na naman sila nag-usap hanggang nakarating sila sa bahay. Masaya silang sinalubong nang Mommy ni Sam)
MRS. CONCEPCION: Bakit ngayon lang kayong dalawa? Kanina ko pa kayo hinihintay. (totoo palang kanina pa naghihintay ang Mommy ni Sam akala nya nagsisinungaling lang ito. Humalik sa kanilang pisngi ang Mommy nito at gumanti naman sila)
SAM: May practice pa kasi ang troupe Mom.
MRS. CONCEPCION: Devon iha pumunta ka muna sa kwarto mo at magbihis. We’ll have dinner outside.
SAM: Akala ko ba dito tayo sa bahay maghahapunan?
MRS. CONCEPCION: No iho. Naisip ko lang na hindi pa natin formally na wewelcome si Devon sa bahay.
DEVON: Ok lang po yun hindi na kailangan ang welcome party.
MRS. CONCEPCION: Iha ilan beses na kitang sinabihan na no objections from you.
DEVON: Sige po. (hindi na sya kumontra pa sa Mommy ni Sam kasi wala din naman syang magagawa. Sinabihan nalang nya ito na magpapalit lang sya sandali nang damit)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento