CHAPTER 10
MEET TRICIA
(Kinabukasan pagbaba palang nila sa sasakyan, dami nang mga matang nakatingin. Hindi na talaga comfortable si Devon sa sitwasyon. Habang ang Sam naman ay panay ang ngiti. Naririnig ni Devon ang mga bulung-bulungan na she’s a third party daw. Nagbreak daw sina Sam and Jasmine because of her. The worst thing is, may ibang nagsasabi na anong klaseng babae ba ang nakatira sa bahay ng lalaki gayung ang bata-bata pa nila at di pa sila kasal. Alam nyang narinig ito ni Sam at kitang-kita nya ang naka lolokong ngiti nito. Nagulat pa sya nang bigla syang akbayan. Wala syang nagawa kasi ang higpit nang pagkakahawak nito sa kanya. Nang dumaan sila sa lobby, may naririnig sya na grupo nang mga lalaki na nagsasabing : “ for the win kayo!) Kaya di na nya mapigilang magsalita)
DEVON: Pwede ba!! Ialis mo na yang kamay mo. Hindi kana nkakatuwa!! (inis na talaga sya kay Sam)
SAM: I’m your fiancé dbah? Kaya may karapatan ako sayo. I can do whatever I want.
(hindi nalang sya nagsalita kasi hindi nya alam ang sasabihin, at wala pa syang naisip na paraan kung paano kokontrahin si Sam. Tinotoo talaga nito ang pagganap bilang fiancé nya kasi hinatid siya nito sa classroom. Bago pa sya nakapagreact, he kissed her cheeks. Nakita naman ito nang mga kaklase nya. Namula sya sa sobrang hiya)
SAM: I’ll fetch you later kaya dito ka lang. (at umalis na ito)
(shocked pa rin sya sa pinaggagawa ni Sam at nang makapasok na sya sa klase pinagtitinginan sya nang lahat.Umupo nalang sya at nakinig sa tsismis nang mga ito)
GIRL 1: Ang landi-landi talaga. Nang-agaw na nga nang boyfriend! Nagpahalik pa sa harap ng maraming tao.
GIRL 2: Tama ka! Mabuti pa si Jasmine. Ni minsan hindi sya nagpa kiss kay Sam sa campus.
GIRL 3: Pero ang iba dyan. Kabago-bago lang bumigay agad.
GIRL 4: Balita ko nakatira na sya sa bahay nina Sam!! Yucks talaga!!
GIRL 5: If I know pag pinagsawaan na sya ni Sam, iiwan din sya.
(nagngitngit na sa galit si Devon, gusto na nyang sugurin ang mga ito at pagsasampalin. Kung anu-ano na ang pinagsasabi nang mga ito sa kanya. Sirang-sira na talaga ang reputation nya sa buong Campus. Sige pa rin ang mga ito sa paglait sa kanya nang biglang may isang tumayo at nagsalita. Nang lumingon sya nakita nya si Tricia, isa sa mga kasamahan nya sa troupe. Ni hindi sila nag-uusap nito sa studio. Sabi ni Aaron may pagka overacting daw ito pero mabait naman. Narinig nya nang magsalita si Tricia)
TRICIA: Tumahimik nga kayo mga tsismosa talaga! Naiinggit lang naman kayo kasi gusto ni Sam si Devon. Ano ngayon kung nagbreak sila ni Jasmine? Ni minsan na kita nyo bang naging sweet sina Jasmine at Sam sa isat-isa? At ni minsan din hindi umamin si Sam na girlfriend nya si Jasmine. Unlike Devon na proudly sinabi nya sa lahat, hindi lang basta girlfriend kundi fiancée pa. Kaya magsitahimik na kayo.
(natapos nang maglitanya si Tricia at tumahimik naman ang mga tsismosa. Lumapit ito sa kanya)
TRICIA: Hay nko girl! Bakit ka pumapayag na inaapi ka nang mga iyan.?
DEVON: Ayaw ko kasi ng gulo. Wala din namang mangyayari pag-inaway ko sila.
TRICIA: If you want them to stop you have to learn how to fight back. Anyway, don’t worry… Sam is there naman to protect you. I’m sure, he’ll do.
DEVON: Kung alam mo lang na pakana ito lahat ni Sam.
TRICIA: Natahimik ka may problema ba?
DEVON: Ha? Wala…
(sakto namang dumating ang kanilang Professor at tumahimik na ang paligid. Nang sumapit ang lunch sabay na sila ni Tricia. Ngayon lang nya nalaman na halos magkaklase sila nito sa lahat ng subjects. Wala pa masyadong tao sa canteen. Nakita nila si Aaron na nakatunganga sa harapan ng laptop nito. Lumapit sila para maki share ng table kasi nag-iisa lang ito doon. Nagtaka sya kung bakit wala si Enrique kaya di nya mapigilang magtanong)
DEVON: Where’s Enrique? Hindi ko sya nakikita sa Campus.
AARON: He’s sick kaya di sya pumasok ngayon. Kaya nga wala din tayong rehearsal, tapos di rin makakapunta sina Jasmine. Kaya cancel na muna ang rehearsal today. (napansin ni Aaron na bigla na lungkot si Devon)
AARON: Smile ka naman Devz. Wag mong isipin ang nangyari kahapon. Nagdrama lang yong si Jasmine.. You know.. para mapansin dito sa Campus.
DEVON: Alam mo Aaron kahit kalian Devonairs ka talaga. (nagsmile na rin sya)
AARON: Siyempre magkamukha kasi kayo ni Erich.
DEVON: Sinong Erich?
AARON: Loveteam ko dati… Pero hindi ko naging girlfriend ha… Loveteam lang.. (tumawa na ito at nahawa na rin silang dalawa ni Tricia. That’s what he likes most about Aaron. He knows how to make somebody feel good. Hindi nakakapagtakang marami itong naging girlfriend)
TRICIA: Hay naku Aaron! Magbago ka na at magseryoso sa buhay.
AARON: Naging boyfriend mo lang si Robi nagbago kana.
DEVON: Sinong Robi? Palagi ko naririnig name nya but I haven’t seen him pa talaga.
TRICIA: Pinsan ni Sam at ang!!!
AARON AT TRICIA: Dakilang Shipper!!!! (nagkuros pa ang dalawa)
DEVON: Shipper???!!! (nagtaka naman sya kung bakit tumahimik ang dalawa. At nang lumingon sya nakita nya si Jasmine , galit na galit ang mukha nito. Nagtinginan sa kanila ang iba pang estudyante at as usual nakiusyoso na naman ang mga ito. Hindi nya alam kung magsasalita ba sya. Biglang nagsalita si Aaron)
AARON: Oh Jas!!! May kailangan ka?
(hindi ito sumagot kay Aaron at hinarap sya)
JASMINE: We need to talk! (pagtataray nito)
DEVON: Sabihin mo nalang kung ano man ang gusto mo. (tumayo sya at hinarap ito)
JASMINE: Well, I just came here for this!!! (kinuha nito ang baso ng juice na nasa table nila at ibinuhos sa kanyang mukha. Nashocked naman lahat ng tao sa canteen. Hindi makapagsalita si Devon at dali-daling tumayo sina Aaron at Tricia. Sakto naman lalapit na si Aaron kay Devon ng dumating si Sam)
SAM: Jas! Why did you do this??!!! (tila nagpigil ito sa sarili at nakita naman ni Jasmine ang expression ni Sam kaya nagdrama sya)
JASMINE: Sya na man ang nauna ehh… Sabi nya layuan na daw kita kasi kayo na at kahit ano pa daw ang gagawin ko, sya pa rin ang fiancée mo.
(hindi matiis ni Devon ang kasinungalin ni Jasmine kaya tumakbo nalang sya palabas ng canteen. Hinabol naman sya nina Aaron at Tricia. Wala na syang pakialam kung ano sasabihin ng ibang tao na naiwan doon. Nang maabotan sya nina Aaron. Hindi na nya napigilan ang kanyang sarili, tumulo na ang kanyang luha at napaiyak sya. Niyakap naman sya ni Aaron as assurance na pwede nya itong maiyakan. Tinanong sya nito kung gusto ba nyang umuwi, pero nagbigay sya ng NO sign dito. Kaya kinausap nito si Tricia, pupunta nalang sila sa bahay nito para narin makapagpalit sya ng damit. Matapos magpalit ng damit at malinis ni Devon ang sarili lumabas na sya. Nakita nya si Aaron na naghihintay sa may living room nina Tricia. Agad syang nakita nito at nagsalita)
AARON: Ok ka na? Kakausapin ko Sam at sasabihin ko kung ano talaga ang nangyari.
DEVON: Huwag na Aaron. Salamat sa pag-aalala mo. This is between me and Sam, ayaw ko pati friendship nyo ay madamay.
(naintindihan naman ni Aaron ang ibig sabihin nito kaya di na sya kumontra pa)
DEVON: Pwede bang dumito ka muna kina Tris para naman may kausap kami at di kami ma bored.
AARON: Gagawin mo naman akong taga aliw, nagmumukha na akong clown nito.
(tumawa nalang sya sa hirit ni Aaron at tsaka naman ang pagdating ni Tricia galing kitchen may dala itong cookies at juice)
TRICIA: Snacks tayo guys!!! Movie marathon tayo dito!!!
AARON: Buti pa nga! Hindi ko nainom ang juice ko kanina dahil sa ginawa ni Jasmine. Sisingilin ko yun pag nakita ko.
(tumawa nalang sila ni Tricia sa sinabi nito. Ang panonood nila ng isang movie ay nasundan pa ng marami hanggang di nila namalayan ang oras. Mag aalas dose na ng gabi. Sinabi nya kay Aaron na ihatid nalang sya pauwi.)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento